Pagkarating namin sa restaurant ay iginiya ako ni Keith paupo. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang reaksiyon ni Jeush. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, kanina pa siguro bumulgta si Keith sa sahig.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at umaktong hindi ako naba-bother sa presensiya ng dalawa. Naupo kasi ang mga ito katapat namin. Magkaharap kami ni Jeush at si Keith naman at Rhinaya. The atmosphere feels like suffocating. Pati ba naman sa pag-upo parang linta pa rin na nakakapit ang bruha. Pasimple hinahaplos pa nito ang braso ni Jeush na ikinainis ko. Pinilit ko na lang na huwag ipahalatang gusto ko nang lumabas. Kahit pa pagmamay-ari ko ang lugar na'to, I need to act professionally.
"Rhinaya, I heard na dito ka na mamalagi sa Pilipinas." Pagbubukas pa ng usapan ni Keith habang nag-aantay kami na maihain ang order namin.
"Yeah. I want to stay here for good para maalagaan ko si K at makabawi na rin sa mga panahong nawalay kami sa isa't-isa. Ayaw na rin kasi niyang bumalik pa ako sa ibang bansa, right, Babe?" Mahabang litanya pa ni Rhinaya. Hearing that makes my heart breaks into pieces. Talagang pinagplanohan nga nila ang kanilang kinubukasan. It hurts me knowing na hindi ko man lang iyon narasan. They looked good with each other though.
Napatingin ako kay Jeush na pinagsisihan ko dahil nagtama ang mga mata namin. Sa akin siya nakatingin na tila walang pakialam sa sinabi ni Rhinaya.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Babe, are you okay?" Ani Rhinaya na nagpabalik sa ulirat ng katabi. Tumango lang si Jeush dito at umayos ng upo.
"Is that so, Rhinaya. Hindi naman sa panghihimasok, but I think you know that Reah and K are married." Ani Keith na ikinabigla ko. Hindi ko inaasahang itatanong niya iyon. Sandaling binalot ng katahimikan ang pagitan namin.
"W-well, Babe and I already talked about it. We will be having our wedding once Reah signed the annulment." Ani Rhinaya. Parang tinusok ang puso ko nang marinig iyon.
"Let's not talk about that here." Singit na Jeush. Saktong dumating naman ang order namin. Hindi ako nag-abalang magsalita baka sakaling mapupunta lang sa ibang direksiyon ang usapan. Ayoko munang isipin na malapit nang matapos ang mga araw na kasama ko si Jeush.
"Let me serve you, Reah." Pag-alok pa ni Jeush at aktong lalagyan nito ng beef ang plato ko nang magsalita si Jeush dahilan upang mabitin sa ere ang kamay nito.
"She's allergic with beef." Walang emosyong wika nito. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata Rhinaya. Kahit galit ako sa kanya ngunit nakaramdam pa rin ako ng awa. Nakikita ko naman sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si Jeush. "Here, you can have mine." Aniya at pinapalit ang plato naming.
"A-ako na ang maglalagay ng food mo, Babe." Ani Rhinaya. Hinayaan nalang ito ni Jeush.
Hindi ko na sila pinansin pa at nagsimula ng kumain. Kahit 'di ako nag-aangat ng tingin ay pakiramdam kong may nakatitig sa'kin. Tanging si Keith at Rhinaya lang ang nag-uusap at paminsan-minsan at sumasagot naman si Jeush sa usapan nila. Samantalang ako ay nakikinig lang at tumatango kapag tinatanong.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...