CHAPTER 21

137 4 1
                                    

" K-Keith, a-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko pa. Takang napatingin naman ito kina mommy at daddy.

" What happened to you? Ba't nandito ka?" Takang tanong pa nito. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya. " Tita, Tito, sorry po sa isturbo but I am just curious what happened to Reah. " Baleng pa nito sa mga magulang ko.


" Maiwan na muna namin kayo. " Wika naman ni mommy at lumabas na sila. Naiwan naman kaming dalawa ni Keith. Wala akong balak na sagutin ito at baka sabihin pa niya kay Jeush ang kalagayan ko.



" Anong nangyari diyan sa braso mo, Reah? Sinaktan kaba ni Jeush ha? Bubugbugin ko ang mokong na 'yon!" Aniya sabay lapit sa'kin.


" W-wala 'to. Nagalusan lang sa garden kanina. " Pagsisinungaling ko pa na nagpasalubong ng kilay niya.


" Okay if you say so. Si mommy nalang ang tatanungin ko. " Aniya. Takang napatingin naman ako sa kanya.



" Mommy?" I curiously asked.


" Doctor Ana Sinatra Gomez is my mom, Reah. Kung hindi mo sasabihin sa'kin kung ano ang nangyari sa'yo, I better asked her. " Aniya. Napayuko naman ako. Natatakot akong sabihin sa kanya pero wala rin akong kawala. He can still ask her mom kapag 'di ko sasabihin.



" I...I have a I-Ischemic heart disease. I o-only h-have five months left. "  Nakayukong pag-amin ko. Natahimik naman ito at matagal bago nagsalita.



" Alam na ba 'to ni Jeush?" Tanong pa nito. Mabilis naman akong umiling.



" H-hindi niya pwedeng malaman. P-please, 'wag mong sabihin sa kanya. " Pakiusap ko pa. Huminga naman ito ng malalim bago umupo sa silya na katabi ng kama ko.



" Then what happened with that bruise?" Sunod na tanong pa nito. I heave a deep sigh bago nagpasyang e-kwento sa kanya ang nangyari kaninang umaga. Napamura pa ito sa ginawa ni Jeush. " He's still your husband, Reah. Maybe he will withdraw the annulment if he hears your reason. " Aniya. Malungkot naman akong umiling.



" Mas pipiliin ko pang kamuhian niya ako kaysa ang maging mabait siya sa'kin dahil sa kalagayan ko. I don't like that. Ayo'kong kinakaawaan ako, Keith. " I responded habang nilalaro ang mga daliri ko sa kamay.



" Jeush is so lucky to have you, sa'kin ka nalang kaya? Mas mabait at gwapo naman ako don. " Seryosong wika pa nito. I felt a bit awkward kaya idinaan ko nalang iyon sa mahinang pagtawa. He's right, but I can't dictate my heart. Simula pa noon, ang pangako lang ni Jeush ang pinanghahawakan ko kaya 'di ko magawang magmahal ng iba. He promise to treasure and marry me when I was ten ngunit nakalimutan niya yata ang lahat ng iyon simula nong lumipat kami sa America. I came back here during my college and finished my degree sa USC kung saan siya nag-aaral, ngunit hindi na niya ako nakilala. Hindi ko na rin nakikita ang



" Ang joker mo no? Puno ka talaga ng kalukuhan kaya galit sa'yo si Marie. " Natatawang wika ko pa na nagpabusangot sa kanya.



" Stop bringing your cheeky friend in our conversation, Reah. " Naka-pout na aniya. I laughed with with his reaction. " You know what, let's eat together. I haven't eaten my breakfast yet. I was supposed to invite for a breakfast but Jeush told me that you haven't arrive so I decided to visit my mom instead. " Mahabang dagdag pa nito sabay tayo. " Just smile, nagmumukha kang iwan. " Napanganga naman ako sa huling sinabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumatawang nag-peace sign pa ito.




" Tse! Alis na. Bumili ka na don ng pagkain, nagugutom na ako. " Pagtataboy ko pa sa kanya. Malapad naman itong ngumiti bago tumungo sa pinto.



Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon