CHAPTER 9

103 3 0
                                    

" Bring these documents to the HR Department. "

Napaangat naman ako nang tingin nang biglang may maglapag ng isang bandle ng papel sa harap ko. Kanina kasi matapos magpaalam ni Keith na babalik narin sa kompanya niya ay inabala ko na rin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga dapat kong pag-aralan sa kompanyang ito. Talagang napaka-strict ni Jeush sa lahat ng bagay. Halos himatayin yata ako sa dami ng rules ng company na dapat sundin ng mga empleyado.

Isa sa mga nangungunang ko kompanya sa buong mundo ang JLines kaya hindi nakakagulat kung bakit napakahigpit ng bawat galaw dito sa loob ng kompanya. Kilala ang JLines sa mga nangunguna at sikat na communication app sa buong mundo. Hindi lamang layunin nito na maipalawak ang global virtual communication kun'di upang mas mapabilis ang mga gawain ng tao.

" T-teka lang! Saang floor nga pala ang HR? " Tanong ko pa sabay na napakamot sa ulo. Nakalimutan ko kasi kung anong floor iyon kanina. Imbes na sagutin ako ay tinalikuran lang ako nito at muling bumalik sa kanyang opisina. Napa-usok naman ang ilong ko sa inis. Ang bastos talaga ng lalaking 'to. " Talagang bang wala kang modo kausap ha? Ikaw ang maghahatid niyan. Bahala ka sa buhay mo!" Inis na habol ko pa sabay sukbit ng bag ko sa balikat at aktong tatalikod na nang magsalita ito.

Nakabukas kasi ang glass door ng office nito. Nasa labas lang din ng office niya ang pwesto ko. Bale nakaharap ang desk ko sa office niya kaya matatanaw ko siya. It's an automated glass wall.

" Where do you think you're going? It's still working hours, Lael. " Wika pa nito. Humarap naman ako sa pwesto nito na nakapamewang.

" Anong working hours pa? Passed twelve na. Kanina pa nagkakagulo ang mga alaga ko sa tiyan. "  I uttered.

" I'm your boss so you better follow me or I'll fire you right away. " Ma-awtoridad na wika pa nito. Natahimik naman ako bago huminga ng malalim. I need to be patience dahil kagustuhan ko 'to.

" Oo, na! Ihahatid na po, Boss. " I surrendered. Kinuha ko naman ang mga documents na nasa mesa at agad na tumalikod. Magtatanong nalang siguro ako.

Saktong pagbukas ng elevator nang may nakalimutan pala akong sabihin sa kanya kaya muli akong bumalik sa kanyang opisina. Taka pa itong napatingin sa'kin nang makitang bitbit ko parin ang mga documents.

" Mag-break time ka muna at mananghalian. Nakakasama sa kalusugan ang over work. Mababawasan ang yaman mo kapag nagkasakit ka . " Nakangiting wika ko pa at agad rin na lumabas ng opisina at nagpatuloy sa aking pupuntahan.

Matapos kong maihatid ang mga documents sa HR Department ay napagpasyahan ko na rin na tumungo sa restaurant ko upang kamustahin ang mga empleyado at doon na rin mananghalian. Malapit lang din ito mula dito sa JLines. Ilang minuto lang rin kung lalakarin.

May sariling kitchenette naman doon katabi sa opisina ni Jeush pero sa tingin ko ay hindi pa ito masiyadong nagagamit dahil mukhang bago pa ang mga kagamitan na naroon nang ipakita ito sa akin ni Keith kanina. Siguro bukas nalang ako don magluluto upang 'di na rin ako lalabas ng kompanya para lang kumain.

"Reah!"

Napalingon naman ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko namang patakbong lumapit sa pinaroroonan ko si Keith na may bitbit pang paper bag.

" Buti nalang at naabutan pa kita. K told me that you already went out. Yayayain sana kitang kumain nitong dala ko. " Hinihingal na wika pa nito sabay taas ng dala niyang paper bag.

" Nako! 'Wag na. May pupuntahan rin kasi ako eh. " Pagtanggi ko pa. Nakita ko namang nalungkot ito.


" I will accompany you then after that we will eat together. Deal?" Wika pa nito. Napaisip naman ako saglit. Mapaglakatiwalaan naman siguro ang lalaking 'to at isa pa ay wala rin naman akong kasamang kumain. Hindi ko rin naman maaanyayahang kumain si Marie dahil nasa photoshoot ito ngayon.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon