Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Muli akong nagtalukbong ng kumot dahil sa pakiramdam ko na tila ang bigat ng katawan ko at wala akong ganang bumangon.
Aktong kikilos ako upang tumagilid nang may maramdaman akong mga braso na yumapos sa aking beywang. Agad ko naming tinanggal ang kumot sa aking mukha at tumambad sa akin ang maamong mukha ni Jeush na mahimbing pa rin na natutulog.
Tahimik kong pinagmasdan ang maamong mukha nito at binusog ang mga mata ko. Ngayon ko palang natitigan ng ganito katagal at kalapit ang mukha nito ngunit hindi nakakasawang pagmasdan. Kahit maghapon yata akong makipagtitigan ditto ay hinding-hindi ako magsasawa. How lucky I am to be this near with him habang ang kanyang braso ay nakapulupot sa beywang ko. Hindi siya ganito kapag gising kaya gusto kong sulitin ang moment na ito. Kahit sa ganitong paraan man lang maranasan at iisipin ko na mahal niya rin ako.
"Stop staring at me like that. Baka matunaw ang kagwapuhan ko." Maya-maya pa ay bigla itong nagsalita habang nakapikit ang mga mata.
Natulak ko naman ito nang wala sa oras na ikinatawa nito ng mahina. Biglang nag-init ang mukha ko. Talagang may tinatagong ang lalaking 'to.
"H-hindi ah." Giit ko pa at aktong babangon na nang muli ako nitong hilahin dahilan upang pumaibabaw ako sa kanya. Before I even realize na wala pala akong suot na kahit ano dahil naramdam ko ang direktang pagtama ng balat namin.
"Don't you dare runaway again while I am still in bed, Lael." Aniya habang namumungay pa ang mga mata. "You owe me last night. I want you to watch me while I am sleeping." Dagdag pa nito na may malapad na ngiti.
"A-asa ka. W-wala naman akong inutang sayo kagabi ah. Nanaginip kaba ha?" Pagtatanggol ko pa sa'king sarili at inaalala ang mga nangyari kagabi sa event pero wala akong masiyadong matandaan.
"You probably didn't remember how you kissed me last night and even locked yourself at the bathroom." Aniya na ikinataas ng kilay ko.
Maya-maya pa ay bigla nagbalik sa isip ko ang mga pinaggagawa ko kagabi. Nabalikwas ako sa kama at tumalikod sa kanya ngunit agad ko rin nayakap ang sarili ko nang makitang wala akong suot ni isang pirasong damit. Napatili ako nang wala sa oras nang marinig ko ang munting pagtawa nito.
"Manyakis! Pumikit ka! Talagang nagawa mo pa akong gahasain kagabi ha!" Bulyaw ko pa ngunit hindi man lang ito nagpatinag at mas lalong natawa sa reaksiyon. Naupo siya at isinandal ang likod sa headboard ng kama habang nakatingin ng diretso sa'kin. He's topless at tanging boxer lang din ang suot nito na mas lalong ikinainit ng buong mukha ko.
I immediately grab the blanket at wrap it on my body.
"Why need to cover that when I already saw seen and touch every inch of your body, Maby." Nakakalokong wika pa nito.
Kinuha ko ang unan sa paanan nito at ibinato iyon sa kanya.
"Mayakis, manyakis, manyakis!"
Mas lalo lang akong nainis sa pagtawa nito kaya pumasok na ako sa bathroom upang makapaglinis. Gusto ko nang ibabad ang sarili ko sa yelo dahil sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...