CHAPTER 45

135 3 0
                                    

"Hey, what's up, Rhea? I thought may date kayo ni Jeush?" Bungad na wika pa ni Keith sabay upo sa katabi kaharap kong stool.


Matapos ko kasing lumabas sa opisina ni Jeush ay nag-out na agad ako and texted Keith to meet me at the coffee shop. Narito si Marie kasama ko dahil saktong pagtawag pagtawag niya kanina at nag-aya na mag-coffee ay palabas na rin ako sa kompanya.


Malungkot na umiling lang ako sa kanya.


"Wait, umiyak ka ba?" Tanong pa nito sabay silip sa mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.


"Halat naman siguro, haler!" Pagtataray na wika pa ni Marie dito.


"Oh, nandito ka pala pangit." Pang-aasar pa ni Keith kay Marie kaya sinamaan siya nito ng tingin.


"Tse! Pangit ka rin, Matandang bakla!" Balik na asar naman ni Marie na ikinalaglag ng panga ni Keith.


"I can kiss you right now to prove that I'm not gay." Ani Keith na ikinatikom ng bibig ni Marie. Nakita ko pang namula ang mukha nimo at napalunok ng laway.


"Baka kayo magkatuluyan niyan." Singit ko naman.


"No way!" Sabay pa nilang wika na ikinatawa ko. They look good together though kahit para silang mga asot at pusa kapag magkasama.


"Over my dead body, ayo'ko ko sa matanda na." Segunda naman ni Keith kaya napahagikhik ako sa reaksiyon nilang dalawa na masamang nagtitigan.


"Tama na nga 'yan. 'Di kayo matigil. Narito tayo para mag-chill." Pagpigil ko pa sa kanila dahil mukha na silang nagpapatayan sa kanilang mga matatalim na titig. Kung patalim lang talaga ang mga titig nila kanina pa may bumagsak sa lapag.


"Anyway, what happened, sis. Ba't ka umiiyak kanina?" Marie curiously asked na ikinatungo ko. I played with my fingers under the table.


"Did you two had fight when I left?" Tanong naman ni Keith. Hindi agad ako nakasagot.


"So, that means nandon ka kanina. Ikaw ang dahilan kung ba't sila nag-away?" Nakataas kilay naman na baling ni Marie kay Keith. "Panira ka talaga kahit san. Matapos mo akong asarin kanina talagang pumunta ka pa don." Dagdag pa nito.


"No, no. It's not like that." Pagputol ko pa sa kanila.


"Ako ba ang dahilan, Rhea?" Tanong naman ni Keith kaya umiling lang ako.


"H-hindi." Tipid na sagot ko naman. I saw curiousty in their eyes at nag-aantay ng susunod kong sasabihin ngunit mas pinili kong manahimik.


"Ano nga ang nangyari? Mamamatay naman kami nito sa kakaisip niyan." Maktol ni Marie at humalikipkip.


"'Di halata na marites ka." Bulong naman ni Keith sapat lang para marinig naming.


Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon