CHAPTER 3

209 6 0
                                    

" Alam mo, Reah, pakipot lang 'yang asawa mo. Kung ako sa'yo, ako ang gagawa ng first move. " Suhistisyon pa ni Marie matapos kung sabihin sa kanya ang mga nangyari kanina.


Siya si Marie Ocampo, ang nag-iisa kong kaibigan. Parang magkapatid narin ang turing namin sa isa't-isa. Matanda nga lang siya sa'kin ng isang taon. 23 pa lang ako samatalang 24 naman siya. Ngunit kahit ganoon ay parang magka-edad lang din ang vibes namin sa isa't-isa. Kasalukuyan siyang international model samatalang abala naman ako sa pamamahala sa sarili kong five star restaurants dito sa Cebu. Kilala ang restaurant ko sa buong bansa ngunit wala pa ni isang nakakakilala at nakakakita sa totoong may-ari. Sa tuwing may media kasi ay tinatanggihan ko ito. Sapat na sa akin na minamahal ng mga tao ang negosyo ko. Sa simpleng paraan ay nagawa ko itong mapalago na mag-isa. Tanging mga magulang ko lang din at ang nag-iisa kong kaibigan ang nakakaalam tungkol sa mga bagay na iyon.



" Anong first move ba pinagsasabi mo diyan?" Nakataas kilay na wika ko pa sabay subo ng ice cream.


Kasalukuyan kaming nasa Kakka Dairy Bar ngayon dahil inimbita ko siyang magpalamig. Matapos kasi akong iwan ng mokong kong asawa ay nawalan narin ako ng gana na kumain kaya tinawagan ko agad si Marie at inaya na lumabas. Mabuti naman at day off niya kaya pinaunlakan ako. Isang week kasi ang paalam niya sa manager para lang makadalo sa kasal ko.




" Haler! Siyempre, gapangin mo. Ganern!" Aniya sabay ikot ng mata. Sinamaan ko naman siya ng tingin ng ma-gets ang ibig niyang sabihin. Ang bruha tinawanan lang ako. " See? 'Di ba? You said before that cockroach is his weakness, then if I were you, sis alamin mo pa ang lahat tungkol sa kanya then magagawa mo na siyang mapasunod at mapaamo. Ganern!" Aniya sabay subo ng ice cream. Pinagdiskitahan ko naman ang ice cream ko dahilan upang magmukha na itong liquid ice cream.



" Oo na. Hindi ako slow. Pero paano ko naman siya mas makikilala pa kung kasing lamig pa ng yelo ang pagtrato sa'kin. Sarap sakalin ng lalaking 'yon!" Inis na wika ko pa. Bahagyang natawa naman si Marie sa'kin. " Kung 'di lang talaga ikakasira ng ganda ko, inupakan ko na 'yon. Kala mo kung sinong gwapo eh mas gwapo pa nga si Whamos 'don eh. " Dagdag ko pa. Nakita ko namang napatingin si Marie sa likod ko sabay nguso kung nasaan ang entrance door. Hindi agad ako lumingon at takang tumingin sa kanya. 



" Speaking of impakto. Andon ang asawa mo. " Aniya sabay itinuro sa nguso niya. Sinundan ko naman ng tingin iyon at agad nagsalubong ang kilay nang makitang may kasama itong sexy na babae na parang higad kung makakapit sa braso niya.



" Alis na tayo. Nawalan ako ng gana. " Pag-aaya ko pa sabay tayo at kinuha at maliit na shoulder bag na dala ko.


" Teka lang, sis. Sayang 'yong order natin. " Pagpigil pa ni Marie sabay hawak sa braso ko. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot. Tumalikod ako sa gawi nina Jeush upang 'di niya ako mapansin.


" Ubusin mo nalang. Antayin nalang kita sa labas. " Wika ko pa at agad na tumalikod. Hindi ko na pinakinggan pa ang pagtawag nito at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad. Napatingin pa sa akin si Jeush nang madaanan ko ang mga ito ngunit wala man lang bakas ng emosyon na makikita sa mukha niya na mas lalo kung ikinainis. Talagang may gana pa siyang lantaran na manlandi samantalang pinagbabawal niya sa rules ang pakikipag-date sa publiko. Sarap tirisin.



Dahil sa malalim kong pag-iisip ay 'di ko man lang namalayan na may kasalubong ako, dahilan upang mapadaing ito nang mabunggo ko.



" S-sorry. " Paumanhin ko pa sabay yuko at aktong lalagpasan na ito nang pigilan ako nito sa braso.


" I should be the one to say sorry, Miss. I was in a hurry. " Aniya na may baritinong boses. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at tumambad agad sakin ang perpekto nitong ngiti sa labi. Nakalabas pa ang dimple nito na mas lalong bumagay sa kanya. " What's your name by the way?"  Dagdag pa nito.



