CHAPTER 4

164 7 1
                                    

" Who the hell is that?" Inis na tanong pa ni Marie sabay labas ng sasakyan. Sumunod naman agad ako sa kanya.

Nakataas pa ang kilay ko habang nakatuon sa itim na sasakyan. Inaantay namin na lumabas ang may-ari nito. Hinayaan lang namin si Manong Edgar na lumapit dito, nakatingin narin sa amin ang mga taong dumadaan. Naabala pa ang ibang sasakyan sa likuran namin.



" Excuse lang po, sir. Baka po maari niyo munang itabi ang sasakyan. Nakakaabala po kasi sa iba. " Magalang na wika pa ni Manong Edgar sabay katok sa bintana ng itim na Lamborghini. Wala naman kaming narinig na tugon mula dito. Hindi rin namin nakikita ang taong naroon sa loob dahil tinted ang salamin nito.




Dahil sa inis ng kaibigan ko ay walang pagdadalawang isip pa itong kumuha ng bato sa gilid at ipinukpok iyon sa salamin ng sasakyan dahilan upang mapalabas ito. Halos lumuwa pa ang mata ko nang mapagsino ito. Ito ang lalaking nakabunguan ko kanina.



" What the hell are you doing woman?" Inis na bulalas pa nito sabay hila kay Marie palayo sa sasakyan niya. " You better pay for this! " Inis na dagdag pa nito.



" Ah ganern? Talagang may gana kapang pagbayarin ako matapos mong iharang ang walang silbi mong sasakyan sa daan. Nag-iisip ka ba o wala ka talagang manners?" Mahabang panenermon pa nito kay Keith. Napahilamos naman si Keith sa kanyang mukha at nagtitimping tumingin sa kanya.



" And who told you that my car is useless? For your information, hindi ikaw ang pakay ko." Balik na wika pa nito kay Marie.

Nanatili lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko nang biglang talikuran nito si Marie at lumapit sa'kin.


" You drop your necklace, Reah. " Aniya sabay abot sa'kin ng isang gold necklace na may pendant na dalawang magkadikit na letra. It's JL.


Agad akong napakapa sa leeg ko at wala nga doon ang kwentas ko. Hindi ko man lang iyon namalayang nahulog kanina.


Inabot ko sa kanya sa kwentas bago nagsalita. " Salamat nga pala. Pasensiya na ulit sa abala. "

" No problem, Reah. Will see you soon, I have to go. " Wika pa nito sabay na tumalikod sa'kin. Sinamaan pa ito ng tingin ni Marie nang dumaan ito sa kanya.


" Mabangga ka sana!" Pahabol pa ni Marie bago paman makapasok sa loob ng sasakyan si Keith. Napahinto naman ito at humarap kay Marie na may nakakalokong ngisi.



" Don't worry, mauuna kapa sa'kin. " Wika pa nito bago tuluyang pumasok at ipinaharurot ang sasakyan.


Nang mawala na ito sa paningin namin ay saka lang kami muling bumalik sa loob ng sasakyan.


" Don't tell me, Reah suitor mo na naman 'yon?" Nakataas kilay na tanong pa ni Marie sa'kin habang nakapanlumbaba. Natawa naman ako sa tanong nito.


" Anong suitor ka diyan? Kanina ko lang 'yon nakilala nang magkabungguan kami. " I answered.


" Hay, dapat lang. Ang pangit ng lalaking 'yon. 'Di kayo bagay. " Aniya na mas lalo ko pang ikinatawa.


" Anong pangit ka diyan? Ang cute kaya non. May dimples tsaka maputi. Alam mo, sis. Baka siya pa ang makakatuluyan mo? Akalain mo, first meet niyo fire burning agad. Ang cool siguro ng ending. " Mahabang pang-aasar ko pa na mas lalong ikinasira ng mukha nito. Maging si Manong Edgar at bahagyang natawa.


" Tse! Never! 'Di bale nang tatanda akong dalaga. Nakakainis!" Aniya.

Buong biyahe ay inaasar ko lang siya tungkol kay Keith. Hindi pa agad kami umuwi at inaya niya pa akong mag-mall dahil bibili raw siya ng mga pagkain para sa mga aso sa animals shelter kung saan una kaming nagkakilala ni Marie at ang isa pa naming kaibigan. Pero tanging si Marie lang ang natira sa'kin simula nang magkawalay kami.


" Sis, what do you think should I do para makasama ko palagi si Jeush? " I curiously ask her habang abala ito sa pagpapakain ng mga aso. Saglit lang itong tumingin sa'kin bago nagsalita.



" Hmmm. How about mag-apply ka ng secretary sa kompanya niya? " Suhistisyon pa nito. Napangiti naman ako sabay na tumango.



" Great idea! Maayos ka parin naman palang kausap kahit minsan. " Pagbibiro ko pa na ikisama nito ng tingin sa'kin. Tinawanan ko lang ito.



" Ganern? Sana pinush ko nalang 'yong suggestion ko kanina na gapangin mo." Aniya na sabay naming ikinatawa. Kahit kailan ay pareho kami ng pag-iisip.


" What if 'di ako tanggapin non? " Tanong ko ulit. Tumayo naman ito sabay sampal sa sarili na ikinalaki ng mata ko. Napadaing pa ito sa sariling kalukuhan.

" Tell me that I just misheard it, sis? Kailan kapa ganyan? Gosh! Ang lakas kaya ng radar mo? Kailan ka ba naubusan ng lakas? Remember, kapag 'di tatalima sa simpleng usapan..." Pambibitin pa nito.


" Ipakulam na 'yan!" Sabay pa naming wika at sabay na natawa. Ito ang moto namin simula pa noong nasa sekondarya pa kami.


" Nako, mga ma'am. Delikado pala mga mister niyo sa inyo. Moto palang, tiklop na agad. " Natatawang wika pa isang staff na nakarinig din sa'min. Natawa naman kami don.

MATAPOS naming maglaan doon ng ilang oras ay saka lang kami nagpasyang umuwi. Pasado alas siete narin ng gabi. Subrang bilis ng takbo ng oras na hindi man lang namin namalayan.


Matapos kong makapagpaalam kay Marie ay agad din akong pumasok sa bahay. Nakauwi na siguro ang asawa ko dahil nabukas ang lahat ng ilaw ngunit taka naman akong napatingin sa garage nang makitang wala pa doon ang kanyang sasakyan.


" Jeush, nandito kana ba?" Pagtawag ko pa ngunit walang sumagot. Bigla namang nagsitaasan ang balahibo ko nang makarinig ng pagsara ng pinto at ang pag-agos ng tubig mula sa kusina. " Jeush, kung may balak kang tatakutin ako puputulin ko talaga 'yang ano mo!" Napalunok pa ako bago iginala ang paningin sa paligid upang makahanap ng pampalo.



Nang makakita ako ng baseball bat sa gilid ay dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa kusina. Ngunit wala man lang akong naabutang tao dito. Pinatay ko lang ang gripo bago dahan-dahang humakbang papalapit sa back door. Paulit-ulit pa akong napalunok ngunit hindi ko maiwasang matakot.



Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baseball bat nang makarinig ako ng isang bagay na nahulog mula sa kabilang pinto. Maingat naman akong humakbang patungo roon. Ihinanda ko ang aking sarili nang makita ko ang pag-ikot ng door knob.


Aktong hahanpasim ko na ang lumabas mula rito nang mapagsino ito. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makitang may hawak din itong kutsilyo. Halos lumabas na ang puso ko sa subrang kaba at gulat. Nanlaki pa ang mga mata ko at sandaling natigilan.

________
A/N: Bare with me, subrang busy ko but still I'm trying my best to post an update. Thank you sa mga sumusubaybay nito. ❤️  You can also follow my fb page para updated kayo when I will post an update.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon