Jeush was about to move his lips nang itulak ko siya. Muntik pa itong mahulog sa kama sa ginawa ko.
"N-namimihasa kana ah. Parang ikaw pa yata ang may sakit sa'tin. May nakain kaba at biglang nag-iba ang ihip ng hangin?" Nakataas kilay na wika ko pa. Nangingiti lang ito habang kinakagat ang ibaba ng kanyang labi.
Napapalunok ako sa ginagawa nito. Talagang nang-aasar ang lalaking 'to.
"Well, you should be thankful. Sa bawat pagmamagandang loob ko ay may kapalit na halik." Aniya na nagpaawang ng labi ko. 'Di makapaniwalang napatitig sa kanya. Seriously? Did he just say that. Parang ibang Jeush yata ang kaharap ko ngayon.
"Kiss currency ang peg mo, Mr. Kingster Jeush Sinatra?" Pagtataray ko pa rito ngunit nginisihan lang ako ng ngiti bago tumayo ng maayos.
"That's my monkey business." Taas noong wika pa na wika nito. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha at maging nang sabihin niya iyon.
Saglit akong napatigil bago napabulwak ng tawa sa sinabi nito. Bigla naman itong napalabi sa reaksiyon ko. Gosh! Ang sarap niyang panggigilan. He's so cute. Kahit naninibago ako sa mga ipinakita nito ay 'di ko maiwasang 'di kiligin.
"Nothing's funny, Lael. Im dead serious." Aniya kaya tumahimik nalang ako. Umayos ako ng upo at isinandal ang ulo sa hedboard ng kama. Umupo naman siya sa gilid ng kama habang diretsong nakatingin sa'kin. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtitig nito.
"Sabi ko nga. Akala ko pinagpapahinga mo na ako? Parang ayaw mo yata akong pagpahingahin nito." Napakamot naman ito sa kanyang ulo. Aktong muli akong magsasalita nang tumunog ang tiyan ko. Hudyat na nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan.
Taka akong napatingin sa reaksiyon ni Jeush nang makitang ang laki ng ngiti nito na animoy may binabalak.
"At anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Nakataas kilay na tanong ko pa.
Yumuko si Jeush sa gilid ng kama at inilapit ng bahagya ang mukha sa'king. Napigil ko naman ang hininga ko sa subrang lapit nito. Nanunuot na naman sa ilong ko ang pabango nito. Kahit magulo ang buhok nito ay napakatikas niya paring tingnan.
Napalunok ako nang dumapo ang mga mata ko sa mapupulang labi nito na kanina lang sumakop sa akin. Gosh! That lips. Subrang nakakahila ng atensiyon. Parang gusto ko tuloy matikman ng paulit-ulit.
"You can have me as your breakfast and lunch instead, Lael." Pilyong aniya. Sandali akong natahimik ngunit nang ma-proseso ng utak ko ang sinabi nito ay pinaningkitan ko ito ng mata.
"Puro ka kalukuhan. At kailan ka pa naging masarap na pagkain?" Balik na asar ko pa ngunit mas lalo lang lumaki ang pagguhit ng ngiti sa labi nito at mas lalong inilapit pa ang mukha sa'kin. Naitukod ko pa ang dalawang palad ko sa dibdib nito upang pigilan ito. "J-Jeush."
"Your moaned proves that you're satisfied with me." Mapanuksong aniyang at cornered me between his arms. "How does it taste like, Maby? I won't take 4 star rating after you molested me last night." Aniya na nagpalaglag ng panga ko. Bigla nag-init ang mukha ko sa sinabi nito.
Talaga bang may ginawa ako kagabi na 'di ko matandaan? Gosh! Nakakahiya.
"A-asa ka! Assuming mo masiyado. Ako pa talaga ang nagmolestiya sa'yo ha?" Pagdepensa ko sa sarili at pilit na inaalala ang mga pangyayari kagabi ngunit wala talaga akong ibang matandaan.
"Well, if you're not my wife, I will surely consider it as rape." Seryosong aniya na mas lalong ikinatanga ko. Aktong magsasalita ako nang patihimikin niya iyon gamit ang kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito.
Bago paman ako makahuma ay naputol iyon nang biglang bumukas ang pinto. Naitulak ko agad si Jeush ngunit ang loko subrang laki ng ngiti nang bumaling sa pinto.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Naabutan pa kami na nasa ganoong sitwasyon ng lolo ni Jeush.
"Akala ko eh may lagnat ang asawa mo? Naisturbo ko yata kayo." Malumanay na wika pa nito.
"Sige, ipagpatuloy niyo na iyan at akoy 'di na makapag-antay na masilayan ang aking mga apo." Dagdag pa nito at talagang diinan pa ang saltang apo.
'Di ko alam kong anong magiging reaksiyon sa magkahalong hiya at pagkabigla sa sinabi nito. May katandaan na si Don Ken ngunit malakas pa rin ito.
"P-pasensiya na po at naabutan niyo kami sa gano—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang putulin iyon ni Jeush sabay naupo sa gili ko.
" Don't be sorry, Maby. It's normal things for couples, right Dada?" Nakangiting wika pa nito na ikinatango naman ng matanda. Talagang mag-lolo nga ang mga ito. No wonder kung saan namana ni Jeush ang ugaling ipinapakita niya ngayon. Noon pa man ay saksi ako kung gaano kalapit si Jeush sa lolo at lola niya na siyang mga magulang ng kanyang ina. Samantalang sa side ng kanyang ama ay napaka-strict ng mga grandpaents niya gawa ng gusto nito na nasa negosyo ang atensiyon ng kanyang pamilya at walang nasasayang na panahon. Ang mga grandparents niyang ito ay nasanay sa normal na pamumuhay kahit pa nagmamay-ari ito ng pinakamalaking hacienda dito sa San Antonio.
Kung nakaharap lang ako sa salamin ngayon, makikita ko talaga kung gaano na kapula ang pisngi ko.
"What brings you here, Dada? We still need to finish our –ouch!" Napapitlag ito nang sikuhin ko ang tagiliran niya. Talagang ang lakas ng anas ng lalaking 'to ngayon. Pinandilatan ko pa ito ng mata na siyang ikinatawa ng lolo nito.
"See, Dada. My wife is so violent." Parang batang pagsusumbong pa nito.
Napatingin ako sa pinto nang may matandang pumasok. Hinalikan iyon sa pisngi ng lolo ni Jeush. I can still see the sparks in their eyes how much they love each other. How I deep wish na sana ganoon din kami ni Jeush but everything is just a dream. Impossibleng mangyari iyon.
"How are you feeling, sweetie Pinagod kaba ng asawa mo kagabi at tila ika'y pagod na pagod? Hindi ka yata pinagpapahinga nitong apo ko." Hirit pa ng lol nito na bahagyang ikinatawa ni Jeush. Hindi yata ako makakatakas sa pamilyang 'to. Parang gusto ko nalang lamunin ng kama ngayon.
"My wife's shy, Nana. But I know for sure that she enjoy last night." Makahulugang wika pa ni Jeush sabay kindat sa'kin. Kinurot ko ang tagiliran nito ngunit tinawanan lang ako na siyang ikinainis ko dito.
"Hala siya at pagpahingahin mo muna iyan, iho. Bumaba ka na rin at nang maipaghanda mo iyan ng makakain." Pag-utos pa sa kanya ni Lola Nida na siyang ikinataas n nguso ni Jeush. "Aba ay huwag mo akong pakitaan ng ganyang nguso at baka iyan ay maputol ko. Ang iyo nang lolo ang siyang nag-aalaga sa akin at hindi ako ang nag-aalaga sa kanya kaya dapat lang na ganoon ka rin sa iyong asawa." Pangangaral pa nito sa apo. Napangiti naman ako nang lumapit sa kanila si Jeush at nakipagbeso. Matapos ay niyakap niya ng mahigpit ang mga ito.
"Don't worry, Nana. I will always keep my promise." Ani Jeuh bag kumalas ng yakap sa mga ito at bumalik sa gawi ko.
Nang makaalis ay muling natahimik ang silid. Bumalik na naman ang pagkailang ko nang pasadahan ng tingin ni Jeush ang buo kong katawan.
"Lael, you still didn't tell me why you drink last night. Hindi ka man nagpaalam sa'kin." Pagbasag pa nito sa katahimikan.
"Dahil sayo." Wika ko pa sa'king isipan ngunit hindi ko man lang maisatinig.
"Sino ka ba? Akala ko ba wala kang pakialam kung ano ang gagawin ko at hindi ako maaring mangialam sa gagawin mo. Nakasaad iyon sa kasunduan mo, Jeush." Mahabang wika ko pa na ikinatahimik nito. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi. Huli na nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Me and my big mouth ay talagang pahamak. "Jeush." Pagbanggit ko pa ngunit tumalikod siya sakin.
"What do you want to eat?" Tanong pa nito sa'kin sa malamig na tono. Nakatayo na itong nakatalikod sa'kin.
"I..." Hindi pa man ako nakatapos sa sasabihin ko nang umalis na ito. Ang bipolar talaga. Kanina lang parang sinapian ngayon naman bigla lumamig. 'Di ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. Ang hirap basahin ng isip niya.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...