Napakurap-kurap ako nang matulala bago ito sinagot at inabot ang kamay nito na nakalahad.



" J-Jireah. Just Reah for short." Nahihiyang sagot ko pa at agad din na binawi ang kamay. Mas lalo namang lumapad ang ngiti nito.



" Beautiful name, it suits you. " Banat pa nito. " I'm Keith." Aniya. Napansin ko naman si Jeush na nakatayo sa may pinto habang nakatingin sa gawi namin kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.



" P-pasensiya na ulit. I have to go. " Wika ko pa at agad na itong iniwan.

Tinungo ko ang parking lot kung saan nakaraparada ang kotse ni Marie. Sinundo niya lang kasi ako kanina dahil nasa mansion pa ng mga magulang ko ang sarili kong sasakyan.


Agad akong pinagbuksan ni Manong Edgar ng pinto kaya pumasok narin ako. Ito ang personal driver ni Marie simula ng elementary pa kami hanggang sa nakapagtapos kami ng pag-aaral. Parang tatay narin ang turing namin dito.



" Ba't nauna ka, ineng? Asan si Inday Marie?" Tanong pa nito.


" Nasa loob pa po, Manong. Nauna nalang po ako dahil nandon din ang asawa ko kasama ang babae niya. " I answered. Bahagya namang napailing si Manong Edgar sa sinabi ko.


" Alam mo, ineng. Ganyan na ganyan din kami ng asawa ko nong unang kasal palang namin. Pero hindi mo dapat na iniiwasan ang asawa mo. Kailangan ng tiyaga at tiwala sa isa't-isa ang kailangan. " Payo pa nito. Humugot naman ako ng isang malalim na buntong hininga at tumingin sa labas ng bintana.



" Iba po kasi ang sitwasyon namin. Ang hirap pakisamahan ng impaktong 'yon na daig pa ang yelo sa subrang lamig. Alam kong ayaw niya sa'kin pero sana man lang respetuhin niya rin ako bilang asawa. " I poutedly answered.



" Alam mo, ineng, kaming mga lalaki minsan ay nahihiya kaming gumawa ng unang hakbang dahil natatakot kaming matanggihan. " Wika pa ni Manong habang nakatingin sa'kin sa rear view mirror. " Kung ako sa'yo, kailangan palagi ka niyang kasama para mas lalong makikilala mo pa ang asawa mo." Dagdag pa nito.



" Manong, naman eh. Dalawa na kayo ni Marie nagsabi sa'kin niyan. Kailangan ba talaga na ganun? 'Di ba pwedeng kakausapin nalang o 'di kaya sapakin ko nalang agad para matauhan?" I said na ikinatawa ni Manong.


" Ganun talaga 'yon, ineng. Bilang asawa, responsibilidad mo rin na alagaan at pasayahin ang asawa mo. "


" Ang hirap naman po non, Manong. Hindi na siya bata. Pero sabagay, may punto po kayo. Pero ano namang hakbang ang gagawin ko? Baka isipin pa non na liligawan ko siya. No way! "



" Ang arte mo, sis. Hindi mo ikakapangit 'yan. Promise!" Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang biglang nagsalita si Marie sa tabi ko. " Gulat lang, ganern? Mukha na ba talaga akong multo, sis?" Aniya.



" Kanina ka pa? Ang bilis mo naman yatang nalunok ang baso. " Tanong ko pa na ikinabusangot nito. Bahagya naman akong natawa sa reaksiyon niya. Nagsimula naring paandarin ni Manong Edgar ang sasakyan.


" Dambuhala na ba talaga ako, sis? Sa ganda kong 'to?" 'Di makapaniwalang wika pa nito sabay turo sa sarili na mas lalo kong ikinatawa.


" Pwede rin naman. Ikaw lang ang dambuhalang hindi tumataba kahit anong kainin. " Pang-aasar ko pa na mas lalong ikinabusangot nito.



Nasa ganoong sitwasyon kami sa pag-aasaran nang biglang nag-preno si Manong ng malakas na ikitalon ng dibdib ko. Muntik pa kaming mapasubsob nang ihinto niya ang sasakyan sa gitna ng kalsada kung saan may isang kutseng itim na humarang.

___________
AUTHOR'S NOTE:

Thank you for supporting BHD at sana ay samahan niyo parin ako hanggang sa matapos ang panibagong kwentong ito. I dedicated this story to all of you.

Sa mga hindi pa nakabasa ng "Beyond Her Desire" maari niyo po itong basahin while waiting sa update dito. Just check my account.

Ingat kayo! Mwuah!

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon