CHAPTER 8

144 5 1
                                    

" This is the General Management Department. This department develops and executes overall business strategies and they are responsible for the entire organization. They deals with determining overall business strategies, planning, monitoring execution of the plans, decision making, and guiding the workforce, and maintaining punctuality and disciplinary issues. " Pagpapaliwanag pa ni Keith habang nililibot namin ang buong kompanya.

" Ang hirap naman yata. Ang dami kong kailangan pag-aralan. "


" Sinabi mo pa. Your husband is so terror so hindi na ako magugulat kung magrereklamo ka. He value every cents in his company. Ayaw non ng delayed na trabaho and he always wanted everything to be perfect. Kailangan every morning may kape na sa mesa niya. You should always check his schedule and remind him all the time." Mahabang wika pa nito na ikinalunok ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong pinasok ko pero wala na 'tong atrasan.


Bawat salitang sinasabi ni Keith ay isinusulat ko naman sa notebook upang mapag-aralan. Kailangan lahat ng bagay na parte sa kompanyang ito ay mapag-aral ko upang kahit papaano ay may maitutulong ako kay Jeush.


" 'Di ba 'yan ang asawa ni Mr. Sinatra? 'Yong nasa balita nong nakaraang araw. "

" Oo nga no. Ang ganda pala sa personal. "

" Ang simple pa hindi tulad nong girlfriend ni sir na mukhang pusit. "

Rinig ko pang bulong-bulongan ng nga empleyado pagpasok namin sa purchase department. Ito ang panghuling department ng kompanya.


" Everyone, this is Jireah Lael Hadassah-Sinatra, Mr. Sinatra's wife and new secretary. " Pagpapakilala ni Keith sa'kin. Tumayo naman ang mga empleyado at nagbigay galang sa'min.

" Excuse me sir? Bakit secretary if she can be part of the board?" Tanong pa ng isang babaeng may kulot na buhok at malaking salamin sa mata.

" W-well, that's their decision. " Sagot pa ni Keith at bahagyang tumawa.

" Hi everyone! Nice to meet you all. " Nahihiyang wika ko pa.

" Hi, ako nga pala si Marco. Team leader ng department. " Pagpapakilala pa sa'kin ng isang lalaking may makapal rin na salamin sa mukha. Nahihiyang naglahad pa ito ng kamay sa'kin na agad ko namang tinanggap at nginitian ito. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ng mga empleyado at sabay napabuga ng hangin na ikinataka ko.


" Kyahhh! Infairness. Ang swerte sa'yo ni sir. Ang bait mo pala, ma'am Lael. 'Di katulad nong dati ni sir. Maski mahawakan mo lang ang damit nandidiri na. " Tili pa ng isang babae. Tipid lang akong ngumiti sa kanila. I feel awkward with this. I am not confident enough to talk about Jeush girl. Ibig sabihin lang non na kilala nilang lahat si Rhinaya. Siguro nga ganun na katagal ang pinagsamahan nila.

" Let's set aside that topic from work. Everyone, you may go back with your work! " Pagputol ni Keith. " Are you okay? You seem so tired or something?" Baling pa nito sa'kin. Tipid naman akong ngumiti sa kanya.


" I'm good. Don't mind me. "

" Excuse me, Mrs. Sinatra. This is Mr. Sinatra's schedule and these are all the files that you have to study. I also included there all the documents list that you have to bring everytime Mr. Sinatra's is on board meeting. " Mahabang litanya pa ng babae na lumapit sa'min sabay bigay sa'kin ng isang box. Inabot ko naman ito at muntik nang mabitawan nang mapagtantong mabigat pala ito.

" Let me carry it. " Pag-agaw pa ni Keith sa box. Hinayaan ko nalang ito.

" Ito ba lahat? As in? " 'Di makapaniwalang tanong ko pa. Tumango naman ang babae. " Ang dami naman yata. Pang-apat na taon ko na yata 'to eh. " Angal ko pa na bahagyang ikinatawa ng babae.


" Maiwan ko na po kayo. Have a great day!" Wika pa ng babae bago tumalikod sa'min. Napabusangot naman ako habang nakatingin sa box na hawak ni Keith.

" What's with that face?" Natatawang asar pa nito.

" Parang gusto ko nalang mag-back out. 'Di ko yata kakayanin 'to eh. " Nakabusangot na wika ko pa. Mahinang tinawanan lang ako nito.

" Anyway, why did you apply in the first place?" Tanong pa nito habang tinatahak namin ang pasilyo pabalik sa opisina ng asungot na asawa ko.

Sandali akong tumahimik.

" Kasi gusto kong mapalapit sa kanya." Tipid na sagot ko pa na ikinatawa nito.


" For real? But why? "

" Oo. Panirang lalaki 'yun. Nag-effort na nga akong maging mabuti sa kanya tapos dinaig pa ang yelo. Eh ipasok ko kaya siya sa refrigerator nang matuluyang maging yelo. Kahit asawa lang sa papel ang tingin niya sa'kin, I never saw him that way. Gusto ko lang mabago niya ang kanyang sarili bago ko pepermahan ang annulment. " Mahabang wika ko pa.


" Annulment? You mean you were in arrange marriage?" Takang tanong pa nito na ikinataas ng kilay ko.

" Akala ko ba magpinsan kayo?" Nakataas kilay na tanong ko pa sa kanya. He chuckled before answering my question.

" O-of course. You know, I was so busy with my personal life that I wasn't able to attend your wedding. Pinauwi pa ako ng pinas para makipag-inuman matapos ang kasal niyo tapos 'di man lang sinabi sa'kin that it was all an arrangement. Tsk. " 'Di makapaniwalang bulalas pa nito.


" He disappeared after the ceremony. Hindi ko man lang siya nakausap ng pormal non. And even now. Ang hirap niyang makausap ng maayos. " Malungkot na wika ko pa.

" Do you love him?" Tanong pa nito na ikinatigil ko. Hindi agad ako nakahuma ng sagot. Binalot ng katahimikan ang buong paligid.


" Kapag ba sinabi kong Oo masusuklian niya rin iyon?" I ask him instead.

" Well, knowing him, I can't say yes. " Sagot pa nito. " But I can't also say no, Reah. You're so brave to give up on him. I can see that you're up to something for his own good. " Dagdag pa nito. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. He has a point. Pero buo na ang desisyon ko na tulungan siya before I'll sign the annulment. 


" Ako 'to si Jireah Lael at naniniwalang walang matigas na hindi lumalambot!" I cheered on myself na ikinatawa ni Keith.

" You know what? You're so jolly. I like your sense of humor, Reah. " Tumatawang wika pa nito.


" Wala akong sakit sa utak no!" Kuntra ko pa na mas lalo nitong ikinabuhakhak. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

" Damn! Sense of humor kasi 'yon, Reah. Hindi tumor. " Tumatawang pagtatama pa nito. Napakamot naman ako sa ulo ko nang ma-gets ito.


" You seem so enjoy with your talks that you even forgot about your duty, Lael. "  Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang biglang sumingit si Jeush. Blangko parin ang ekspresyon nito habang nakapasok pa sa bulsa ang kanyang isang kamay. Hindi ko man lang namalayan na nasa harap na pala kami ng kanyang opisina.

______
A/N: Have a great day! Thanks for reading this story. ❤️

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon