Matapos naming kumain ay bumaik na si Jeush sa ginagawa niya habang pinagpahinga niya lang ako sa sofa. Nababagot na ako at walang ibang ginagawa kaya pinapanood ko lang siya habang seryoso at tutok na tutok sa ginagawa niya.
May tinawagan siya kanina at matapos niyon ay sinabi niyang huwag muna akong lalabas. Hindi ko na rin tinanong kung sino iyon baka mapagkamalan pa niya akong nakikiusyuso sa kanya.
Ang weird nang pakiramdam ko kanina, Paborito ko naman ang adobo pero bigla nalang bumaligtad ang sikmura ko. Ang ending ay itinabi nalang ito ni Jeush at inilayo sa'kin. Hindi na rin niya kinain dahil ayaw niyang baka muli lang raw akong masuka. Ang sarap pa namang tiknan non pero bakit biglang nag-iba pang-amoy ko sa ulam na 'yon. I can also feel weird feelings like madalas akong inaantok and I felt like I'm craving of something na 'di ko masabi.
Napahinga ako ng malalim. Baka bumabawi lang ang katawan ko dahil na rin sa pagod noon naroon kami sa hacienda at biglang balik sa trabaho.
"Honey, I'm here!" Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang matinis na pagsigaw ng babae. Agad na nangunot ang noo ko nang makita itong nakangisi at ang iksi ng suot. I raised my eyebrws as she was walking seductively to my husband at may bitbit pang dalawang paper bag.
"Lower your voice, you're not in the market." Seryusong saway pa sa kanya ni Jeush kaya tinakpan nito ang kanyang bibig at naupo sa upuan na nasa harap ng table ni Jeush.
"Duh! Miss me that much that's why you called me?" Nakangiting tanong pa nito na biglang ikinainis ko. Kaya ba ayaw niya akong palabasin muna para masaksihan ko ang paglalandian nila. Hindi pamilyar sa akin ang babae na 'to but I can see their resemblance. Biglang kumulo ang dugo ko nang tumayo ito at dinambahan ng yakap si Jeush. Ang sarap niyang hilahin at itapon palabras pero 'di ko magawa. Natatakot akong gumawa ng eksena na ikakagalit ni Jeush.
"You're chocking me. Stop it, Love." Ani Jeush kaya humiwalay sa kanya ang babae. Mas lalo akong nainis nang tawagin niya itong love. Kaka-make love lang naming kanina tapos ito pa ipapalit niya. Bigla kong naikuyom ang kamao ko sa inis and I can feel my blood burning in anger.
How can he flirt with other girl while letting me witnessing it. Nakakainis. Ang sarap nilang dalawa sugurin.
Dahil sa inis ko ay 'di ko namalayang nasagi ko ang baso dahilan upang mahulog ito sa lapag at nabasag. Naagaw ko ang atensiyon nila at nakita ko ang paglaki ng mata ng babae. Agad na lumapit si Jeush sa'kin na may pag-aalala habang sinusuri ang paa ko kung natamaan ba ng bubog. He was about to reach my other feet to check it nang tumayo ako at lumayo sa kanya na ikinabigla niya.
"Are you okay? May masakit ba sa'yo, Lael?" Nag-aalalang tanong niya at aktong lalapit sa'kin ngunit umiwas ako. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya sa ginawa ko. "Lael." He called me again.
Ang sarap niyang sapakin. Ang galling niyang umarte.
"Stay away." Pagpigil ko pa sa kanya nang aktong lalapit na naman siya.
"What's wrong?" Nag-aalalang tanong pa niya. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya. His stare can make me soft in no time at baka makalimutan ko pa agad ang pakikipaglandian niya.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...