CHAPTER 42

120 2 0
                                    

Natapos ang dalawang linggong pananatili namin sa hacienda at balik na naman kami sa dati. Bahay at trabaho pero sa loob ng dalawang linggo na magkasama kami ay mas lalo lang akong nahulog sa kanya. He became so sweet and caring to me. Kahit na naguguluhan ako sa mga ipinapakita niya nagawa kong magsaya at mas makilala pa siya.


Subrang bilis ng takbo ng araw at kalahating buwan na. I still have two and a half months left.


"Ma'am Reah, pinapatawag ka po ni sir sa opisina niya." Napaangat ako ng tingin nang marinig iyon. It's butler Eric habang suot ang kanyang formal wear. Nginitian ko ito at tumango.


"Bakit raw?" Tanong ko pa sa kanya.


Kanina pa kasing umaga matapos kong pagtimplahan ng kape si Jeus ay pinalabas niya ako agad at hindi na muling tinawag ni inabala ako katulad ng dati. May ipinahatid siyang mga papers kanina sa marketing department pero iba ang inutusan niya.


Napatingin ako sa relo ko sa bisig at nanlaki ang mga mata nang makitang alas dos na pala ng hapon at hindi pa ito lumalabas sa kanyang opisina para kumain. Maging ako ay nawala iyon sa isipan ko dahil ginagawa ko ang mga powerpoint para sa darating niyang business summit sa Japan. Kakailanganin niya iyon dahil sa susunod na sabado na ang alis namin wich happened to be two days from now.


"Hindi ko po alam, ma'am eh." Sagot pa nito at napakamot sa kanyang batok. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Agad din naman itong nagpaalam na aalis dahil may inutos din sa kanya si Jeush.


Nakakapagtaka. Dati naman ay halos 'di ako makaupo dito sa upuan ko dahil maya't-maya niya akong tinatawag at inuutusan. Maging sa pagbubuhat ng mga karton ay minsan niya nang pinagawa sa akin na akala niya ay 'di ako nahihirapan sa bigat non. Buti nalang talaga at dumating si Keith non at tinulungan akong buhatin ang mga iyon dati na ipinadala pa niya sa storage room.


Sumulyap ako sa salamin sa gilid ng mesa ko at inayos ang sarili bago lumingon sa opisina niya ngunit naka-dim mode ang glass wall doon kaya 'di ko siya makikita kung anong ginagawa niya sa loob.


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago naglakad papunta sa opisina niya at kumatok doon. Hindi siya sumagot kaya pumasok na ako.


Naabutan ko siyang tutok na tutok sa papeles niya habang suot ang kanyang eyeglass. Napalunok ako. He looks more hot. Magulo ang buhok niya na mas lalo lang nagpapalakas ng apil niya habang nakabukas pa ang tatlong butones ng pulo niya. He's wearing a plain white polo kaya napataas ang kilay ko. May suot siyang coat at necktie kanina pagpasok namin.


"Ba't mo hinubad ang necktie at coat mo?" Takang tanong ko sa kanya na nagpaangat ng tingin niya. He looked at me for a moment before he removed this glasses at hinilot ang tungki ng kanyang ilong. He looks so stress and tired.


"Naiinitan ako." Aniya and clicked his head.


"Ba't ngayon mo lang ako ipinatawag? Nagugutom ka na ba? P-pasensiya na, nakalimutan ko kasing pasado alas dos na pala. Hindi ka tuloy nakakain." Wika ko pa at naglakad papalapit sa may couch upang maupo doon.


Hindi paman ako tuluyang nakaupo ito ay nagsallta siya.


Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon