CHAPTER 59

183 8 3
                                    

Dedicated to wenasapa, taekim938, ArlenePeano and Miss_Lhuna

JIREAH LAEL POV

"How do you feel right now, honey? Do you want something to eat?" Nag-aalalang tanong pa ni Tita Jenna sa akin. Kanina pa kasi ako walang ganang kumain at ang lakas din ng tibok ng puso ko na tila may kakaibang mangyayari. Hindi rin ako mapakali at pabaling-baling ako sa kaliwat at kanan.

Dalawang araw na simula nang umuwi ng Pilipinas sina Marie kaya wala akong masiyadong nakakausap maliban kina Tita at Mommy dahil abala sina Daddy at Tito Khev at maging si Chairman. Ngayon ay si Tita muna ang nagpaiwan dito dahil pinauwi niya muna si Mommy para makapagpahinga. May bahay naman kami dito sa states. Doon kami namamalagi at doon na rin ako lumaki. Pero sa katunayan ay hindi naman talaga ako palaging naroon dahil madalas akong nanatili sa hospital. Na-operahan na rin ako dito pero noong pagtuntong ko nang high school ay muling bumalik na ikinapagtataka ng mga doctor. And sadly, it became worse. Kaya noong college ay pinakiusapan ko sina Mommy na bumalik ng Pilipinas dahil gusto kong makita si Jeush. I was so eager to meet him but I was too late. While I was pursuing of letting him know that I'm back, Rhinaya secretly got him. Subrang malapit na magkaibigan pa kami noon kaya labis akong nasaktan nang magpanggap siyang ako.

"Hindi pa po ako gutom, Tita." Sagot ko nalang dito dahil ilang beses na niya akong inalok na kumain.

"How about going out to have some fresh air?" Aniya na ikinailing ko. Nawawalan na ako ng gana na lumabas kasi sa tuwing dinadala nila ako doon ay pakiramdam ko, huling sulyap ko nalang sa mundo. The outside world no longer feels so relaxing like how I admired the sunsets. "Honey, please don't be afraid to tell me everything okay? You know how much we love you, not just because you're Jeush's childhood bestfriend, ex-wife or just because you're carrying his child but because you're like a daughter to us." Ani Tita Jenna sabay mahinang pinisil ang kamay ko. Malungkot naman akong ngumiti sa kanya. Nakikita ko iyon at saksi ako sa kabutihan nila. Kaya I admired them, sila na Mommy dahil sa matibay nilang pagkakaibigan.

"She's not my ex-wife, Mom, neither I'm her ex-hubsband." Napalingon kami sa may pintong nang biglang marinig ang pamilyar na boses na iyon. My heart goes wild as our eyes met. He's smiling. Ang maamo niyang mukha at matamis na ngiti na matagal kong hindi nasilayan. Medyo bumagsak ng kaunti ang timbang niya but hindi iyon nakakapagpawala ng poise niya. He even look more hottier.

Gusto ko siyang takbuhin at yakapin but I stop myself dahil bigla akong dinapuan ng hiya at takot. Nahihiya ako at ayokong makita niyang nasa ganito akong sitwasyon. Paanong nalaman niyang narito ako? Sa pagkakaalam ko ay ginawan ng paraan ni Chairman ang ginawa niyang pag-iimbistiga sa akin dahil iyon rin ang ipinakiusap ko upang 'di niya ako matunton kung nasaan ako.

"S-son." Gulat na bulalas ni Tita Jenna nang makita ang anak.

Nagulat man sa pagsulpot niya ay pilit kong pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. As much as I can, ayaw kong nakikita niya akong mahina.

Nasagot lang ang katanungan ko nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Keith at Marie. Nasa kanilang dalawa lang ang posibleng mapagkukunan niya ng impormasyon.

Jeush slowly walked closer to me. Pain and sadness is visible in his eyes.

"M-mabby." He uttered nang makalapit sa akin. Bigla naman akong nagitla nang yakapin niya ako. Nakaupo kasi ako at nakasandal sa headboard ng kama.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon