" Akin na nga 'yan! " Pag-agaw ko pa sa alak ngunit inilalayo naman ito ni Jeush sa'kin. " Akin na kasi. Nauuhaw ako. " Pagpupumilit ko pa at pilit na inaabot ito. Pumatong pa ako sa upuan para abutin ito ngunit mas inalayo lang niya ito sa'kin. Hindi ko na pinansin ang mga customer na nakatingin sa'min.
" You must've drink some water and not this. " Aniya. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
" Bakit ba nangingialam ka sa buhay ko? Akala ko ba walang pakialaman? Akin na 'yan! "
" Take this. " Baling pa nito sa waiter na dumaan sabay bigay ng wine. Hahabulin ko pa sana ito nang pigilan ako ni Jeush. " Let's go. " Aniya sabay hila sa'kin. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay nito sa braso ko ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan.
" T-teka lang. Babalik pa ako don. Sayang 'yong pagkain. " Pagpupumilit ko pa ngunit hindi man lang ako nito pinansin. " Nag-aalala ka ba na malasing ako o nagseselos ka?" Walang pagdadalawang isip na tanong ko pa sa kanya. Huminto naman ito sa paglalakad at humarap sa'kin sabay ba binitawan ang braso ko.
" Dala ba yang ng alak na ininom mo o umaasa kang magustuhan kita?" Wika pa nito na ikinatahimik ko. His words hits different. " Let me remind you na asawa lang kita sa papel, Lael. And for your information, it's still working hours. Nasa kompanya kana dapat sa mga oras na ito. You're wasting your time with that bastard instead of focusing on your work!" Dagdag pa nito at iniwan akong nakatulala sa sidewalk.
" Lael! "
Nagmamadali kong pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi ko nang marinig ang boses ni Keith. Hindi ko man lang namalayang bumagsak ito kanina.
" Is everything okay?" Tanong pa nito nang makalapit. Tumango lang ako sa kanya at pilit na iniiwas sa kanya ang mukha ko upang 'di nito makita ang pagbasa ng mga mata ko.
" A-ayos lang ako. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. " Paalam ko pa at nagmamadaling tinahak ang daan pabalik sa kompanya.
Pagdating ko sa kompanya ay agad ko rin chineck ang schedule ni Jeush. May board meeting ito mamayang alas dos ng hapon kaya kaya minabuti ko nalang na abalahin ang sarili ko sa paghahanda ng nga documents na kailanganin mamaya.
" Stir me some coffee. Just put a little bit of sugar. " Utos pa nito at muling bumalik sa kanyang opisina.
" Ang bastos talaga ng lalaking 'to. Wala man lang please. " Bulong ko pa bago nagpasyang tumungo sa kitchenette.
Matapos kong magtimpla ay ihinatid ko lang ito sa kanyang opisina at muling bumalik sa ginagawa ko.
Abala ako sa o-organized ng mga documents nang umalingawngaw ang boses ni Jeush sa loob ng opisina. Nagmamadali naman akong pumasok doon nang tawagin niya ang pangalan ko.
" What the hell is this coffee Lael?" Napa-igtad naman ako nang ibato niya sa pader ang tasa ng kape. Mahinang kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na huwag manginig at maiyak. Subrang babaw pa naman ng luha.
" S-sinunod ko naman ang i-inutos mo. " Nakayukong wika ko pa.
" Akala ko ba culinary graduate ka? Don't you know the difference of salt and sugar?" Pang-iinsulto pa nito.
" S-sorry. 'D-di ko alam na asin 'yong naihalo ko. " I apologized.
" You're insane! Makakaalis kana. " Wika pa nito na ikinaangat ng tingin ko. Nakita ko naman nakatalikod ito sa'kin habang sinsuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri.
" S-sinisisanti m-mo na ako?"
" F*ck! Nang-iinis ka ba ha? O baka gusto mong mag-back out? " Aniya.
" P-pasensiya na. " Paumanhin ko pa bago nagpasyang linisin ang basag na baso.
" What's happening here, K? Ba't may basag na baso. " Rinig ko pang wika ni Keith na halatang kadarating lang. Hindi na ako nag-abalang lingunin pa ang mga ito.
" It's none of your business. " Sagot pa ni Jeush dito.
Dahil sa hindi pag-iingat ay mahina akong napadaing nang masugatan ang daliri ko ng bubog. Kinagat ko lang ito ng mahina bago nagpatuloy sa pagpulot ng mga bubog.
" Leave that thing there, Reah. Hindi mo trabaho 'yan. " Utos pa ni Keith ngunit hindi ko nalang ito pinakinggan. " What do you think you're doing, K? Are you trying to be abusive? " 'Di makapaniwalang papanermon pa nito sa pinsan. Wala naman akong narinig na sagot mula kay Jeush. " Leave it there, Reah. Nasusugatan kana!" Paglapit pa nito sa'kin sabay squat sa harap ko at tiningnan ang daliri ko. Mabilis ko naman itong inagaw sa kanya.
" W-wala 'to. " Wika ko pa at agad na tumayo upang itapon ang mga bubog na napulot ko.
" Let me get some first aid. " Saad pa nito bago lumabas ng opisina.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang lumapit sa gawi ko si Jeush at hinawakan ang dumudugo kong daliri. I saw his guilty expression pero hindi ko iyon pinansin at inagaw ang kamay sa kanya.
" M-may gagawin pa ako. Y-your meeting with the board will start in 30 minutes. K-kailangan mo nang maghanda. " I reminded him bago aktong tatalikod na nang pigilan niya ako sa braso.
" Let me treat your wound. Just sit here. " Aniya at inalalayan akong umupo sa mahabang couch. Tumungo naman ito sa kanyang mesa at may kinuha roon na isang white box.
Matapos nitong makuha ang box ay bumalik ito sa pwesto ko at naupo sa tabi ko. Maingat na dinampii niya sa daliri ko ang bulak.
Tahimik lang akong pinagmamasdan ang maamo niyang mukha habang abala sa pagagamot sa sugat ko. Pigil hininga at halos 'di magkamayaw naman sa pagtibok ang puso ko nang maititgan ito ng ganjto kalapit. He's so picture perfect man. Wala kang negative comments na masasabi sa physical na anyo niya maliban sa ugali.
" Sana nga kasing amo rin ng mukha ang ugali mo. " Mahinang bulalas ko pa. Agad naman akong napaiwas ng tingin nang mag-angat ito ng ulo.
" Did you say anything?" Tanong pa nito.
" W-wala. " Tipid na sagot ko pa at mahinang napabuga ng hangin.
" Reah...." Napalingon ako sa may pinto nang marinig ang boses ni Keith. Mag bitbit narin itong white box na may nakalagay pang first aid kit. " Buti naman at may natira kapang bait, K. " Komento pa nito. Hindi ito pinansin ni Jeush at nilagyan na ng bond aid ang daliri ko bago tumayo.
" M-magsisimula na ang meeting mo, Jeush. You better go. " Wika ko pa at aktong tatayo na nang makaramdam ako ng pagkahilo. Bago paman ako tuluyang natumba ay naramdaman ko naman ang pag-salo ng matipunong braso sa'kin.
___________
A/N: Thank you so much sa mga bagong nag-follow and for continuously supporting me. Mahal ko kayo. ❤️
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...