" Ay! Tipaklong na walang pakpak! Diyos ko iha, ginugulat mo naman ako. " Gulat na bulalas pa ni Manang Lelia nang muntik ko na siyang hampasin ng baseball bat. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib habang ang kaniyang kanang kamay ay may hawak na kutsilyo.
" Manang, naman eh. Akala ko pa naman may multo dito. Muntik na akong atakihin. " Wika ko pa sabay ibanaba ang baseball bat.
Si Manang Lelia ay ang kasambahay ng pamilya ni Jeush. Noon paman ay close na kami simula pa kabataan ko hanggang sa paglaki. Saksi si Manang Lelia sa lahat tungkol sa'kin. Naging nanay-nanayan ko pa ito noon sa tuwing nasa ibang bansa ang mga magulang ko.
" Nako naman, iha. Kaya nga mabilis akong nagtago dito dahil akala ko may nakapasok na magnanakaw." Aniya bago naglakad papunta sa kusina. Sinundan ko naman ito. " Nga pala, iha. Magkasama kayo ng asawa mo? Kamusta naman ang pagsasama niyo dito kanina?" Sunod-sunod na tanong pa nito.
Kumuha muna ako ng tubig sa ref bago naupo sa high stall paharap sa kanya. I heave a deep sigh before answering her questions.
" 'Yon na nga po, Manang eh. Daig pa ang babaeng may dalaw tapos takot naman sa ipis. Kalalaking tao. " Nakabusangot na pagsusumbong ko pa. Bahagya naman itong natawa.
" Ganiyan talaga 'yan si Kingster. Hayaan mo na. Magiging close din kayo. Kailangan mo lang ng tiyaga at pag-intindi sa batang 'yon. " Wika pa nito sabay lapag ng mga pagkain sa mesa. Bigla naman akong natakam pero gusto kong kumain na kasabay si Jeush.
" Manang, nabanggit po kasi ni Jeush kanina na may girlfriend na po siya. Kilala niyo po ba kung sino?" I curiously asked na nagpatigil kay Manang Lelia. Saglit itong huminto sa ginagawa at humarap sa'kin.
" Alam mo, iha. Mas mabuti siguro na sa kanya mo malalaman ang tungkol don. Masiyado pa kasing presko ang tungkol sa kanila. " Makahulogang wika pa nito.
" What do you mean po? Sige na po, Manang. Promise 'di ko naman sasabihin sa kaniya na tinanong kita. " I insisted.
" Oh siya sige. Ang hirap mo talagang tanggihan bata ka. Kumain ka muna. " Sagot pa nito nga ikinangiti ko.
" Mamaya na po ako kakain pagdating ni Jeush, Manang. Maari niyo na po bang sabihin sa'kin ngayon?" Excited na tanong ko pa. Tumango naman ito bago naupo sa kaharap kong silya.
" Si Rhinaya. Isang sikat na model at fashion designer. 'Yon lang ang alam ko tungkol sa babaeng 'yon, iha. Palaging dinadala ni Jeush iyon sa mansion nila noon pero hindi nagustuhan ng mga magulang niya iyon dahil sa gaspang ng ugali. Pero 'wag kang mag-alala. Mas maganda kapa don kahit walang make up. " Mahabang wika pa ni Manang Lelia. Bahagya naman akong natawa sa huling sinabi niya. Familiar sa akin ang pangalan nito pero 'di ko na matandaan. Siguro nga ay nabasa ko na ito sa mga magazines. Baka naman 'yong babaeng kasama niya kanina ay iyon si Rhinaya.
Bigla naman akong nakaramdam ng panliliit sa sarili. Kung iyon nga si Rhinaya, wala akong laban don. Wala ako sa kalingkingan non. Pati yata alikabok hindi kakapit don. Parang higad nga lang kung makakapit sa asawa ko.
" Gaano na po sila katagal, Manang? Tsaka, nasaan na po ito ngayon?" I curiously asked again.
" Isang taon itong naging kasintahan ni Kingster pero noong anniversary sana nila ay hindi ito sumipot. Magpo-propose sana siya don sa babae kaso ang balita ko umalis na ito ng bansa. Iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang alaga ko. Hanggang ngayon umaasa parin na babalikan pa siya non. " Sagot pa ni Manang Lelia.
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago muling nagtanong.
" Bakit 'di niya sinundan, Manang? I mean, may pera naman siya. Kaya niyang gawin lahat ng gusto niya. " I asked.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...