" kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko pa kay Jeush nang makapasok sa opisina niya. Kanina ko pa kasing napapansin na salubong ang kilay nito habang nakaharap sa laptop. Kahit alam kong tatanggihan niya ako, naglakas loob parin akong lapitan siya.
Matapos ang board meeting kanina ay hindi na ito nagsalita ni magpasalamat man lang sa'kin. Ma-attitude din ang lalaking 'to. Tinalo pa yata ako but in the name of love, walang atrasan.
"I don't need anyone's help. " Malamig na sagot nito at nasa laptop parin ang atensiyon. Mahinang napabuga naman ako ng hangin bago naupo sa sofa paharap sa kanya.
" Ikaw, kung ayaw mo talaga ng tulong ko." Pangungunsenya ko pa ngunit bale wala lang iyon sa kanya. " Umuwi na lahat ng empleyado. Tayong dalawa at ang mga security nalang ang nandito. Panonoorin nalang kita kesa ma-bored don kakaantay sa'yo. " I added. Hindi parin ito nagsalita. Kun'di ko lang talaga 'to asawa baka sinapak ko na sa inis.
" Makakauwi kana. " Maya-maya pa ay wika nito.
" Malakas ang ulan sa labas. Wala rin akong dalang sasakyan. " Sagot ko pa. Nakita ko namang napahilot ito sa kanyang batok. He look so hot with his eyeglasses. Ngayon ko lang napansin na nagsuot ito ng eyeglasses. Subrang swerte ko naman yata at biniyayaan ako ng gifted na asawa ngunit matigas nga lang ang puso.
Nagpasya akong lumabas muna ng opisina niya at tumungo sa kitchenette upang ipagtimpla siya ng kape. Matapos ay bumalik ako at nilapag iyon sa kanyang mesa.
" Gusto mo bang e-massage ko ang balikat mo? I am good at it. " Nakangiting alok ko pa sa kanya. Sandaling tinapunan lang ako nito ng tingin bago nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
" No need. " Tipid na sagot pa nito. Kahit halatang pagod na siya, tumatanggi parin ito. Totoo nga ang sinabi ng mga empleyado na he's always perfect. Ngayon pa nga ayaw na ng tulong ng iba.
Hindi ko nalang iyon pinansin at pumwesto sa likod niya sabay dahan-dahan minasahe ang kanyang balikat. Mahinang napamura pa ito sa ginawa ko na ikinangiti ko naman.
" S-stop it, Lael. " Pagpigil pa nito sa kamay ko. Napalunok naman ako nang dumampi ang kamay nito sa'kin. It's so hot at para akong nakukuryente. " I said stop it! " Napa-igtad naman ako at napahakbang palayo sa kanya nang magtaas ito ng boses.
" S-sorry. " Nakayukong paumanhin ko pa bago tumalikod sa kanya at nagmamadaling lumabas ng opisina. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa subrang lakas ng pagkabog nito. Para siyang kakain ng buhay and it scared me to death.
Pinili kong antayin nalang siya sa pwesto ko. Inabala ko muna ang sarili sa pag-aaral ng mga documents sa kompanya ngunit kalaunan ay nakaramdam din ako ng antok.
Tumingin ako sa gawi ng opisina ni Jeush. Naka-clear mode kasi ang automated glass wall nito kaya nakikita ko siya mula dito sa labas. Tutok na tutok parin ito sa kanyang laptop. I wonder kung ininum niya ang tinimpla kong kape.
" Makaidlip nga muna saglit " I whispered at isinubsob ang mukha sa table.
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdamang may mahinang yumuyugyog sa balikat ko. Inaantok na nag-angat naman ako ng ulo. Muntik pa ako akong mahulog sa kinauupuan nang makitang ang lapit ng mukha ni Keith sa'kin.
" Pagod na pagod ah. Wala ka bang balak na umuwi, Reah?" Nakangiting tanong pa nito. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras sa wall clock. It's already ten in the evening.
Nagmamadaling inayos ko ang sarili ko at napatingin sa opisina ni Jeush ngunit naka-dim mode na ang glass wall. Pumasok ako doon ngunit wala ng bulto ni Jeush ang naroon.
" Umuwi na si K. Pinapasundo ka nga niya sa'kin. " Wika pa ni Keith na nakatayo lang sa may pinto.
" A-ano? 'Di man lang ako ginising. " Nakaramdam naman ako ng inis ngunit 'di ko rin maiwasang hindi malungkot. Why do I need to feel this way. Talagang ayaw niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...