Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa labas. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at humihikab na bumaba sa kama. Agad naman na nanlaki ang mata ko nang makitang nasa kwarto na ako.
" Paanong nakarating ako dito?" Takang tanong ko pa. Sa pagkakaalala ko ay nasa opisina ako.
" Seriously? I better find Rhinaya. "
Napatingin ako sa may pinto nang marinig ang boses na iyon. I know it's Jeush voice.
Lumapit ako sa pinto at idinikit doon ang tainga ko upang pakinggan ito. Siguro may kausap ito sa labas.
" I was stock in this f*cking marriage!" Matigas na wika pa nito ngunit wala akong narinig na ibang boses kung sakaling may kasama siya sa labas. "Of course, I will do everything just to let her sign the annulment before Rhinaya's return. I was planning to propose on Rhinaya and tie with her, not with this crazy woman. " Dagdag pa nito na nagpatigil sa'kin. Siguro ay nasa telepono ang kausap nito. Talagang desperado siyang papermahan sa akin ang annulment. It made me ask myself kung ganun ba niya ako kaayaw makasama? " What the hell are you talking about? That wouldn't happen. Asawa ko lang siya sa papel and I can do everything to take her out of my life. "
He's words strikes me into pieces. Para itong karayom na tumusok sa dibdib ko. 'Yong expectation ko dati sa kanya ay biglang naglaho. But I choose this life and I should bare it hanggang sa magtagumpay akong mabago siya. Kahit 'di niya ako magawang mahalin, ang magawa ko siyang hihulma sa totoong siya.
" Yeah. I know that Rhinaya will return on JLines anniversary. That would be three months from now. " Wika pa nito. Kasunod niyon ay wala na akong narinig na boses nito mula sa labas.
Nanatili muna ako sa loob ng kwarto ng ilang minuto bago nagpasyang lumabas. Dahan-dahan ko pang binuksan at pinto at sumilip doon. Nang masiguro kong walang tao ay saka lang ako tuluyang lumabas.
" Sino kaya ang nagdala sa'kin pauwi? " Bulong na tanong ko pa sa'king sarili. Napahinto naman ako sa tapat ng kwarto ni Jeush nang makitang nakaawang ito ng kaunti. Tiningnan ko muna ang wrists watch ko at agad na nanlaki ang mga mata nang makitang alas diyes na ng gabi. " Natutulog na kaya siya?" Bulong ko pa.
Dahan-dahan lang ang paghakbang ko papalapit sa pinto upang silipin ito. Maingat ko iyong itinulak upang hindi makalikha ng ingay. Nang saktong kakasya na ang ulo ko ay saka ko lang iginala ang paningin ko sa buong kwarto. As usual, madilim parin ito.
" Binubusuhan mo ba ako?"
" Ay! Anak ng pitong ipis! " I blurted out. Muntik pa akong atakihin sa gulat nang biglang may magsalita sa gilid ko. Pilit naman akong ngumiti nang makita si Jeush na nakasandal sa pader habang nakapasok ang dalawang kamay nito sa suot niyang shorts. " I-ikaw pala. M-may n-nakita kasi akong ipis na p-pumasok kaya s-sinilip ko k-kasi akala ko nasa l-loob ka at b-baka dumapo s-sayo. " Palusot ko pa at agad na napalunok.
" Really? At this hour may ipis pa? " Seryosong tanong pa nito. Napalunok naman ako ng laway at pilit na ngumiti ng malaki sa kanya. Hindi agad ako nakahuma ng sagot. Bakit kasi ipis pa ang sinabi ko.
" B-bakit? M-may ipis p-parin naman sa g-gabi ah? N-naghahanapbuhay rin sila 'tulad natin no!" Pangangatwiran ko pa. Napasinghap naman ito bago umayos ng tayo.
" Kumain kana and please stop skipping your meal. Umiinom kapa kahit walang laman ang tiyan mo!" Wika pa nito at agad na pumasok sa kanyang kwarto. Napangiti naman ako sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...