" Buti naman at naisipan mo pang bumalik, Jeush. " Pag-uumpisa pa ni Chairman nang makabalik kami sa hapag. Hindi naman ito pinansin ni Jeush at pinaghila ako ng upuan. I thank him at acted like nothing happened. Naupo naman ito sa tabi ko.
" Dad, let's make them uncomfortable. Nasa harap tayo ng pagkain. " Saway pa ni Tito Khev.
" By the way, how's your business, Kingster? We've heard that JLines anniversary is fast approaching. What's your plan for that?" Pag-iiba naman ni Daddy sa usapan. Nakinig lang ako sa kanila at 'di na nag-abala pang makisali.
" I was planning to launch new features of JLines by next month, Tito." Sagot naman ni Jeush. Napatango naman si Daddy dito habang napatikhim si Chairman.
" Do you think that's necessary, Jeush? How can your business possibly improve and sustainable for the next ten years? " Nakataas kilay na tanong pa nito. He's really strict and direct to point. Iisipin ko na talagang against ito sa mga ginagawa ni Jeush. He should be proud. Isa mga batang bilyonaryo at tinitingala ng lahat ang apo niya but seems like Jeush achievements is not enough for him.
Napatingin ako kay Jeush nang hindi agad ito sumagot. Hindi ko man nababasa ang ekspresyon nito, I know that he's hurting from within. Napansin ko namang napakuyom ito ng kamao kaya hinawakan ko iyon at ngumiti ng tipid sa kanya.
Mas proud pa si Chairman sa pinsan nito na si Jolan. Isa rin sa mga kilalang bilyonaryo at nagmamay-ari ng software company. He's Jeush business rival. Noon paman, palagi na silang laman ng media na magkatunggali sa negosyo. Nanganganib ang business rank ng JLines dahil dito. Hindi ko man nakilala sa personal mismo si Jolan but I heard a lot of news about him. Dakilang babaero rin at kahit sino-sinong babae ang kasama. Iiyak yata ang isang linggo na hindi iyon lumalabas sa balita at iba't-ibang issues ang pinapasok.
" I believe that's the best I can give for my company's anniversary. I don't need to compete with your perfect grandson just to please you, Chairman. " Imbes na sagot pa ni Jeush at tumingin sa'kin. Palihim naman akong napangiti dito. He got my line earlier.
" Sounds good but not for me. " Komento naman ni Chairman.
" I'm sorry to interrupt, sir pero hindi niyo na po kailangan na ikumpara ang uwak sa kalapati. Jeush is giving all his best just to make you proud of him, pero kung ikukumpara mo lang din naman po siya sa pinsan niya, kalimutan niyo nalang din po na apo niyo rin siya at mag-fucos nalang po kayo sa isa. " Makahulogang wika ko pa na nagpatahimik sa lahat. Hindi naman nakapagsalita si Chairman sa sinabi ko. Maging si Jeush ay 'di makapaniwalang sinabi ko iyon. I can't just seat here. Hindi ako ganoong tao. Kapag alam kong nasa tama ang papanigan ko, I'll not hesitate to make a move.
" O-okay, this is enough, Dad. We're here to visit them okay? " Pag-iiba pa ni Tita.
" Yeah, we're here to celebrate the newly wed." Nakangiting segunda naman ni Tito Khev. "Manang Lelia, please bring us some wines, please! " Pagtawag pa ni Tito kay Manang Lelia.
Maya-maya pa ay agad din na bumalik si Manang Lelia na may dala ng dalawang bote ng champagne. Kumuha naman ito ng Lehmann glass sa kabilang mesa at naglagay isa-isa sa harap namin.
" Cheers for the newly wed!" Tita Jenna cheerfully said and raised her glass. Itinaas naman namin ang aming mga baso maliban kay Chairman dahil bawal iyon sa kalusugan niya. I've heard from my parents last month na inatake ito kaya napilitin itong mag-retire sa kompanya at ipinasa kay Tito Khev ang responsibilidad.
" Y-you can continue, I have to go. " Wika pa ni Chairman at nakipagbeso naman sina tita at maging ang mga magulang ko maliban sa amin ni Jeush. Hindi rin makatingin si Chairman sa'kin ng diretso dahil siguro sa sinabi ko kanina. " Rodel, let's go. " Baling pa nito sa lalaking nurse. Lumapit naman ang nurse sa gawi nito at maingat na itinulak ang wheelchair nito palabas.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...