CHAPTER 60

279 6 9
                                    

This chapter is dedicated to all the reader's who've been supporting this story from the beginning and until now. Special mention to Roselyn. Thank you so much sa walang sawang pagsuporta. Hindi pa rito nagtatapos ang kwento.


It's been a week simula nang magkabati kami ni Jeush. Since then, he never leaves my side. Kung may pipuntahan man siya o may pinapabili ako ay naka-video call 'lagi dahil gusto niyang ma-monitor ang kalagayan ko. Natatakot kasi siyang muling maulit ang nangyari noong nakaraang araw na bigla na naman akong nahihirapang huminga. He's been very persistent at maalaga. Kahit nga hindi pa lumalabas ang anak namin ay binabasahan niya ito ng bedtime stories at kinakantahan.

Kahit hindi ako nagpapaligaw ay talagang ginawa niya talaga dahil gusto niyang maranasan ko raw iyon kahit pa magkakaanak na kami. Kung dati naguguluhan ako sa mga sweet gestures niya, ngayon ay natutuwa at kinikilig ako. Mas lalo pa siyang naging clingy. He proved himself that he can be a good husband and a father. Kahit na nag-umpisa kami sa hindi magandang pagtatagpo, hindi ko iyon pinagsisihan dahil mas lalo ko pa siyang minahal.

"You're not, Mabby. Just let me, okay?" Malumanay na aniya. Tumango nalang ako.

Maingat niya naman akong binuhat papunta sa banyo. Sa totoo lang ay mas naging madali ang mga ginagawa ko ngayon dahil nandito siya. Maging sa pagligo ko ay nakaalalay siya na dati ay si Mommy ang gumagawa. Kahit na naiinis ako noong una kay Keith dahil sa ginawa niya ay labis pa rin ang pasasalamat ko. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi magiging maayos ang lahat. Hindi ko man alam kung paano niya sinabi kay Jeush ang tungkol sa akin ay malaki ang naitulong non.

Matapos kong magbanyo ay binuhat niya pa rin ako at maingat na inilapag sa kama. Inayos niya rin ang kumot at ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Kaming dalawa lang kasi ang narito dahil may pinuntahan raw sina Mommy at Tita. Si Daddy at Tito Khev naman ay umuwi muna ng Pilipinas para asikasuhin ang naiwang negosyo.

"Rest for a while and we'll do some exercise later, Mabby." Ani Jeush at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. Napangiti naman ako. Hanggang ngayon kahit simpleng halik niya ay napapakilig pa rin ako. Wala yata siyang ibang ginagawa na di ako napapakilig. Nababaliw na nga yata talaga ako.

Naupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama ko at mahinang hinahaplos ang aking kamay.

I was about to close my eyes when someone knocked on the door. Nagkatinginan naman kami ni Jeush bago siya nagpasyang tumayo at pagbuksan ito.

"Aya, what are you doing here?" Gulat na bulalas ni Jeush nang mabuksan ang pinto ngunit halata sa boses niya ang galit na makita ito.

"I...I just w-wanna talk to you and Reah." Nahihiyang wika pa nito habang nakayuko.

"Come in." Ako na ang nagsalita nang tila walang plano si Jeush na papasukin siya. Tumango naman si Rhinaya kaya nagbigay daan si Jeush upang makapasok siya. Muli din niya iyong isinara at bumalik sa tabi ko.

"Kung pumunta ka rito para gumanti sa mag-ina ko, makakaalis ka na." Malamig na wika pa ni Jeush dito. Napauyoko naman si Rhinaya.

"N-no. I...I actually came to here to apologize." Aniya at nag-angat ng tingin sa amin. I can see the sadness and pain in her eyes. Lubog rin ang kanyang mga mata at halatang may mabigat na pinagdadaanan. Pansin ko rin ang pagbabago ng katawan niya. She's thinner unlike the last time we saw each other.

Aktong magsasaita si Jeush nang hawakan ko sa balikat. I signed him to let her speak.

"I-I'm sorry, Reah. P-pasensiya na sa inyo kasi kung hindi dahil sa akin ay nakilala ka agad ni, Kingster. P-pero nagmahal lang din ako. Naiingit ako sayo kasi Kingster keeps all your gifts and letters. K-kaya gumawa ako ng paraan kahit na alam kong ikasisira ng pagkakaibigan natin. I'm sorry. H-hindi ko kasi alam na may s-sakit ka na pala, R-Reah. H-hindi ako nakinig kay Marie noon...sa inyong dalawa. B-but no one ever asked me before of what I've feel. P-pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko." Mahabang paliwanag niya sabay namalisbis ang luha sa kanyang mga mata. Maging ako ay 'di mapigilang umiyak.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon