CHAPTER 2

267 7 0
                                    

" Subrang laki naman ng bahay na'to para sa ating dalawa." Komento ko pa nang makababa ng sasakyan. Hindi naman ito sumagot ni bumaling man lang sa akin at tulo-tuloy lang sa pagpasok sa loob. " Hoy! 'Wag mong sabihin ako magbubuhat nito? " Pagtawag ko pa pero hindi man lang ito nakinig. Napalabi naman ako.



" Remember that we're only married in papers. You can do whatever you want and you are not allowed to interrupt my life. Siguraduhin mo lang na hindi ka makikita ng media. " Cold na wika pa nito nang makapasok ako habang bitbit ang malaki kong maleta.




" Tandaan mo rin, kahit masungit ka, asawa mo parin ako. " Masungit ko rin na wika at iginala ang paningin sa sala.




" Then let's have a deal. I want to make it clear with you that after your family's business recovered, you'll sign the annulment. I have a girlfriend and she's the one I wanted to be with for the rest of my life and not you. " Diretsong wika pa nito. The words he said sounded like a dagger that sank into my heart.  Hindi agad ako nakasagot at nag-iwas ng tingin sa kanya. " Second, I don't want you to interfere with my belongings and you are not allowed to enter my room. You can sleep in the guest room. " Pinanlakihan ko naman siya ng mata sa sinabi nito.




" Hoy, lalaking maliit ang baril! For your information din huwag kang pala-desisyon. Wala akong pakialam sa mga gamit mo. Baka mamaya may sumpa pa ang mga 'yan. Ayaw kong mahawaan ng kapikonan mo no! " Masungit na wika ko pa. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya bahagya akong napangisi. " Tandaan mo rin na regalo sa atin ni tita ang bahay na'to. " Dagdag ko pa. Mas lalong nagsalubong naman ang kilay nito.




" Sino ba sa atin ang anak ni mommy?" He clinched his teeth while asking that question. Mas lalo naman akong napangisi nang maka-isip ng paraan upang mas lalo siyang maasar.



" Mommy ko rin siya kaya I can also decide and do whatever I want. " Mapang-asar na wika ko. Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo sa sofa at nagtitimping tumingin sa'kin.

Napamura pa ito bago sumagot.

" Can you please stop. I have prepared all the documents here and all you have to do is to sign it. There is also an annulment papers inside it. Signed it whenever you want. " Again, I was stunned habang nakatitig sa isang brown folder na inabot niya sa'kin. He really don't like me. Pilit naman akong tumayo at umayos.



Inabot ko ang papel at binuksan ito. Unang tumambad sa akin ang rules of agreement at may perma na rin siya dito.

" You know what? Kapag nalaman kong pakana mo 'to, I will not hesitate to drag you in public and kick you out of here. " Malamig na wika pa nito bago ako iniwang natigilan sa sinabi niya. This is one of the things I dread. To be with him under the same roof but our world is different.

Pilit akong ngumiti kahit wala na siya sa harap ko. Trying to calm myself and be patience with him.


" Asungot talaga." Pagmamaktol ko pa habang buhat-buhat ang maleta paakyat sa guest room na sinabi niya. Mamaya ko nalang babasahin ang rules niya.


Matapos kung maayos ang mga gamit ko sa closet ay agad din akong bumaba. Naabutan ko pa si Jeush na nakatutok sa laptop niya.


Nagtuloy-tuloy lang ako sa kusina upang maghanap ng maaring lulutuin sa tanghalian namin. Kahapon kasi matapos ang kasal namin ay agad itong nawala. My dream wedding fades in an instant dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko, I found my prince charming but then vanished after our wedding.


" Lael!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumigaw ang asungot kong asawa. Nagmamadali naman akong lumabas ng kusina at tinungo kung saan siya naroon.


Naabutan ko itong nagtatago sa likod ng sofa na parang asong takot na takot.



" Pwede ba pakihinaan ng boses mo? Baka mamaya sabihin pa ng mga kabitbahay este kapitbahay na bagong kasal tayo tapos nag-aaway agad. " Pagsesermon ko pa.

" T-there's a c-cockroach. K-kill it. " Takot na utos pa nito. Napataas naman ako ng kilay nang mapansin ang hawak nitong tsinelas habang sinusundan ng tingin ang ipis na lumilipad. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.



" Seryoso? Kalalaki mong tao for Pete's sake, Jeush." Natatawang wika ko pa habang nakapameywang.



Bumulwak ako ng tawa nang biglang dumapo sa kanya ang ipis na ikinatili niya. Nagtatalon pa ito at 'di alam gagawin sa ipis na nasa dibdib niya.



" F*ck! K-kill it! I'm gonna die!" Tili pa nito na mas lalong ikinatawa ko. " Shoooo! S-stay away from me little crap!" Pagtataboy pa nito sa ipis. Napahawak naman ako sa tiyan sa kakatawa.


" That's not a chicken. Paanong aalis 'yan?" Tumatawang wika ko pa. Subrang pula ng ng pisngi niya sa subrang takot habang nanginginig ang katawan.


" Help me, Lael. P-please. " Pagmamakaawa pa nito habang nakapikit ang mga mata. Pinilit ko namang sumeryoso at lumapit sa gawi niya. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na huwag matawa ulit.



" Gusto mo patayin ko 'to? " Panigurado ko pa nang may maisip na naman na kalukuhan. Sunod-sunod naman siyang tumango. " Okay. Akin na ang tsinelas na hawak mo. " Wika ko pa. Nanginginig ang mga kamay na inabot niya naman ito.



Nang maabot ko na ang tsinelas ay wala akong pagdadalawang isip na ihinampas ito sa kanyang dibdib kung nasaan ang ipis. Nahulog naman ito sa sahig habang napamura pa si Jeush.


" What the hell, Lael! Papatayin mo ba ako?" Galit na wika pa nito sabay talikod sa'kin. Natawa naman ako sa reaksiyon niya. Namumula parin ang buong mukha nito.


" Ipis lang pala ang tutumba sa'yo. Now I know. " Tumatawang asar ko pa.



" J-just shut up!" Saway pa nito na mas lalo kong ikinatawa. Bumalik naman ito sa pwesto niya kanina. " Clean that little crap and stay away from sight. You're interrupting me. " Aniya na ikina-inis ko.


" So, ako pa ang ngayon ang isturbo sino ba satin ang tumawag sa'kin dahil lang sa isang maliit na nilalang na halos ikinalaglag pa ng mata mo? Pasalamat ka lang 'di ko sinabi mukha kang impaktong biglang sinaniban. " Wika ko pa. Sinamaan niya naman ako ng tingin sa huling sinabi ko na ikinatawa ko naman.


" Kita mo na? Kahit tumingin ka pa sa salamin ngayon mukha ka talagang impakto sa pula ng pisngi mo!" Pang-aasar ko pa sa kanya. Agad naman siyang tumayo at tumungo sa banyo. " Take your time to repair your face, my lovely husband!" Pahabol na sigaw ko pa bago bumalik sa kusina.


Matapos kong makapagluto ay tinungo ko ang silid ni Jeush upang imbetahin ito na kakain na. I was about to knock the door nang siya ring paglabas niya. Agad naman na tumaas ang kilay ko nang makitang nakabihis ito ng formal. Sa pagkakaalam ko ay bukas pa siya papasok sa kompanya.



" Saan ka papunta? Kakain na tayo. " I said.


" Hindi ako kumakain ng mga luto mo. I will be meeting someone. You can eat by yourself, you're not a crippled. Aren't you?" Wika pa nito na ikinatigil ko. It seems like a dagger that hit me so hard. He's so cold. Wala man lang akong emosyon na nakita sa mga mata niya.


" P-pero nakapagluto na ako... " Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko nang putulin nito.


" Enough with this, Lael. May I remind you na asawa lang kita sa papel. Kumain ka kung gusto mo. " Aniya at agad na tumalikod. Naiwan naman akong nakatulala. Hindi ko man lang namalayan ang mga luha kong nagsibagsakan na. He's so mean.

___________

AUTHOR'S NOTE:

Kyaahhhh! Say hi to our new characters. Sila ang panibagong bubuo ng araw ng niyo. Just like what I've promise, Rom-Com 'to with slight drama HAHAHHA.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon