Lael's POV
"Oh, ba't nakabusangot na naman ang, beshy ko?"
Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni Marie. May dala itong isang basket ng prutas at ipinatong iyon sa side table ng kama ko.
Humanga ako ng malalim bago umayos ng upo.
"Ang likot kasi ni baby." Nakabusangot na wika ko sabay himas sa aking tiyan. Mag-e-eight months na ang tiyan ko sa susunod na linggo kaya nararamdaman ko na ang pagiging mas malikot na ang anak ko. He's always like this. Sinisipa niya ang tiyan ko. Tuwang-tuwa ako noong nalaman kong lalaki ang magiging baby namin. He's so strong dahil habang lumalaban ako sa sakit ko ay matindi pa rin ang kapit niya.
Its been six months after the I left the country. Kasalukuyan kaming nasa States ngayon kasama ng mga parents ko. Binibisita rin ako ni Marie dito thrice a month at maging ang mga magulang ni Jeush at si Chairman. Sa katunayan ay nandito sila noong nakaraang araw upang bisitahin ako at kamustahin ang apo nila na hindi pa man lumalabas ay excited na silang makita.
Hindi naging madala ang pagbubuntis ko sa loob ng anim na buwan. Tiniis kong huwag makita si Jeush kahit pa gustong-gusto kong nakikita at nahahawakan ang mukha niya. Maging sa pagkain ay gusto kong siya ang nagluluto at siya rin ang bumibili. His parents has been so persistent kaya gumawa sila ng paraan para lamang kumain ako. Inuutusan nilang mamili si Jeush ng pagkain na 'di nito nalalaman na dinadala sa'kin. Lahat ng mga gusto kong kainin noong naglilihi ako ay sina tita ang gumawa ng paraan. Kahit na gustong-gusto na nilang sabihin kay Jeush ang tungkol sa akin at sa pagbubuntis ko ay pinausapan ko silang huwag munang sabihin hanggang sa makapanganak ako. Kalaunan ay pumayag din naman sila.
Nang tumuntong ng limang buwan ang tiyan ko ay sa hospital na ako namamalagi upang mamonitor ang kalagayan ko. They've been checking me all the time. Aantayin lang na manganak ako para maisagawa ang surgery. Desisyon ko iyon dahil ayaw kong mawala ang nag-iisang anghel namin.
"Masanay ka na, besh. Excited na lumabas 'yan." Ani Marie at nakangiting lumapit akin. She gived me a hug at hinimas ang tiyan ko. "Sina tita susunod raw mamaya at may inaasikaso pa." Aniya at naupo sa katabing upuan ng kama ko.
Tumango ako sa kanya at muling ibinaling ang paningin kisame.
Nami-miss ko na siya. Wala yatang oras na hindi ko iniisip kung kamusta na siya at kung naaalagaan pa nga ba ang kanyang sarili. Masaya na kaya sila ni Rhinaya? Wala naman kasing binanggit sina Tito Khev at Tita Jenna. Kapag nagtatanong naman ako ay iniiba nila ang usapan.
Hindi ko namalayang naluha na naman ako. Ganito ako sa tuwing naiisip ko siya.
"Beshy, stop crying. You know na hindi nakakabuti sa baby mo 'yan." Pag-aalo pa ni Marie sa akin sabay yakap ay hagod ng likod ko.
"I m-miss him." I whispered at napahagulgol.
"Hush, Besh. Tahan ka na."
"G-gustong-gusto ko na s-siyang makita. S-sasabihin ko na sa kanya na m-magkaka-baby na kami." I mumbled between my cry. Malungkot naman akong inaalo ni Marie.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...