CHAPTER 34

119 2 0
                                    

"San ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit ko pa sa kanya habang binabaybay naming ang daan palabas ng hotel. Kani pa ako nagtatanong ngunit 'di man lang ako sinagot ng maayos.


"You'll see, Lael." Aniya sa 'di mabilang na beses.


"Ayaw mo ba talagang sabihin o 'di ako sasama." Pananakot ko pa ngunit nginit huminto lang ito at nginitian ako ng nakakaloko.


"You can't no longer enter the room, Lael." Aniya at nagpatuloy sa paglalakad. Bigla naming naningkit ang kilay ko sa sinabi nito. Mabagal lang ang paglakad nito pero hinihingal ako sa kakahabol sa bawat paghakbang niya.


"What do you mean?" Takang tanong ko pa.


"We'll go somewhere." Tipid na sagot pa nito.


"T-teka. Akala ko ba bukas pa tayo uuwi?" Sunod na tanong ko naman. Maya-maya pa ay bigla itong huminto dahilan upang muntikan na akong mapasubsob sa likod niya.


"I change my mind." Sunod na wika pa nito.


Magsasalita pa sana ako nang may sinenyasan ito mula sa likod ko kaya napalingon ako doon. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang makita may mga staff ng hotel na nakasunod sa amin habang hila-hila ang mga maleta namin. Naka-park na rin sa harap ang sasakyan.


"Thank you for being here at Okada, ma'am, sir. Hope you enjoy your stay." Nakangiting wika pa ng mga staff sabay yuko. Nginitian ko lang ang mga ito. Subrang ganda talaga ng hotel na ito. Nakakamangha at 'di nakakasawang pagmasdan kahit ilang beses na akong nakapunta ditto.


"Get in." Nabalik ako sa ulirat nang muling magsalita si Jeush. I was surprised when Jeush opened the front seat for me. Himala yata at siya mismo ang magmamaneho.


'Di na ako nagsalita pa at sumakay nalang. Matapos ay umikot ito sa driver seat. Nakakapanibago ang pagka-gentle man ng lalaking 'to. Subrang nasanay nga yata ako sa pagiging cold niya sa maikling panahon.


"San ba kasi tayo pupunta?" Pagbasag ko pa sa katahimikan nang makitang hindi naman papunta sa airport ang daan na tinatahak naming.


"You have been asking that questions repeatedly, Lael. You can rest instead. Masasayang lang ang laway mo sa kakatanong that I'll surely not going to answer." Imbes na wika nito kaya napalabi ako. "Stop pouting your lips. I'm tempted." Maya-maya pa ay saway nito.


"Sabihin mo muna kasi kung san tayo. Ang boring mo kausap." Balik na wika ko pa at mas lalong tinaasan ang nguso. "Ahhhhh! Anak ng pilay na kalabaw!" Tili ko pa nang muntik na akong masubsob sa headboard ng sasakyan. Bigla ba naman itong huminto nang walang pasabi.


Aktong magsasalita ako upang pagalitan ito nang mabilis pa sa alas kwatrong lumapit ito sa'kin at walang pasabing hinalikan ako sa labi. Natuod ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Nahigit ko pa ang aking hininga sa subrang dikit ng katawan namin.


Tumagal ng ilang minuto na nasa ganoon kaming sitwas nang putulin ng sunod-sunod na busina ng sasakyan. Naitulak ko agad si Jeush sa pagkabigla at 'di makatingin ng diretso sa kanya. Gosh! Biglang nag-init ako katawan ko sa ginawa nito.Tila pinagsisihan ko tuloy ang ginawa ko.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon