CHAPTER 7

101 3 0
                                    

Nanatali lang akong tahimik habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri ko sa kamay. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin kay Jeush. Bigla na lamang akong hinila nito kanina papunta dito sa opisina niya at hanggang ngayon ay hindi parin ito nagsasalita.

" What brings you here?" Pag-uumpisa pa nito na nagpaangat ng tingin ko. Nakita ko pa itong nakaupo sa swivel chair niya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Ako rin ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko makayanan ang pagtitig nito na animoy kakainin ako ng buhay.


" M-mag-a-apply s-sana ako ng trabaho. " Nakayukong wika ko pa.


" For what? At talagang dito mo pa naisipang pumunta? What did I told you na wala akong pakialam kahit makipaglandian ka pa kahit kanino wag lang sa teritoryo ko at sa harap ng publiko!" Napa-igtad naman ako nang biglang nitong hampasin ang kanyang mesa. Pilit ko namang kinagat ang pang-ibabang labi ko nang magsimula itong kumibot.


" M-mali ka ng iniisip, Jeush. " Depensa ko pa at nanatili paring nakayuko.


" Really? A desperate bitch like you is such a good pretender! Talagang pinsan ko pa ang tinira mo." Wika pa nito na nagpakulo ng dugo ko. Mabilis ko naman siyang nilapitan at sinampal. He still maintained his cold expression. His words hits different pero hindi ko pinahalatang nasasaktan ako. It is part of my mission. Ang mapalapit sa kanya kaya magpapakumababa muna ako ngayon.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

" Tapos ka na ba? Baka pwede na akong magsalita?" Kalmadong tanong ko pa. 'Di makapaniwalang tumingin naman ito sa'kin. Akala niya siguro makikipagsagutan ako sa kanya. " Masiyado yatang mainitin ang ulo mo, Manong Jeush. Ito nga pala ang application ko. Mag-aaply ako ng secretary. Magtatrabaho ako agad ngayon." Dagdag ko pa nang hindi ito nagsasalita sabay lapag sa mesa niya ng dala kong envelope.

Umayos ako ng tayo upang magmukha naman akong pormal na applicant. First time ko 'to mag-apply kaya itutudo ko na ang effort kahit medyo demanding.


" Makakaalis kana. " Imbes na wika nito at 'di man lang nag-abalang tingnan ang laman ng envelope na dala ko.


" T-teka lang naman. Hindi mo pa nga binabasa ang nasa application letter ko. " Reklamo ko pa na ikinataas ng kilay niya. " Please, promise kapag 'di mo 'ko iha-hire ipapakulam nalang kita. " Nakangising wika ko pa na agad nitong ikinatayo. Pinigilan ko namang huwag matawa sa reaksiyon niya.


" Ba't ba ang kulit mo? As far as I know, you graduated in Culinary, Lael. My company is exclusive for IT and business experts and I don't think that you are qualified." Wika pa nito na ikinabusangot ko. Talagang ang hirap nitong mapapayag. Panahon na siguro para gamitin ko ang tinatagong radar na sinasabi ni Marie.

" Kaya nga ako mag-aaply 'di ba? Tsaka anong purpose ba ng training hmm?" Pagtataray ko pa.

" Your attitude is not either qualified." Giit parin nito na nagpa-inis sa'kin. Agad ko namang iginala ang paningin ko sa loob ng opisina niya upang hanapin ang switch ng ilaw. Talagang sinusukat niya ako.


Nang mahanap ko ito ay agad akong tumakbo papunta rito at walang pagdadalawang isip na pinatay ang switch. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko sa halip ay umupo ako roon sabay tanggal ng tali sa buhok ko upang lumugay ito. Ginulo ko pa ito ng kaunti.


" L-Lael, what are you doing? Turn on the lights." Utos pa nito ngunit hindi ko ito pinakinggan at nanatiling tahimik. Wala akong sinayang na oras at agad na kinapa ang laman ng bag ko at inilabas doon ang manika at kandilang itim na binili ko pa kanina sa kanto for emergency purposes dahil alam kong tatanggi ito.


Kahit madilim ay nagawa ko paring ilatag sa harap ko ang manika at dahan-dahang pinahiran ito ng ketchup upang magmumukhang may dugo. Pagkatapos ay kinapa ko agad ang pusporo sa bulsa ko at ipinuwesto ang itim na kandila sa harap ko bago ito sinindihan. Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang maliit na kutsilyo na kinuha ko kanina sa kusina at inumpisahang tusukin ang manika. Tudo effort talaga 'to upang kahit papaano ay magmukha akong mangkukulam.


" L-Lael" Sambit pa ni Jeush pero hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagtutusok sa katawan ng manika na may kasama pang nakakalokong tawa. Palihim na sinilip ko pa sa side vision ng mata ko ang pinaroroonan nito. Hindi ko masiyadong nakikita ang expression nito dahil sa dilim pero nasisiguro kong natatakot ito.



" Oh kaluluwa ng mga ligaw na ipis! Saniban niyo nawa ang lalaking kasama ko. Gapangin niyo nawa hanggang sa mahimatay. Oh kaluluwa ng mga ligaw na ipis!" Pag-uumpisa ko pa.



" S-stop it, Lael! " Saway pa nito ngunit ipinagpatuloy ko parin ang ginagawa ko. Ipinaikot-ikot ko pa sa kandila ang nagkagutay-gutay na manika at mas nilakasan ang pagtawa. " L-Lael, stop it now!"


" Oh kaluluwa ng mga ligaw na ipis!"


" F*ck! S-stop it!" Mura pa nito ngunit napapansin ko ang munting panginginig ng mga binti nito. Bahagya naman akonh napangiti. " Y-you're hired. J-just s-stop it now, Lael. Please. " Pagmamakaawa pa nito at bahagyang pumiyok ang boses. Itinigil ko naman ang ginagawa ko at napangiti ng malapad.


" Talaga? Tanggap na ako? " Panigurado ko pa. Nakapikit ang mga matang dahan-dahang tumango naman ito.

" Wahhh aswang!" Sabay kaming napalingon sa may pinto nang may kumalabog. Hindi ko naman napigilang matawa nang makita si Keith na napaupo sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. " K-kailan ka pa nag-hire ng mangkukulam dito, couz?"

" Anong mangkukulam ha? Sa ganda kong 'to?" Nakataas kilay na wika ko pa. Tumayo naman agad ito sabay na lumapit sa gilid ko at binuksan ang ilaw. 

" Sabagay. A beautiful witch. " Aniya at bahagyang tumawa. Pinutol naman agad ito ng epal na lalaki.

" You can start working today, Lael." Baling pa nito sa'kin. " Please tour her around the company, Keith. " Utos pa nito sa pinsan.

" Teka! Ba't ako? Hindi ako ang manager dito. Tandaan mong business partner mo ako, couz and not your employee." Reklamo pa nito. Binato naman ito ni Jeush ng ballpen na agad rin namang nasalo nito.

" Good catcher!" Pumapalakpak na wika ko pa na ikinangiti ni Keith sabay kindat sa'kin.

" Tss. Just do what I say or else I'll take off all your shares. " Malamig na wika pa nito bago naupo sa kanyang swivel chair at itunuon ang atensiyon sa kanyang laptop.


" Ikaw naman, couz. 'Di kana mabiro. Anyway, iyon lang?"


" After that, tell all the departments to compiled all the documents and give it to Lael para mapag-aralan niya ang takbo ng kompanya. " Sagot nito ngunit nanatiling nakatuon parin sa laptop ang atensiyon.

Aktong magsasalita sana ako nang biglang may babaeng pumasok. Hindi man lang nagawang kumatok.

Agad na napataas ang kilay ko nang mamukhaan ito. Ito ang babaeng kasama ni Jeush kahapon sa Kakka Dairy Bar.

" Honey." Napaikot ako nang mata nang tawagan nito si Jeush. Talagang honey pa ang endearment. Ano 'yon? Honey na malakas kumapit?

" You may leave. " Baling pa ni Jeush sa amin. Binilatan ko pa ito bago naunang lumabas kay Keith.

" May pa you may leave, you may leave pang nalalaman. Nahiya pang sabihin na makipagharutan muna ako. " Bulong ko pa habang tinatahak ang pasilyo papunta sa elevator. Hindi ko alam kong bakit naiinis ako. Ang sarap ibaon sa lupa ng lalaking 'yon kung 'di ko lang naging asawa. Iwan ko lang kung kakayanin kong pakisamahan ang ugali non.

_______

A/N: Yieee! Thank you ulit sa mga nanatili. I love you all!

Currently, I'm on editing phase ng BHD. Nagre-read din ako coz I miss Arrone and Allysa. 🥺

Ingat kayo!❤️

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon