Hindi na bumalik si Jeush sa opisina matapos sundan si Rhinaya kaya inabala ko ang sarili ko sa trabaho. I admit that it made me feel like I was just nothing for him at lahat ng mga ipinapakita niya sa'kin ay parte lang din ng pagpapanggap niya. Minsan nabibigyan ko pa ng maling kahulugan ang mga kilos niya kahit ang totoo ay malabong magkakagusto siya sa'kin. Kahit masaktan, sapat na siguro ang tatlong buwan na ibinigay niya sa'kin. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang kanyang kalayaan. Kontento na ako basta't magiging maaya lang siya.
Sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko siya, wala akong pinagsisihan. Susulitin ko nalang siguro ang natitirang dalawang araw ko dito. Huwebes na bukas at sa Friday na gaganapin ang anniversary ng JLines Corp.
Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Sa katunayan ay huling araw ko nalang siyang makakasama bukas. Siguro ay yayayain ko nalang siya ng half or whole day date. Wala naman akong maisip na maaaring kong gawin. At least man lang, sa huling sandaling ay maransan kong makasama siya ng walang katanungan sa sarili ko.
"May plano ka yatang palitan ang asawa mo."
Napaangat ako ng tingin ng marinig iyon at agad na napangiti nang makita si Marie. She's wearing a simple yet elegant plain red dress na above the knee.
"Pangit kong bestfriend! Ba't 'di mo sinabing pupunta ka dito?" Salubong ko pa sa kanya sabay tayo at dinambahan siya ng yakap.
"Tse! Sa gandang kong 'to. Kung 'di kalang buntis baka nasapak nakita ha." Pagsusungit pa nito ngunit tumugon pa rin sa yakap ko. "I miss you so much. Kaka-miss wala akong maasar kaya sinadya kita dito para na rin maki-chika sa buhay mo." Aniya at kumalas ng yakap.
"Hinaan mo 'yang boses mo at baka may makarinig sa'yo." Saway ko sa kanya at inaya siya maupo sa malapit na couch. May couch kasi dito malapit sa table ko. Dito kadalasang nauupo ang mga may appointment kay Jeush na madalian lang.
"Malapit na mag-six, Besh. Ikaw na nga lang yata ang narito. May plano ka bang mag-over time o e-take over ang kompanya." Aniya napatingin ako sa pambisig na relo. Kanina ko lang din naisipang mag-suot nito. Bigla ko kasing nagustuhan ang kulay nang makita ko ito kanina sa mga gamit ko nong nagbihis ako. It's a limited edition Christophe Claret Margot watch na sinadya kong bilhin bago umuwi ng Pilipinas. Parang naging habit ko na rin kasing mamitas ng bulaklak habang inaantay ko noon ang paglubog araw. I found this watch in a a luxury store kaya naging reward ko na rin ito sa sarili ko after I decided to start running my own restaurant. Isa itong kakaibang in-house movement na relo na maaari kang makakapaglaro ng nakagawian nating childhood game na "He loves, he loves me not", kung saan ang mga talulot ng bulaklak ay isa-isa na naghihiwalay para makita kung gusto ka ng taong gusto mo. pabalik. Pipindutin mo lang ang pusher sa alas-dos at isang talulot, o isang pares ng mga petals, ay umuurong sa ilalim ng dial. Ang sagot sa tanong ay lilitaw sa dalawang bukana sa ibaba ng dial kapag ang lahat ng mga talulot ay nahulog. Upang maglaro muli pindutin ang pusher sa alas-kwatro at ang bulaklak ay muling nabubuhay.
Napatampal ako sa noo nang makita ang oras.
"'Di ko namalayan. Teka, aayusin ko lang ang mga gamit at sabay na tayong lumabas." Wika ko pa at mabilis na tumungo sa mesa ko at inayos ang mga files. Nakabuntot naman sa akin si Marie.
"May utang kang kwento sa'kin ha. Kailangan mong e-share sa'kin. Alam mo naman 'di ako mapakali hanggat 'di ko nalalamang maayos na ang sitwasyon mo. Tsaka, besh. Anniversary na ng JLines sa makalawa. Ibig sabihin niyan ay matatapos na rin ang kasal niyo ni Kingster?" Mahabang litanya niya. Natigilan naman ako sa huling sinabi niya. Parang pinagpapana ang puso ko. Kanina ko pa naman iniisip ang bagay na iyon ngunit mas lalo pa palang masakit kapag muling may nagpapaalala.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...