CHAPTER 41

132 3 0
                                    

"How do you feel now?" Tanong ni Jeush habang nilalaro ang buhok ko sa kanyang mga daliri. Narito kami ngayon sa kwarto nanonood ng tv habang naunan ako sa kanyang dibdib. Kanina pa niya paulit-ulit na itinanong kung ano ang nararamdaman ko. Minsan ay tinatanong niya rin kung may gusto ba akong kainin. He's so weird.


"For the nth time, Jeush ayos lang ako. Kasalan mo 'to." Nakalabing sagot ko pa.


Tumango siya at hinalikan ang ulo ko. Napangiti naman ako sa ginawa niyang iyong at mas isiniksik pa ang aking sarili sa kanyang katawan.


"Gusto mo ba..." Hindi pa nito natapos ang kanyang sasabihin ay hinampas ko na ito sa dibdib dahilan upang matawa siya. Kamanyakan talaga ng lalaking 'to.


Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang malakas na pagkabog nito. Gosh, this heart can't stop throbbing.


"Tigil-tigilan mo 'ko!" I hissed. "Umalis ka nga sa tabi ko. Gumagana talaga 'yang kamanyakan mo!" Pagtataboy ko pa sa kanya at mahinang itinulak siya.


Napamaang ako nang tuluyan talaga itong umalis sa tabi ko at bumaba ng kama.


"As you say so." Aniya at lumabas ng kwarto. Bigla naman akong na-guilty sa ginawa ko.


Nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib. Ang lakas ng epekto niya sa'kin na kahit sa simpleng ginagawa niya ay nasasaktan ako.


Muling binalot ng katahimikan ang paligid nang maiwan akong mag-isa. Nakatulala lang ako sa malaking tv pero wala doon ang isip ko. Nakokonsensiya ako sa ginawa ko. Am I being hard to him all the time? O baka pinakikisamahan niya lang ako kasi wala siya?


Napahugot ako ng isang malalim na hininga sabay na kinagat ang ibabang labi nang bahagyang kumibot ito.


I was in that state of emotion nang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Jeush na may bitbit na tray. Mabilis kong pinalis ang mga luhang namuo sa mata ko upang hindi nito makita.


"I bought you a mango." Nakangiting aniya sabay lapag nito sa bed side table at tumungo sa harap ko. Napayuko ako at mahinang napasinghot na ikinamura niya. "Why are you crying?" Nag-aalang tanong pa nito sabay na hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ihinarap sa kanya. "Did I made you cry?" Muling tanong niya at matamang tinitigan ako sa mata.


Tumango ako at walang pasabing sinuntok siya sa tiyan na ikinamura niya.


"Ba't ka lumabas ha? Nagbibiro lang ako tapos iiwan mo nalang ako bigla!" Panenermon ko pa. Umayos siya ng upo at lumapit sa'kin sabay na isinubsob ang mukha sa leeg ko and wrap his arms around my waist.


"Sorry if I made you think that way, Mabby. I was just teasing you." Aniya.


" 'Di ako natutuwa!" I grinned my teeth.


He distance his self from me habang nakatukod ang kanyang braso sa pagitan ko. He kissed me instead of saying anything. It made me froze at 'di naman magkamayaw ang puso ko sa pagtibok.


He started moving his lips ngunit hindi koi yon tinugon dahil sa gulat. Maya-maya pa ay namalayan ko nalang ako aking sarili habang sinasabayan ang bawat paggalaw nito. Napahawak pa ako sa batok niya na nagpangiti sa kanya.


Bago pa man ako mawala sa wisyo ay huminto siya at pinagdikit ang noo namin. He stared at me intently habang parehong naghahabol ng hininga.


"Are you mad at me?" Malumanay na tanong niya na ikinailing ko. "I'm sorry. I was supposed to ask you earlier if you wanna eat mango but seems like you misunderstood it." Aniya at mabilis na hinalikan ako sa labi bago dumistansiya at tumungo sa bedside table.


Inayos niya ang bed table at inilapag doon ang manga at may kasamang hipon. Bigla naman akong natakam nang makita ito.


"Wow! Thank you!" I exclaimed at agad na nilantakan ito. Sunod-sunod ang subo ko habang nakangiting pinapanood niya lang ako.


I offered him to eat with me pero tumanggi siya kaya ako lang mag-isa ang kumain.


Buong araw ay wala kaming ibang ginawa kun'di ang manatili sa kwarto at manood ng mga movies. Sinabihan ko si Jeush na ayos lang na iwan niya akong mag-isa upang magagawa niya ang mga gusto niyang gawin habang narito sa hacienda pero tumanggi lang siya. Aniya ay hindi niya ako pwedeng iwan baka sakaling may kakailanganin ako at gusto niya raw na alagaan ako habang hindi pa ako nakakakilos ng maayos. It made my heart flattered.


"Jeush." Pagtawag ko pa sa kanya habang tahimik itong nakayapos sa'kin.


"Hmm." He hummed at pinagsiklop ang mga daliri naming.


"Can I ask you something?" Tanong ko pa sa kanya. Tumango naman siya.


"Yes, you can, Mabby."


"Ayos lang sa'kin kung 'di mo ako sasagutin o kahit magalit ka." I said at tumingala sa kanya.


He kissed my forehead at takang tumingin sa akin.


"Why would I get mad?" Aniya.


"It's between us." Pag-uumpisa ko pa. Tahimik lang siya habang nag-antay ng susunid kong sasabihin. I cleared my throat. "K-kapag ba bumalik na si Rhinaya, you'll propose to her and get rid of me?"


That made him frozed at natahimik siya. Napalunok ako habang pinamamasdan ang kanyang reaksiyon. Hindi pa man ito nagsasalita ay alam ko na ang isasagot niya. Ang tanga ko at itananong ko pa iyon. Of course, he will surely get rid of me and marry Rhinaya right away. He have been waiting for her at pakiramdam ko ay naging balakid pa ako sa kanila.


"A-ayos lang kong 'di ako sagutin." Pilit akong ngumiti sa kanya.


"L-Lael."


"D-don't mind it. Kalimutan mo nalang ang tanong na iyon. Hindi naman 'yon mahalaga." Pagputol ko pa sa kanya at smiled bitterly.


Hindi ko paman tuluyang natatanggap ang sagot nito ay lihim na akong nasasaktan. Ba't kasi sumagi pa iyon sa isip ko. I just ruined my mood and our moment together.Iniisip ko palang na subrang daling matapos ng buwan ay mas lalo akong nasasaktan. Siguro, pagkatapos ng tatlong buwan ay tuluyan na niya akong kalimutan at magiging masaya na siya habang kasama si Rhinaya. Nasasaktan ako sa isiping bubuo siya ng pamilya sa babaeng pinakahihintay niyang bumalik at hindi ako 'yon. Kahit ibinigay ko na ang lahat sa akin ay hinding-hindi koi yon pagsisihan. Masaya akong kasama siya at susulitin ko ang bawat oras na magkasama kami. 

_____________________________

LIKE | FOLLOW | SHARE

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon