CHAPTER 20

169 6 6
                                    

" Where's the annulment? "Bungad na tanong pa ni Jeush sa'kin nang makababa ako. Naabutan ko itong nagkakape sa sala habang may kinukulikot sa laptop niya.

Natigilan ako sa tanong nito at hindi agad nakahuma ng sagot. Nakalimutan ko pala ang kondisyon nito kagabi. Ang tanga ko at 'di ko man naisip iyon.

" W-what do you m-mean?" Pagmamaang-maangan ko pa. Nagsalubong naman ang kilay nito at diretsong tumingin sa mga mata ko.

" You responded on my kiss my last night, Lael. Now give me the annulment papers if you're done signing it. " Aniya. Palihim naman akong nasaktan ngunit pilit kong huwag iyon ipakita sa kanya. It shattered me into pieces na halos araw-araw niyang bukambibig ang annulment.

" J-Jeush, b-baka p-pwedeng b-bigyan mo muna ako ng k-kaunti p-pang panahon. " Malungkot na wika ko pa sabay yuko upang pigilan ang sarili na huwag maiyak. Nagsimula na rin mangilid ang luha ko kaya sinisikap kung huwag itong hayaang bumagsak.

" I thought you were easy to talk to, Lael? My girlfriend is coming on the JLines anniversary and I want this f*cking marriage to be over before she comes back!" Napa-igtad naman ako nang bigla itong magtaas ng boses at itinapon at tasa sa pader na malapit lang din sa'kin. Nadaplisan pa ng kaunti ang braso ko sa bubog nito ngunit hindi ko na iyon pinansin.

I just kept my head down and didn't try to look up. Natatakot akong makita niyang nasasaktan ako at baka sabihing pinipilit ko lang ang sarili ko. This is what I said last night that when our parents leave, we will go back to the way we were before. Nasasaktan ako sa pagtrato niya sa'kin na kulang nalang ay kakaladkarin niya ako palabas. He's really eager to end this marriage.

" T-three months, Jeush. J-just give me three months at h-hahayaan na kita. P-please. " I cleared my throat after saying those words.

" You're just cramming yourself into me, Lael!" Aniya na tuluyang nagpabagsak ng mga luha ko. Lumuhod naman ako sa harap nito sabay hawak sa kamay niya ngunit tinabig niya ito. I then hold his leg habang patuloy na nagsibagsakan ang mga luha ko.

" P-please, J-Jeush. J-just three months. A-after the JLines anniversary, I-I'll sign t-the a-annulment. P-please. J-just let me be with you in just three months. " I tearfully beg at him. Nanatili lang itong nakatayo at 'di man lang tumingin sa'kin.

" Don't force yourself on me, Lael because I will never be able to love you." Malamig na wika pa nito.

" Reah, Kingster ano naman ito?" Gulat na tanong pa ni Manang Lelia na kakapasok lang. Walang nag-abala sa amin na sagutin ito. Nanatili lang din akong nakaluhod sa harap ni Jeush.

" I will give you three months but you have to sign the annulment before the JLines anniversary. If you don't fulfill our agreement, I will send you away myself, Lael. " Walang emosyon na wika pa nito sabay agaw ng kanyang binti at iniwan akong umiiyak na nakaluhod parin sa sahig. Pinigilan pa ito ni Manang Lelia ngunit maging siya ay hindi pinansin ni Jeush at nilagpasan lang.

" Reah, ano na naman b-bang nangyayari sa inyo ha? " Nag-aalalang tanong pa ni Manang Lelia at inalalayan akong tumayo at pinaupo sa couch. Sandali naman akong iniwan nito at pagbalik ay may dala ng isang bagong tubig. " Ito uminom ka muna. Tahan na. Ako na ang nahihirapan sa'yo. " Aniya. Agad ko namang ininom ito ngunit maya-maya pa ay biglang nanikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.


" M-Manang L-Lelia, ang gamot ko p-po. " Nahihirapang wika ko pa. Agad naman itong nataranta.

" S-sandali, huminga ako ng maayos. K-kukunin ko lang ang gamot mo. S-saan mo nilagay, iha? " Nag-aalalang wika pa nito habang hinahagod ang likod ko.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon