CHAPTER 14

132 6 0
                                    

Tudo pigil sa'kin si Jeush hanggang sa underwear nalang ang itinira ko. Napapalunok pa ito at halatang nagpipigil sa sarili. Pilit ko pang hinahalikan ito at idiniin ang sarili sa kanya kahit na tudo pagpigil ito sa'kin.


" F*ck! S-stop it, Lael." Hindi ko ito pinakinggan at panay at halik sa kanyang labi.

" And what's the point of stopping me, Jeush? Sabihin mo na sa harap ko lahat. Tell me that you want me to vanished from you eyes in an instant!" Lumuluhang wika ko pa. Bigla naman ako nitong kinabig at niyakap. I was stunned.


" L-Lael." He huskily whispered habang yakap ako. Pilit ko naman siyang tinulak palayo sa'kin.


" R-Reah, Kingster! Ano bang kaguluhan ito?" Agad ko namang naitulak si Jeush nang marinig ang boses ni Manang Lelia. Nagpatigil naman ako at nag-iwas ng tingin kay Manag Lelia at Jeush. Biglang nawala ang kalasingan ko bigla akong pinagpawisan sa subrang init. Walang nagsalita ni isa sa amin ni Jeush. " Iha, ba't ganyan ang suot mo? Nag-aaway ba kayo ha?" Sunod-sunod na tanong pa nito at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.



Pinunasan ko ang mga luha ko bago pinulot ang damit at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Sinigurado ko pang naka-lock ito bago isinubsob ang sarili sa kama.



" Napaka-tigas mo, Jeush! I hate you! " Sigaw ko pa kahit alam kong hindi nito maririnig mula sa labas dahil soundproof ito. I just cried all night hanggang sa 'di ko namalayang nakatulog na ako sa kakaiyak.


KINABUKASAN ay maaga parin akong bumangon kahit na may hangover pa at kulang sa tulog. Kailangan ko paring pumasok sa trabaho.

" Good morning, iha. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong pa ni Manang Lelia nang maabutan ako sa kusina na nagluluto.


" A-ayos na po, Manang. " Pagsisinungaling ko pa at 'di tumingin dito baka makita nito ang namamaga kong mga mata.

" Alam mo, iha. Hindi ako makikialam kung ano man ang pinag-aawayan niyo ni Jeush. Mag-asawa na kayo at ano mang problema 'yan, huwag niyong palipasan ng araw ng hindi nakakapag-usap ng maayos. " Panimula pa ni Manang. Nakinig lang ako sa sinabi nito. " Reah anak, kilala ko kayong dalawa ni Jeush at kabisado ko ang mga galaw niyo. Mag-usap kayo ng masinsinan upang maayos niyo ang dapat ayusin. " Dagdag pa nito. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nito.


" Manang, ano po ang tingin niyo sa'kin?" Biglang tanong ko pa dito ngunit hindi parin humarap kay Manang Lelia. Nang maluto na ang niluluto ko ay agad ko rin itong isinalin sa lalagyan.


" Siyempre, mabait at masayahing bata. Ba't mo naman naitanong 'yan, iha?" Wika pa nito. Inilapag ko muna sa mesa ang mga niluto ko.


" Wala po, Manang. " Tugon ko pa bago nagpasyang magtimpla ng kape. Abala naman si Manang sa pagpupunas ng mga pinggan.


" Kamusta na nga pala ang kaibigan mong si Marie, iha? Matagal-tagal narin akong walang balita don. " Tanong pa ni Manang. Naupo naman ako sa high stall paharap sa kanya habang hawak ang tasa ng kape.



" Ayos naman po, Manang. Sikat na model na ngayon at loka-loka parin. " Sagot ko naman na ikinatawa nito. Kilala kasi ito ni Manang dahil madalas kaming bumibisita sa mansiyon ng mga Sinatra noon. Subrang chubby pa ni Marie noong huling punta namin doon. Ngayon naman ang pisngi nalang ang chubby dahil tudo diet para sa kanyang trabaho.


" Good morning, Manang. " Natahimik naman ako nang marinig ang boses nito. Tulo-tuloy lang ito sa pagpasok sa kusina sabay kuha ng tubig sa ref.


" Magandang umaga, iho. Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita. "


" Ako na po, Manang. " Presenta ko pa at agad na tumayo at tumungo sa coffee maker machine. " Maupo kana at kumain. May meeting ka ngayong 8 A.M sa 2J restaurant. " Wika ko pa at hindi nagtangkang tapunan ito ng tingin. Ang 2J restaurant ay ang five star resto na pagmamay-ari ko. Malapit lang naman iyon sa JLines.


Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon