CHAPTER 46

203 6 2
                                    


"Lael, p-please, let's settle this." Aniya sa mahinang boses. Nanatiling nakasubsob pa rin ang mukha nito sa likod ko. I can hear his heavy breath from behind.


"Bukas na. Pagod ako." Napapikit ako nang sabihin iyon. I tried removing his arms ngunit mas hinigpitan lang niya iyon.


"No. Walang matutulog unless we solve this tonight." Aniya. Nakagat ko ang ibabang labi ko at humugot ng isang malalim na paghinga.


"Lasing ka, Jeush. Magpahinga ka na muna." I calmly said and closed my eyes. Umiling siya sa likod ko.


"Uminom ako ng kaunti pero hindi ako lasing."


"Jeush."


"Please, Lael. I can't sleep tonight hangga't 'di natin 'to naayos." Aniya at kumalas sa pagkakayap sa'kin at pinihit ako paharap sa kanya. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko at direktang tinitigan ako sa mga mata.


My heart go wilder nang magtama ang mga mata namin. Mapupungay ang mga mata niya and I can see pain and sadness in it. Basa ang magkabilang pingi nito.


"J-Jeush." I uttered.


"I'm sorry." Mahinang aniya. Napapikit ako nang halikan niya ang tungki ng ilong ko at maging ang noo ko.


Why so gentle, Jeush? You make everything's hard for me.


"Are you mad at me?" Tanong pa nito nang 'di ako magsalita. Pinakiramdam ko muna ang sarili ko ngunit wala na akong makapang galit sa kanya. Sa simpleng pagkayap niya ay naglaho lahat. Ganito ako kahina pagdating sa kanya. Nanlalabot lahat ng sistema ko kapag magkalapit kami. I don't even have the strength to argue with him.


"Hindi ko magawang magalit sa'yo." I honestly answered. "Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka rin sa trabaho." Dagdag ko pa at mahinang tinapik ang balikat.


"Are you going to sleep beside me?" Maya-maya ay tanong pa nito na nakapagpatigil sa'kin. For the first time. Simula nang magsama kami sa iisang bubong, ngayon niya lang ninais na makatabi ako sa iisang kama kahit na may nangyari na sa amin.


Jeush, you're really weird. Naguguluhan na ako.


"Jeush..." Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang putulin niya iyon.


"I'm not gonna ask you anyway. You'll sleep beside me." Aniya at agad akong hinila papunta sa taas. Tumanggi pa ako at ilang beses na pumalag sa kanya na doon ako sa kwarto ko ngunit hindi ito nakinig. He locked the room nang makapasok kami kaya wala na akong ibang choice kun'di ang tumabi sa kanya.


"I'm sorry again, Mabby. Good night." He whispered and kissed my forehead bago nahiga ng maayos sa likod ko. Naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng braso nito sa beywang ko.


-----


Ilang linggo na ang lumipas at mas lalo pang naging sweet si Jeush sa'kin. He cared a lot at halos ayaw na akong pagtrabahuin. Mula sa pagiging masungit, mas lalo siyang nagiging clingy sa'kin lalo na kapag magkasama kami ni Keith. Kahit saan yata ako pumupunta ay bigla-bigla na lang siyang lilitaw. Naninibago ako nong una ngunit nakasanayan ko na rin kalaunan.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon