"Our mom is acting so weird." Ani Jeush nang makaalis ang mga magulang namin.
Narito kami ngayon sa kwarto niya, magkatabing nakahiga sa kama. Nakasandal ako sa dibdib niya habang hinahaplos niya naman ang buhok ko.
"Hindi naman. They're just concern." Sagot ko naman habang hinahaplos ang dibdib.
"Concern? Is something wrong that I do not know, Mabby?" Muling tanong niya. Saglit akong nag-angat ng tingin sa kanya ngunit binawi ko rin agad nang magtama ang mga mata namin.
"W-wala naman." Napalunok ako upang alisin ang bikig sa'king lalamunan. Ayo'kong maghinala siya sa'kin. I just wanted to enjoy every moment na magkasama kami.
I'm sorry, Jeush kung kailangan kong magsinungaling. Malalaman mo rin ang totoo. I whispered in my head.
Sa susunod na buwan na ang anniversary ng kompanya at balak kong sa araw na iyon sabihin sa kanya ang totoo. Puno ng takot ang puso ko sa maaaring maging reaksiyon niya lalo pa at nalalapit na ang araw ng pagbabalik ni Rhinaya. I saw it on her Instagram post.
Muling binalot ng katahimikan ang paligid namin. Tanging paghinga lamang naming ang naririnig.
"Mabby." Muling pagtawag ni Jeush sa'kin.
Nanatiling nakapikit lang ako habang dinadamdam ang presensiya niya.
"Hmm?" I hummed.
"Umiyak ka ba kanina?" He suddenly asked that made me freeze. "Your eyes were puffy earlier." Dagdag pa nito na nagpamulat sa'kin.
"H-huh? Halata ba masiyado?" Utal na tanong ko na ikinatango niya. "A-ano kasi, n-nanonood kami nina mommy kanina ng movie. Ang sakit kasi ng ending kaya a-ayon, naiyak ako." Pagsisinungaling ko pa sabay na napabuga ng mahinang hangin. Muntik na akong maubusan ng palusot.
"Is that so, what are you watching? I wish you took me with you so that I could've wipe your tears." My heart flattered with his words. Hinalikan niya ang ulo ko na nagpangiti sa'kin. I looked at him for a moment.
My conscience is consuming me right now. Pero kung nandon siguro siya kanina, hindi ko alam kung magagawa pa ba niyang punasan ang mga luha ko o kamumuhian niya ako.
"A-ano nakalimutan ko ang title pero 'y-yong ending kasi ay namatay 'yong babae matapos manganak a-at hindi alam ng lalaki na may sakit siya at may anak sila." Muli, para akong story maker na 'di naman makatotohanan. Ang dami ko nang kasinungaling sinabi sa kanya pero what if, mangayari nga sa amin ang kwentong gawa-gawa ko lang. What if iyon talaga ang magiging wakas ng aming kwento?
Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso sa isiping iyon. Subrang lapit naming dalawa ngayon, ba ka sa makalawang araw, pagising ko, nag-iisa nalang ako.
"It's sad." Komento naman ni Jeush at pinatakan ng halik ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...