CHAPTER 48

113 2 2
                                    

"Lael, wait!" Pagtawag ni Jeush kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

Nang makarating sa elevator ay mabilis koi tong isinara. Buti nalang talaga at walang ibang naroon. Puro hikbi lang ang ginawa ko. 'Di man lang ako nakapaghanda na ganito pala katindi ang sakit na mararamdaman ko. Sana man lang nagawa kong ihanda ang sarili ko sa pagbabalik niya.

Patuloy sa pag-agos ang luha ko habang binabaybay ko ang daan palabas ng kompanya. Pinagtitinginan na ako ng mga taong nadadaanan ko ngunit ipinagsawalang bahala ko lang iyon. Ang nais ko lang gawin ay makaalis sa lugar na ito.

My heart is pounding in tears. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko 'wag lang maabutan ni Jeush.

Habang papalabas ay nanginginig ang mga kamay na nag-dial ako sa cellphone. Mabuti nalang at mabilis na sinagot si Marie ang tawag ko.

"B-Besh." Nanginginig na wika ko pa na ikinasinghap nito sa kabilang linya.

"Reah, umiiyak ka ba? Anong nagyari sa'yo? Nasaan ka ngayon?" Nag-aalalang tanong pa nito. I wipe my tears and trying to calm my voice ngunit nababasag parin ito. 'Di ko man lang makontrol ang pag-agos ng luha ko.

"P-pwede mo ba akong kunin ngayon? N-nasa kompanya ako." Basag ang boses na wika ko pa. Narinig ko namang may mga boses ng tao sa kabilang linya. Paniguradong nasa photoshoot ito ngayon.

"Besh, nasa photoshoot pa ako, papaalam lang ako saglit." Aniya at sandaling may kinausap sa kabilang linya.

"Reah, what happened?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Keith. Subrang ayos ng damit nito at halatang dadalo ng business meeting. Katabi nito ang kanyang secretary na may bitbit na mga folders.

"Oh god! Give him the phone, Reah, let me talk to him." Ani Marie sa kabilang linya. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.

Nanginginig ang kamay na inabot ko naman ito kay Keith. Napapatango ito habang kausap si Marie sa kabilang linya habang nakakunot ang noo na nakatingin sa'kin.

"Okay, I'll take good care of her." Aniya bago ibinaba ang cellphone at muling iniabot sa'kin.

I was about to speak nang marinig ko ang pagtawag ni Jeush sa pangalan ko. Saglit ko itong nilingon. Nakabukas ko parin ang botones nito at magulo ang buhok. All I can see is pain that covers his eyes.

"Let's go,. Reah." Pagpukaw ni Keith sa atensiyon ko at mabilis akong hinila palabas at pinasakay sa sasakyan niya.

Mabilis niya iyong pinasibad at kita ko pa sa side mirror ang paghabol ni Jeush hanggang sa unti-unti nawala siya sa paningin ko.

Tahimik lang akong umiiyak habang nakatoon sa bintana ang paningin. Hindi rin nag-abalang tanungin ako ni Keith habang nasa byahe but he keeps on eyeing me. Panaka-naka siyang sumusulyap sa'kin.

"Here." Pagputol pa nito sa katahimikan at iniabot sa akin ang kanyang panyo.

Saglit ko iyong tinitigan bago nagpasyang abutin. I tried to wipe my tears pero tila 'di maubos-ubos ito. It keeps on falling.

Hanggang sa nakarating kami sa condo ni Marie ay 'di nagtangakang magtanong si Keith but he keeps on telling me that everything will be alright.

Nagtaka pa ako kung paanong alam nito ang passcode sa condo ng kaibigan ko ngunit wala akong lakas na itanong iyon. Baka sinabi lang ni Marie kanina nong tumawag siya.

Iginiya niya ako papasok sa loob and invited me to sit in the sofa habang dumiretso siya sa kusina. 'Di rin naman nagtagal ay bumalik itong may dalang isang basong tubig at iniabot sa'kin. Tinanggap ko naman ito at agad na ininom.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon