Dire-Diretso lang ako sa paglabas at agad na sumakay ng elevator. Pinili kong pumunta sa roof top upang makalanghap ng sariwang hangin.
Gusto kong mapag-isa.
I cried silently habang nasa loob ng elevator. Mabuti nalang at walang ibang tao. Napaupo ako sa sahig at niyakap ng mahigpit ang sarili. Masiyado na ba akong tanga sa pag-ibig na kahit na nasasaktan na ako ay pinipilit ko paring makasama si Jeush? Kahit na alam kong hindi niya ako magawang mahalin, sapat na sa akin ang mga mabubuting bagay na ipinapakita niya. Sapat na iyon upang kahit papaano ay iniisip ko parin na may pakialam siya sa'kin kahit na ang totoo ay wala. He's just doing all those things for his own gain.
Nasa ganoong akong sitwasyon at nakaupo parin sa sahig nang bumukas ang elevator. Agad naman akong tumayo at paika-ikang humakbang palabas. Bumugad agad sa akin ang preskong ihip ng hangin. I smiled tearfully and went straight to the railings upang pagmasdan ang buong siyudad. Matirik na ang araw dahil pasado alas utso na ng umaga ngunit hindi pa naman gaano kasakit ang sikat ng araw.
" Three months, Jeush at habang buhay ka nang magiging malaya." I whispered from nowhere sabay pahid ng mga luhang walang tigil sa pagbagsak. Kahit anong pagpunas ang ginagawa ko ay mas lalo lang akong naiiyak habang pinapaalalahan ang sarili sa mga katagang binitawan ni Jeush at maging ang kanyang mga rules na dapat kung sundin. But I guess, I already broked it. Noong una palang ay nilabag ko na lahat ng iyon. His first rule na hindi ako pwedeng umibig sa kanya but I already did noon paman.
" Malakas ka, Lael! Malakas ka kaya 'wag kang iiyak! Kasalanan mong umasa ka sa pangako ng isang bata. " I painfully convince myself. Parang tangang kinakausap ang sarili sa gitna ng pighati.
Walang tigil akong hunagulgol at inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. I am just all alone and no one will see me crying in pain.
Bigla akong napahawak ng mahigpit sa railings nang maramdamang biglang umikot ang paligid at nag-umpisa na namang manikip ang dibdib ko. Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo pa at nasa maleta ko ang mga gamot and I bought nothing here but myself. Ni wala akong cellphone.
" Rhea? What are you doing here?" Kahit nanlalabo ang paningin ay bumaling ako sa direksiyon kung nasaan ang boses. Kinukurap-kurap ko pa ang mga mata ko upang maaninag kung sino ito. "Are you okay?" Dagdag na tanong pa nito sabay lapit sa'kin. Kahit na hindi ko masiyadong nakikita ang mukha nito ay nasisiguro kong kay Keith ang boses na iyon.
" M-my c-chest... " Nahihirapan wika ko pa sabay napahawak sa dibdib ko at dahan-dahang nagpadausdos at naupo sa ground floor.
" Y-you're so pale. May dala kabang gamot mo?" Nag-aalalang boses pa nito habang nakaalalay sa'kin. Umiling naman ako habang naghahabol ng hininga. Napamura pa ito sabay kinapa ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan. I hold his arm to stop him baka sakaling si Jeush ang tatawagan niya.
" P-please, 'wag mong tawagan si Jeush. I don't want him to know. " Nag-aalalang tumango naman ito sa'kin sabay palis ng mga luhang naglandas sa pisngi ko gamit ang kanyang daliri.
" Hindi ko siya tatawagan, Reah. Hindi rin kita pwedeng buhatin palabas 'cause media might see us. I will call for someone's help. Just relax okay?" Paliwanag pa nito. Tumango naman ako habang hinahabol ang hininga. Pilit ko rin idinidilat ang mga mata ko nang maramdamang bumibigat ang mga talukap nito.
Mabilis siyang nagtipa sa kanyang cellphone at itinapat ang cellphone sa kanyang tainga. Nararamdaman ko pang bahagyang nanginginig ang kamay nito na nakaalalay sa'kin and still focus his eyes on me habang inaantay na sagutin ng kabilang linya ang tawag.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...