CHAPTER 53

128 6 3
                                    

Nagising ako sa mahinang paghaplos sa aking buhok. Ang sarap ng tulog ko at ang bango pa ng unan. Mas lalo ko pang isiniksik ang aking ulo upang maamoy ang unan. Ang sarap ng panaginip ko at ang sarap sa tainga ng mahinang pagtawa ng kung sino at yumakap pa ito pabalik sa'kin. Naramdaman ko rin ang pagdampi ng malamig na bagay sa noo ko...no, it's a kiss.


Mabilis akong nagmulat ng mata at ang gwapong mukha ng asawa ko ang agad na bumugad sa akin. Nakangiti ito habang nakaunan ako sa braso.


"Good morning. How's sleep? Did I disturb your dream?" Malumanay na aniya. Napalunok ako kasabay ng pagsilay ng matatamis na ngiti sa kanyang labi. Ang lapit ng mukha namin isa't-isa at nanunuot sa ilong ko ang natural niyang amoy.


"G-good morning." Utal na pagbati ko sa kanya.


Gosh! Bigla akong napipi. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Ang sarap pagmasdan ng mukha niya ng ganito kalapit. Maging ang pagtaas-baba ng kanyang adams apple ay napaka-sexy tignan.


Napaangat ang mata ko sa buhok niya na medyo basa pa. Dumistansiya ako ng kaunti sa kanya at nanlaki ang mata nang makitang naka-formal suit na siya. He's wearing a black suit na pinalooban niya ng puting polo.


"T-teka, papasok ka sa trabaho?" Takang tanong ko sa kanyang sabay dampi ng palad ko sa kanyang leeg at noo upang masigurong wala na itong lagnat.


Ngumiti siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko.


"I got an expert healer. She has the medicine that I couldn't buy anywhere." Nakangiting aniya. 'Di ko naman naitago ang kilig ko nang bigkasin niya iyon kaya malapad akong napangiti. "I'll wait you downstairs, please fix yourself. Sabay na tayong pumasok." Aniya at tumayo na. Tumango naman ako at nag-unat-unat bago nagpasya rin na tumayo.


"S-sigurado k aba talagang maayos na ang pakiramdam mo? Pwede namang 'di ka muna papasok ngayon. I can do your work." Paninigurado ko pa. Lumapit ako sa kanya at inayos ang neckties niya na nagulo.


"I'm perfectly fine now, Mabby. I can even perform well in a bed right now." Aniya at nakakalokong ngumiti. Bigla naman akong pinamulahan kaya mahina ko siyang hinampas sa dibdib.


Kung alam mo lang, Jeush na may nabuo ka na.


"A-ang aga-aga ang dumi ng nasa isip mo." Saway ko sa kanya at sinamaan ng tingin. Natawa naman siya sa reaksiyon sabay pulupot ng kanyang mga braso sa baywang ko. Bahagya pa siyang yumuko upang mapantayan ako.


"Pwede namang hindi tayo papasok ngayon. We can do what you're thinking right now."Pilyong aniya na mas lalong nagpa-init ng pisngi ko.


"T-tumigil ka nga." Utal na saway ko sa kanya at mahina siyang itinulak. "Magliligo na ako." Dagdag ko pa at agad na tumakbo papunta sa kwarto ko. Pagkarating sa loob ng banyo at napasandal ako sa likod ng pinto at napahawak sa magkabila kong pisngi. Maging ang puso ko ay 'di magkamayaw sa pagtibok. Ganito ito palagi sa tuwing malapit ako sa kanya.


Maya-maya ay napahawak ako sa tiyan ko sabay na ngunit.


Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon