" J-Jeush? " Gulat na bulalas ko pa nang makalapit ito sa'min. Matalim na tiningnan niya pa si Keith bago bumaling sa'kin.
" Is this the reason why you didn't show up at work?" Malamig na tanong pa nito. Napayuko naman ako dahil ko magawang labanan ang pagtitig nito.
" K, you're scaring her. You shouldn't treat your wife like this. " Saway pa ni Keith sabay hawak sa'kin at itinago sa likod niya.
" That's the point. She's my wife so I can anything to her. " May diin na wika pa nito at aktong aagawin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Keith nang pigilan siya nito. " Give her to me, Keith! " Ma-awtoridad na utos na pa nito.
" For what, K? Para susugatan na naman katulad ng ginawa mo kanina? You're being so abusive! " Balik na wika naman ni Keith dito. He grinned his teeth na tila 'di nagustuhan ang sinabi nito. Napatingin narin sa amin ang mga tao sa paligid.
" S-sir, ihahatid nalang po kita pauwi. " Singit pa ni butler Erick ngunit hindi man siya nito pinansin. Nagpalipat-lipat lang ang mga mata nito kay Keith at sa kamay nito na nakahawak sa'kin.
" And how sure you are that I did it to her? Now, give her to me, Keith or else..." Pagbabanta pa nito at aktong lalapit na naman ngunit pinipigilan ito ni Keith. Nakabantay rin sa gilid niya si Butler Erick na tila naghahanda sa ano mang gawin nito. Maging ako ay natatakot sa awra niya.
" K-kaya kong umuwi, Jeush. Mauna kana. 'Wag dito. Maraming taong nakatingin. " Wika ko pa. 'Di makapaniwalang tumingin pa ito sa'kin at tila nagpipigil sa sarili. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa paraan ng pagtitig nito. Magsasalita pa sana ako ulit nang walang pasabing hinablot niya ang kamay ko mula kay Keith at kinaladkad ako palayo sa lugar iyon. Napapadaing pa ako sa higpit ng paghawak nito ngunit bale wala lang iyon sa kanya.
" Get in! " Ma-awtoridad na utos pa nito matapos buksan ang backseat. Unang pumasok naman si Butler Erick sa drivers seat. Nagdadalawang isip pa akong sumakay ngunit subrang sama ng tingin ni Jeush kaya pumasok nalang ako. Umusog pa ako sa pinakagilid upang 'di magdikit ang balat namin. " To the office, Erick. " Utos pa nito kay butler Erick. Nagtataka man ay tumango nalang ito bago pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang ako at walang balak na kausapin siya. I have nothing to explain.
Wala ni isa sa amin ang balak na bumasag sa katahimikan habang nasa biyahe. Nabulabog lamang iyon nang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may tumatawag.
Tiningnan ko muna ang caller and I saw that it's Keith. Sasagutin ko na sana iyon nang agawin ni Jeush sa'kin ang cellphone at itinapon sa labas ng bintana. Nagulat naman ako sa ginawa nito. Pinakainiingatan ko ang cellphone na iyon simula nang tumuntong ako ng college. I bought that as reminder to myself na hindi ako magpapalit ng cellphone hangga't hindi ko pa natatapos ang panghuling bagay na nasa bucket list.
" P-pakihinto po ng sasakyan. " Utos ko pa kay butler Erick. Takang tumingin naman ito sa'kin sa rearview mirror.
" Just focus on driving, Erick. " Saway pa ni Jeush dito.
Dahil sa inis ko ay 'di ko naman napigilang paghahampasin si Jeush. Tudo pagpigil naman ito sa'kin habang patuloy parin sa pagmamaneho si Butler Erick. 'Di ko naman mapigilang 'di maluha.
" Stop it, Lael!" Saway pa nito habang pinipigilan ang dalawa kong braso. Nasugatan pa ng kaunti ang leeg nito sa kuko ko ngunit hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Masiyadong nakakaabos ng pasensiya ang lalaking 'to.
" A-ano masaya kana ba, Jeush ha? Sabihin mo lang sa'kin kung gaano mo na ako kaayaw makita hindi y-yong susulpot ka nalang bigla. I just want you to treat me well, Jeush. Iyon lang naman ang kailangan ko. Not like these. " I tearfully said. Bigla namang lumambot ang ekspresyon nito at aktong hahawakan ako nang tabigin ko ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...