CHAPTER 15

156 5 1
                                    

" Here's your coffee, sir. Tawagin niyo nalang ako 'pag may kailangan pa kayo. " Formal na wika ko pa na ikinaangat ng tingin nito. Agad naman akong tumalikod sa kanya upang iwasan ang pagtama ng mga mata namin. Starting today, I'll treat him as my boss whenever we are at the workplace. Iyon ang nakasaad sa mga rules niya and I want to follow all those rules kung iyon ang makapagpasaya sa kanya.

" Lael." Pagtawag pa nito na ikinahinto ko. Nanatali lang akong nakatalikod sa kanya.

" Ms. Lael, sir. Call me Ms. Lael or Ms. Reah since we are at the workplace. " Pagtatama ko pa sa kanya. Sandaling natahimik naman ito.

" Lael...I mean M-Ms. Lael, if you're not feeling good you can take a leave. You look so pale. " I was speechless for a moment after hearing those words. Nahihimigan ko sa boses ang pag-aalala nito kahit hindi ako nakaharap sa kanya. Sa isang bahagi ng puso ko ay natutuwa ngunit hindi ko rin maiwasang 'di masaktan. Alam kong nakukunsensiya lang ito dahil sa nangyari kagabi and nothing's more than that.

Mahinang tumawa ako at humarap sa kanya.

" If you felt guilty about what happened, I refuse, sir. Aalis na po ako. Have a great day!" Magalang na wika ko pa at yumuko ng kaunti bago tuluyang lumabas. Naiwang natahimik naman ito.

Pagbalik ko sa mesa ay taka naman akong napatingin sa paperbag na nakapatong sa ibabaw nito. If I'm not mistaken, ito ang dalang paperbag ni Jeush kanina. Sinilip ko naman ito at tumambad sa'kin ang mga pagkain na nakalagay sa tupperware. Mga nasa limang tupperware ito at may kasama pang mineral water at mga gamot na nakapatong sa ibabaw. I was move ngunit bigla naman akong napaisip na baka para sa kanya talaga ito o 'di kaya ay sa babae niya.

Kinuha ko ito at dinala pabalik sa opisina niya. Pagkabigla naman ang agad na rumihistro sa mukha nito nang makitang itinabi ko sa kabilang mesa nito ang paperbag.

" I think these belongs to you, sir. " Magalang na wika ko pa at aktong tatalikod na nang tumayo ito.

" Lael." Malumanay na wika pa nito at huminga ng malalim. " I bought that for you 'cause Manang Lelia told me that you didn't eat anything " Dagdag pa nito.

" O-okay. Thanks for these, sir. " I responded at muling kinuha ang paperbag. Tatalikod na sana ako nang may maalala. " By the way, your meeting will start in 30 minutes, sir at 2J restaurant. That would be at exactly 8:00 AM, sir. " Pagpaalala ko pa bago nagpaalam at lumabas na.

Itinabi ko muna ang paperbag at inabala ang sarili sa paghahanda ng mga documents na kailanganin ni Jeush. Paulit-ulit ang ginawa kong pagsusuri upang masigurong walang kukulang. Saktong paglabas naman nito ng opisina ay nakahanda narin ako.

" Can you please tie this. I don't know how to do it." Aniya sabay abot sa'kin ng kanyang necktie. Tinaasan ko naman ito ng kilay.

" Kung 'di ka marunong ba't ka naka-necktie araw-araw?" Tanong ko pa.

" Manang Lelia always do it for me. " Malumanay na sagot pa nito. Himala yata at 'di ito naninigaw ngayon. Tila nag-iba ang ihip ng hangin o 'di kaya ang nakalanghap ito ng utot at biglang naging malumanay sa pagsasalita.

Huminga ako ng malalim kahit hindi kumbinsido at lumapit sa kanya. Napapalunok pa ako habang inaayos ang necktie nito. Naamoy ko rin ang mabango nitong hininga sabayan pa ng malakas na pagkabog ng dibdib ko sa tuwing malapit ako sa kanya.

" Hindi sa lahat ng panahon may taong tutulong sa'yo. You should learn how to do it yourself lalo pa at araw-araw kang nagsusuot nito. " Pangangaral ko pa sa kanya. Tahimik lang ito at pinagmamasdan ang bawat paggalaw ko. " Akala ko ba ayaw mo ng tulong mula sa iba? Nakainom ka ba ng drugs?" Dagdag ko pa matapos ito ayusin. Agad naman akong lumayo sa kanya. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako nang makitang ngumiti ito ng kaunti. Baliw na yata ako o kulang lang sa tulog.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon