CHAPTER 38

140 2 0
                                    


"Hmm. It taste good. Paborito mo ito apo kaya kailangan na marami ang kakainin mo." Ani Nana matapos tikman ang niluto kong kalderita. Napangiti naman ako.


"Si Rhea ang nagluto niyan. Napabilib nga ako at nagawa niyang makuha ang tamang lasa na 'di tinitikman." Pagsingit naman ni Nanang habang naglalagay ito ng tubig sa baso nina Dada at Nana.


Gulat ang reaksiyon na napatingin sina Nana at Dada sa'kin. Si Jeush naman ay nangingiting sunod-sunod na sumubo. Paborito nga talaga nito ang Kalderita. My heart filled with contentment nang makita nagustuhan nito ang niluto ko kahit wala pa itong sinasabi na kahit ano.


"Why are you still not eating, Mabby? Is something wrong?" Tanong pa ni Jeush sa akin nang mapansing 'di ko pa ginagalaw ang pagkain ko. Pilit akong ngumiti dahil nahihiya akong sabihin ang totoo.


"Masama pa rin baa ng pakiramdam mo, iha?" Tanong pa ni Nana na ikinailing ko. Taka naman silang napatingin sa'kin habang nag-aantay ng dahilan ko.


"Ah hindi po. A-ano po kasi..." Hindi ko magawang sabihin ng diretso kaya napayuko na lamang ako at nakagat ang ibabang labi.


"Are you allergic with meat?" Tanong naman ni Jeush na mahinang ikinatango ko. Saglit itong natahimik na tila may iniisip. Noon paman ay alam niya na iyon pero tila hindi naman niya naaalalang allergic ako sa karne. "Why did you cook this if you are allergic?" Sunod na tanong pa nito.


Natikom ko ang aking bibig. Binalot ng katahimikan ang hapagkainan.


"G-gusto kasi k-kitang ipagluto as a thank you for taking care of me." Nakagat ko pa ang labi ko matapos sabihin iyon.


Para akong tinusok ng karayom nang ibaba nito ang kubyertos. Hindi ba nito nagustuhan ang niluto ko o gumagawa lang ako ng sariling konklusyon sa isip. I put all my effort sa pagluto kahit bawal sa akin ang karne.


Tahimik lang sina Nana at Dada at 'di nag-abalang makisali sa amin. Nakikinig lang ang mga ito ngunit alam kong handa pa rin silang mangaral sa amin. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanila.


"I-ipagluluto nalang kita ng iba kung 'di mo nagustuhan." Wika ko pa at aktong tatayo ng mabilis niya akong pinigilan sa braso.


"Hindi mo kailangan magluto ng pagkain na bawal sayo, Lael. I can eat everything that you can huwag ka lang mapahamak." Aniya at muli akong pinaupo. My heart beat faster nang marinig ang mga katagang iyon. I'm in cloud nine. He really knows how to draw a smile on my face. Masiyado mo akong pinapakilig Jeush. Mahihirapan ako nitong iwan ka. "I'll bring you another plate. Just sit here." Muling wika pa ni sabay tayo.


I bit my lower lips upang pigilan ang kilig na nararamdaman ko ngayon.


Matapos naming kumain at matapos kong makapaghanda ay tumungo na ako sa labas dahil doon na naghihintay si Jeush. Sabi niya kanina ay ipapasyal niya ako sa buong hacienda kaya nagsuod lang ako ng Jeans, plain white shirt at pinarisan ko iyon ng bota dahil iyon ang utos ni Jeush.


Nang makalabas ako ay agad akong napalunok ng laway ng makita ang kabayo habang hinihimas-himas ni Jeush ang mukha nito. 'Di pa ako nakasakay ng kabayo kaya ganun nalang ang pagbundol ng kaba at takot sa dibdib ko.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon