Chapter 60

12 2 0
                                    

60: Truth

Isang tunog ng machine ang narinig ko ang gumising saaking diwa. Gising na ako pero hindi ko parin mamulat ang mabibigat na talukap ng mga mata ko. Pinakiramdaman ko muna ang aking paligid.

“I will tell everything and explain after she regain her consciousness.” boses ng isang matanda.

“Yes you should but I really think it’s too much for her. She has been through a lot.”

Kahit nakapikit ay nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang marinig ko ang boses niya.

“Code…”dahan-dahan kong iminulat ang aking mata kasabay ng paglinaw ng aking paningin at walang humpay sa pagsasaya ang puso ko ng makita ko ang mukha ng lalaking gumising sa puso ko.

“You survived….” Halos pabulong ko ng sambit habang inaabot ang pisngi ni Code.

Agad niyang kinuha ang  kamay ko at siya na mismo ang naglagay nito sa kanyang pisngi. May pilit silang sinasabi ngunit hindi ko na maintindihan at wala na rin akong marinig dahil na kay Code lamang ang tingin ko. Binabalot siya ng kulay putting liwanag at nakakagaan sa pakiramdam itong tignan. Patuloy ko lang siyang pinagmasdan at pinag aaralan ang mukha niya at wala paring tigil ang pagbuhos ng luha ko.

“She’s not on her full consciousness. She might be hallucinating.”

Wala akong ibang marinig. Tanging sa mga mata lamang ako ni Code nakatingin at hindi maghumayaw ang paghingi ko ng pasasalamat saaking isipan na makitang narito siya sa harapan ko. Buong akala ko ay tuluyan na siyang mawawala saakin.

“We need to calm her down. Excuse me.”

May mga nakikita akong mga nakaputi at may hawak na syringe. Nasa hospital ako at may itinuturok siya sa  dextrose ko. Agad akong naalarma ng makita ang karayom ng syringe. Sinimulan ko ng magpumiglas hanggang sa bumigat na naman ang aking talukap at tuluyang sumara ang mga mata ko.



Napadaing ako sa sakit ng ulo na nararamdaman ko.

“Sugar!”

Napamulat na ako ng marinig ang boses niya.

“Code!” agad sana akong babangon ng makaramdam ako ng hilo. Inalalayan ako ni Code na makaupo.

“Kamusta ka?” marahan niyang tanong.

Pinagmasdan ko muna ang mukha niya at medyo maputla pa ito. Dumako naman ang tingin ko sa kamay niyang nababalot ng bandage. Hinawakan ko ito at hinaplos.

“Nakalabas na ba talaga tayo?” nanginginig kong tanong.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tiningnan ako nang mabuti.

“Oo, Sugar.” Ngumiti siya saakin. “Malaya na tayo at hinding hindi na ako papayag na may mangyari pa muli sayo. Pinapangako kong po-protektahan kita maging buhay ko man ang kapalit. Kaya ‘wag ka nang mag alala. Ligtas kana…tayo.”

Uminit muli ang sulok ng mga mata ko ng bigla niya akong balutin ng yakap.

Bumitaw kami sa yakap at pinunasan ko ang kumawalang luha sa mata ko.

“Anong nangyari? Paano tayo nakaalis?” naguguluhan parin ako dahil ang tanging naaalala ko ay ang pagbagsak naming tatlo. “Si Principal Thomas?” agad kong tanong ng maalala kong siya ang nagpabagsak kay Kyra.

Huminga ng malalim si Code bago nagsalita. “Andito si Principal Thomas kanina nung unang magising ka kaso hindi pa maayos ang malay mo kaya umalis muna siya. Ipapaliwanag niya lahat pero ito muna ang masasabi ko... siya ang nagligtas sa’tin. Muli niya akong niligtas.”

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now