CHAPTER 17

118 4 0
                                    

" Lael, make it faster! " Sigaw pa ni Jeush mula sa labas at sinabayan pa iyon ng katok. Kanina pa ako nito pinagmamadali kasi malapit na raw ang parents namin.

" Kitang naliligo pa ang maganda. Mauna kana don bumaba. Sabihin mo nalang na lumayas na ako! " Pabalik na sigaw ko pa habang nasa loob ng banyo. " Kung tinulungan mo sana akong magbuhat ng mga gamit ko edi tapos na ako ngayon. Ang bato mo talagang lalaki ka. "  Bulong ko pa.

Sinadya kong bagalan ang pagligo ko upang mas lalo pa itong mainip.

Saktong paglabas ko ay sumalubong agad sakin ang madilim nitong mukha. Salubong pa ang dalawang kilay at nakapamulsa.


" What take you so long? They're coming. " Aniya. Hinigpitan ko naman ang kapit sa tuwalya upang 'di ito malglag.



" Lumabas ka na nga. Kung makatingin ka sa'kin parang adik sa kanto. Lumabas kana!" Pagtataboy ko pa sa kanya. Seryosong tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa.


" A-ano namang sisilipin ko sa'yo? Hindi ako interesado sa buto-buto. " Pang-iinsulto pa nito na ikina-usok ng ilong ko. Talagang sumusubra na ang lalaking 'to ah. Agad akong naghanap ng pambato sa kanya ngunit bago paman ako makahanap ay lumabas na ito.


" Humanda ka sa'kin, Jeush! " Sigaw ko pa ngunit pagtawa lang nito ang narinig ko. Talagang iniinis ako nito.


Nagmamadali akong nagbihis at 'di na nag-abalang magsuklay pa. Nagsuot lang ako ng simpleng pambahay. Agad naman akong bumaba at naabutan ko pa ito sa sala na may kausap sa kanyang cellphone. Ang laki pa ng ngiti nito. Ang ngiting ni minsan ay 'di ko magawang ibigay sa kanya.

" Iha, maari mo ba akong tulungan saglit? "  Wika pa ni Manang Lelia. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. 

ABALA kami sa paghahanda nang bulabugin iyon ng sunod-sunod na pagbusina mula sa labas. Nagmamadaling inayos ko naman ang sarili ko bago tumungo sa may gate.


" Wait, Lael, why you didn't fix yourself? You didn't even comb your hair." Pagpigil pa ni Jeush sa'kin at talagang sinuri pa ako mula ulo hanggang paa.


" Hindi ko na kailangan 'yon. 'Di uso ang suklay sa'kin. " Sagot ko naman. 'Di makapaniwalang tumingin naman ito ng diretso sa mga mata ko kaya kinindatan ko lang ito bago tinalikuran at sinalubong ang mga magulang namin na kakapasok palang. Taka naman akong napatingin sa likod nila nang biglang may mga bodyguards na naka-black suit ang pumasok at pumwesto sa bawat sulok ng pathway. Kita ko naman sa labas na may marami pang bodyguards na nakahilira at nakabantay.


" Our lovely daughter in law, you look so great. How was your life here with K?" Nakangiting wika pa ni tita Jenna, ang mommy ni Jeush. Hindi halatang nasa 60's na ito dahil sa pangangatawan nito. Sa mga hindi nakakakilala dito ay mapagkakamalan talagang nasa 20's o 30's pa ito. Ganun din si tito Khev.

" I guess it going softly, Tita. " Nakangiting sagot ko pa at nakipagbeso sa kanila.


" Mom, Dad, how's your flight?" Tanong naman ni Jeush nang lumapit ito sa'min. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang bigla nitong ipulupot ang kanyang braso sa beywang ko. Napatingin naman doon ang mga magulang naman at ngumiti. Kung alam lang nila na pagpapanggap lang ang pagiging malapit namin.


" It's quite tired yet we enjoyed our trip. " Sagot naman ni Tito Khev at nakipag-fist bump kay Jeush. Bumaling naman si Jeush sa mga magulang ko at nagmano.



" I think you two are doing great these days. You look so close. " Komento naman ni Daddy habang nakatingin sa braso ni Jeush sa beywang ko. Pilit naman akong ngumiti sa harap nila. Dagdagan pa na hindi ako komportable sa ginagawa ni Jeush. My heart is beating so badly sa ganitong set up namin.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon