PROLOGUE

597 11 0
                                    

Patawid na sana ako sa papasok sa skwelahan nang mamataan ko ang isang lalaki na tila walang pakialam sa kanyang paligid. Tulo-tuloy lang ito sa paglalakad at tila ba hindi man lang nito napapansin ang paparating na sasakyan. Nakita ko namang ilang minuto nalang at pupula na ang traffic light.



Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako papunta sa gitna ng kalsada kung saan naglalakad ang lalaki. Walang pasabi ko itong hinawakan sa kanyang kamay at hinatak papunta sa gilid.





Pagdating sa gilid ay pabagsak ko itong binitawan at sinamaan ng tingin ang lalaki. Nakasuot pa ito ng itim ng hoody at cap habang may suot din itong itim na mask. Kulang nalang at pwede ko nang iisipin na kidnaper siya pero hindi ko iyon magawa nang titigin din ako ng mala-abo nitong mga mata. Kahit nakatago ang mukha niya ay hindi ko naman maiwasang mamangha sa kanyang makakapal na kilay at pilikmata.




" Hoy! Magpapakamatay ka ba ha?" Bulyaw ko pa dito. Taka naman itong tumingin sa'kin at tinanggal ang headset sa kanyang tenga. Kaya pala hindi niya narinig ang bosena ng sasakyan.




" Pardon Ms. What did you say again?" Aniya. Dahil sa inis ko ay sinipa ko ang binti nito. Napadaing naman ito at hinawakan ang kanyang binti sabay tingin sa'kin ng masama.




" Kaya pala 'di mo narinig ang bosena ng sasakyan dahil diyan sa headset na 'yan! Kung may balak kang magpakamatay huwag dito kung saan maraming makakakita sa'yo. Ang daming gustong mabuhay sa mundo samantalang magpapakamatay kalang. Don ka sa tulay tumalon. " Mahabang wika ko pa sa kanya sabay mura. Tinaasan niya naman ako ng kilay at umayos ng tayo.





" And who told you that I am going to suicide?" Aniya. Napangiwi naman ako sa tanong nito pero dahil sa ayaw kong mapahiya naghanap ako ng isasagot.





" A-aba malay ko sa'yo! Kung makalakad ka parang ikaw lang 'yong tao. Porbista giliw! " Naiinis na wika ko pa. Bahagya pa itong natawa sa sinabi ko kaya sinamaan ko ito tingin. " Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko ha?" Taas kilay na tanong ko pa dito.





" You know what, Ms? You're just wasting my time. " Aniya at aktong tatalikod na nang magsalita ako.




" Sino naman sa atin ang nasayang ang oras ha? Vaffanculo! Kung 'di sana kita niligtas eh 'di nangingisay kana sana at patay kana ngayon. Sayang, makikikape na sana ako. " Nakita ko namang nalaglag ang panga niya sa sinabi ko kaya nakakalokong nginitian ko lang ito. I saw through his eyes na tila natigilan pa ito.




" Did I ask you to save me huh? Silly girl." Aniya. Imbes na sagutin siya ay napatingin ako sa wrist watch niya. Hinawakan ko pa ito upang makita ng maayos ang oras. Alam kong nagtangka siya sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin.



Ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makitang alas nuebe na ng umaga. Paniguradong mag-uumpisa na ang second subject ko.



" Shit! Late na ako. Ikaw kasi eh. " Paninisi ko pa sa kanya at aktong tatalikod na sana ako nang matalisod ako at ma-out balance. Ipinikit ko naman ang mga mata ko upang antayin ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay wala man lang akong naramdamang sakit. Tanging isang matigas na bagay lang ang naramdaman ko na tumatama sa aking puson.



Dahan-dahan akong nagmulat at ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko nang ma-realize na nakapatong ako sa ibabaw ng lalaki. Paulit-ulit akong napalunok kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko nang mapagtantong subrang lapit ng mga mukha namin. Mabuti nalang talaga at may mask ito kun'di ay baka nahalikan ko na ito.




Mabilis akong umalis sa ibabaw niya nang napadaing ito at napamura. Hindi ako nagsalita at minabuting umalis na. Paniguradong may warning slip na naman ako nito. Palaging late.



Nakailang hakbang palang ako ay huminto ako at tumingin muli sa lalaki na nakatayo parin doon at nakatingin din sa gawi ko.



" Kung magpapakamatay ka, ibenta mo muna sa'kin ang lamang loob mo ha. " Nakakalokong ngisi ko pa bago tuluyang tumakbo. Napangisi naman ako nang maalala ang reaksiyon nito. Ang mukha niya na 'di maipinta. 





Nasa may gate na ako ng school ng maramdaman kong medyo magaan ang kamay ko. Napatampal naman ako sa noo nang makitang wala na doon ang bracelet ko. Hindi naman pwedeng bumalik ako para hanapin iyon dahil paniguradong mali-late na ako. Hindi lang iyon bracelet na pwede kong bilhin sa mga jewelry store. Money cannot match its value.

__________
A/N: Uumpisahan ko 'to after my examination. Daily update parin para matapos agad. 😊❤️

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon