Nang makalabas si Jeush ay nagpasya nalang akong magpahinga. Wala rin naman akong ibang paglilibangan kaya mas maigi nang mabawi ko ang lakas ko. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko.
Napangiti ako kapagkuwan nang maimahe ang mukha ni Jeush kanina habang nakangiti. I never seen him like that kaya nakakapanibago para sa'kin ang mga kilos nito. Kung noong niya ipinakita sa akin ang ganoong pag-uugali ay paniguradong hindi kami aabot sa ganito. Mas lalo pa yata akong mahuhulog sa kanya. An evil gentleman kapag sinapian.
Pansin ko ang paiging maalalahanin niya sa'kin sa mga nagdaang araw. Nahihiya akong ungkatin kung ano ng aba ang pakay nito dahil malinaw naman na nakasaad sa kasunduan niya na hindi ko maaaring pakialaman ang buhay niya niya at mas lalong hindi niya maaaring pakialaman ang buhay ko dahil asawa niya lang ako sa papel. A puppet wife in short.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa isiping iyon. I have been asking myself repeatedly kung kailan nga ba niya ako magawang mahalin. Mas lalo pa niyang ginulo ang isip ko sa mga ipinapakita niya sa'kin.
I heave a deep sigh and bit my lower lip to ease the pain.
Sa aking malalim na pag-iisip ay hinila rin ako ng antok.
Alas tres na nang hapon nang magising ako. Walang bakas ni Jeush ang nakita ko sa buong sulok ng kwarta.
Nang makaramdam ng gutom ay nagpasya akong bumaba. Napakatahimik ng buong mansiyon. Maging ang mga kasambahay ay wala akong makita.
Dumiretso ako sa kusina upang maghanap kung ano ang maaaring kainin. Feel at home na'to dahil kanina pa ako nagugutom. Wala ba naman akong agahan pati tanghalian ay pang hapunan ko na.
May nakita akong pagkain na nakahain sa mesa ngunit halatang hindi pa ito nagalaw. Bigla akong natakam nang makita ang nilagang baboy, adobong manok at tsaka ham na medyo nasunog pa.
Kumuha ako ng pinggan at tinikman ito. Medyo maalat ang sabaw ngunit sakto lang ang pagkakaluto nito. Sunod ko namang tinikman ang adobong manok. Sakto ang timpla pero wala akong malasahan na nilagyan ng lamas. Parang alam ko na kung sino ang nagluto nito. Napangiti ako kapagkuwan at nagpatuloy sa pagkain.
Saktong pagkatapos kong kumain ay siyang pagpasok naman ni Nanang na halatang galling pa sa palengke dahil sa dami ng mga dala. Hinihimas-himas ko pa ang tiyan ko sa subrang busog. Napadami yata ang pagkain ko at nangalahati ang ulam.
"Hello po, Nanang. Galing pa ho ba kayo sa palengke?" Nahihiyang tanong ko pa dito. Ngumiti ito sa'kin saka inilapag ang mga dala. Maya-maya pa ay pumasok din si Jeush habang bitbit sa magkabilang braso ang dalawang bayong napuno ng iba't-ibang gulay.
"Hindi, iha. Diyan lang kami sa harden namitas ng mga ito. Pinasama ko na rin ang asawa mo nang 'di mabagot habang inaantay kang magising." Mahabang tugon pa nito. Napangiti naman ako at sinundan ng tingin si Jeush habang inisa-isa nitong inayos ang mga dala.
"How do you feel?" Baling pa nito sa'kin.
"Maayos na ang pakiramdam ko. Efective naman pala ang halik mo kanina." Hirit ko pa rito na ikinatikhim ni Nanang. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Jeush na animo'y proud na proud sa sarili.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...