Naalimpungatan ako nang may maramdamang nakapulupot sa baywang ko. Ang lambot ng kama kaya muli akong pumikit ngunit 'di rin nagtagal ay napamulat ako nang may gumalaw sa tabi ko.
Mabilis akong napabalikwas ng bangon dahil don.
Paanong narito na ako sa bahay naming eh sa pagkakatanda ko kanina ay nasa kompanya ako tapos...
Napatampal ako sa noong nang maalala ang huling nangyari.
Hinimatay ako.
"You're awake. Are you hungry?" Napatingin ako kay Jeush nang magsalita ito. Namumungay pa ang mata nito at halatang inaantok pa.
"A-anong oras na ba?" Balik na tanong ko sa kanya imbes na sagutin ang tanong nito.
He checked his phone bago muling bumaling sa'kin.
"11:32." Aniya na nagpalaki ng mata ko.
"What? Gaano ba ako katagal nakatulog?" Gulat na tanong ko sa kanya.
Bumaba muna siya ng kama bago ako sinagot.
"Nine hours, I guess." Aniya at napakamot sa ulo. "What do you want to eat?" Muling tanong pa nito. Napaisip naman ako dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Aktong sasabihin ko na gusto ko ng chocolate cake nang bigla niya iyong pigilan.
"No cake at this hour, Lael. You haven't eaten yet." Bigla naman akong napahikbi na ikinbigla niya.
"Ba't mo ipinagdadamot sa aming ng an..." Mabilis akong napatakip sa bibig ko nang muntik nang masabi iyon. Naguguluhang lumapit naman sa akin si Jeush at naupo sa tabi ko.
"Hush. I'm sorry. I didn't mean to say that." Aniya ta pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang kanyang daliri. "But you need to eat your dinner first then after that you can eat your cake too, okay?" Malunay na dagdag pa nito. Tumango-tango naman ako.
I smiled at him at bigla na naman akong na-attract sa gwapo nitong mukha.
"C-can I touch your face?" Parang batang wika ko pa. Nagtaka man sa ikinikilos ko ay tumango ito.
"Yes, you can. It's all yours, Mabby." He sweetly said. Mabilis naman akong naupo sa kandungan niya paharap sa kanya at pinanggigilan ang mukha nito. Hindi naman siya nagrereklamo at napapangiti lang habang hinahayaan ako sa ginagawa.
"Ang gwapo mo talaga. 'Wag mo 'tong pahawak sa iba ha?" Parang batang wika ko pa at aliw na aliw sa ginagawa. Mahinang natawa naman siya sa sinabi ko. Mami-miss kong hawakan at matitigan nang ganito kalapit ang mukha niya. It hurts me knowing na hindi mangyayari ang katagang binitawan ko.
"My baby is depriving me from anyone hmm?" Nakangiting aniya at maingat na hinaplos ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...