Napahawak ako sa dibdib at pinakiramdam ang malakas nitong pagtibok. Halos himatayin yata ako kanina at 'di ko magawang huminga.
Napatitig ako sa aking kaliwang kamay. Hanggang ngayong ay tila nararamdaman ko parin ang matigas na bagay na nahawakan ko kanina. Hindi ko alam kung ano iyon pero bakit ang laki naman yata?
" Ano 'yon? Baril? Bakit naman ganun kalaki?" Takang tanong ko pa sa sarili.
Nang mahimasmasan ay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama ko. Naupo ako sa gilid nito habang tulalang nakatingin parin sa kamay ko.
" Nababaliw ka na, Lael. Talagang ngumingiti ka pa ha!" Panenermon ko pa sa aking sarili.
Matapos kung nakapaglinis ng sarili ay nagpasya na akong matulog ngunit kahit anong gawin kong pagpikit sa mga mata ko ay tila hindi ako makatulog. Pabaling-baling pa ako sa kaliwa at kanan o 'di kaya ay natatalukbong ng kumot ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok.
" Kasalanan mo talaga 'to kapag may eyebags ako bukas, Jeush! Ipapakain talaga kita sa ipis!" Parang baliw na sigaw ko pa sa loob ng kwarto kahit alam kong hindi nito maririnig sa kabilang kwarto.
ALAS sais palang ng umaga ay nagpasya na akong bumangon upang makapagluto ng almusal. Unang araw 'to ng pagiging asawa ko at ang misyon kung mapalapit kay Jeush. Kaya kahit nagmumukha pa akong zombie sa laki ng eyebags ay hindi ko ito pinansin.
Nakasuot parin ako ng pantulog habang humihikab na pumasok sa kusina.
" Good morning, Manang." Inaantok na pagbati ko pa nang maabutan itong nagluluto. Kumuha agad ako ng tubig sa ref bago nakiusyuso sa mga niluluto niya.
" Magandang umaga din, iha. Mukhang napagod ka. " Mapanuksong wika pa nito dahilan upang mabilaukan ako sa tubig na iniinom ko. " Dahan-dahan lang kasi, iha. Ayos ka na ba?"
" M-manang, naman. Iba po yata ang iniisip niyo. " Saway ko pa dito ngunit tinawanan lang ako nito. " Nga po pala, gising na po ba ang kumag, este si Jeush?" Tanong ko pa rito bago nagsuot ng apron.
" Tulog pa yata, iha. Ikaw palang kasi ang nakita kong bumaba. " Sagot pa nito kaya napatango nalang ako.
" Ako na po ang magluluto, Manang. "
" Nako! Ako nalang iha at baka mapano kapa. Alam mo naman ang kondisyon mo. " Pagtanggi pa nito kaya napabusangot ako sabay na nagpaawa effect kay Manang.
" Sige na po, Manang. Gusto ko pong ipagluto ang asawa ko. Tsaka alam niyo naman po na magaling ako dito. Cary ko na po ito. " I insisted. Nagdadalawang isip pa ito ngunit kalaunan ay pumayag din sa kakulitan ko. " Love you, Manang! Kaya ko na po ito. " Pahabol ko pa nang magpaalam na itong aasikasuhin na muna ang ibang gawain. Siya lang din kasi ang nag-iisang kasambahay na pinadala ni tita dito dahil ayaw ni Jeush na may maraming tao sa bahay.
Inabot ako ng ilang minuto sa pagluluto sa kusina. Mabuti nalang ako hindi pa bumababa si Jeush kaya nagawa ko pang ihanda ang mesa at namitas pa ako ng bulaklak sa garden upang ilagay sa base at idinesenyo sa gitna ng mesa. Nakasanayan ko na itong Gawin sa tuwing umaga simula pa noong kabataan ko.
Nang makita kong maayos na ito ay napangiti ako bago nagpasyang umakyat sa taas upang gisingin si Jeush.
Nang makarating sa harap ng kwarto nito ay nagdadalawang isip pa akong kumatok. Baka mamaya sasalubungin na naman ako ng apoy dahil sa ginawa ko kagabi. Nakakahiya.
" Kakatukin ko na ba? Gising na kaya siya? Baka mamaya sasabog 'yon kapag naisturbo ko." Parang tangang wika ko pa sa'king sarili at paulit-ulit na aaktong kakatok ngunit agad ko rin ibinababa ang aking kamay. " Silipin ko nalang kaya? Tama! " Nakangising wika ko pa bago dahan-dahang pinihit ang door knob.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...