Chapter 35

68 9 5
                                    

35: Spongebob Squad

Maaga akong umalis ng bahay kasama si Code para pumasok sa Brainiac Academy. Tatlong araw na rin ang nakalipas simula no’ng ilibing si Ed.

“Squidward,” tawag niya sa’kin habang naglalakad kami sa hallway. Hindi ko siya pinansin.

“Hoy Squidward?” ulit niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nagkunwaring walang narinig.

“SQUIDWARD----!” agad kong tinakpan ang bibig niya ng sumigaw ito nang napakalakas at nagsilingunan ang mga estudyanteng nadaanan namin.

“Ano?!” halos pabulong kong tanong sakanya.

“Hmmmhhhmmm---” agad kong inalis ang kamay ko ng mapagtanto kong hindi siya makakapagsalita.

“Akala ko hindi mo na ako papansinin e.” ngumuso siya na parang isang bata.

“Ano bang gusto mong sabihin?” inirapan ko siya.

Nagulat ako ng bigla niya rin akong irapan.

“You---”

“May tanong ako…” nakayuko niyang sambit sa seryosong tono.

Inaabangan ko ang sasabihin niya at tinitingnan ang mukha niya. Sinundan pa ito ng mabibigat niyang paghinga. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng angatin niya ang ulo niya at ngumiti nang sobrang lapad.

“Who lives in the house of Sugar under money?” pakanta niyang tanong saakin at halos hindi ako makapasalita. Paano kung may makarinig sakanya bukod saakin?

“Code the Spongebob!” sagot niya sa sarili niyang tanong habang nakaturo sa sarili.

“Bye bye, Squidward! Mwahaha!” kinawayan niya ako at tumawa nang sobrang lakas.

“G-gosh! What’s his problem?” nailing kong tanong sa sarili at pumasok na ng silid.

Pagpasok ko ay agad akong umupo sa upuan ko. Nakipagkwenthan rin sa’kin si Kyra at halos siya lang ang nagsasalita sa dami ng kinuwento niya with sound effects kaya hindi ko maiwasang matawa sakanya. Pero sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Kyra ay napansin ko ang tahimik na nakaupong si Dablyn.

Napausog ako ng biglang lumingon sa direksyon ko si Dablyn at mas nagulat ako sa nakita. Walang suot na makapal na foundation at mapulang lipstick si Dablyn at napansin ko rin ang malalim niyang eyebags. Nakatingin siya sa’kin nang diretso na hindi ko maipaliwanag kung anong gustong sabihin.

Napatingin narin sakanya si Kyra kaya biglang nag iwas ng tingin si Dablyn at ‘di na muling lumingon saakin.

She’s so strange today. That kind of look is not what I always received.

Dumating na rin si Professor Carstein kaya napilitan bumalik si Kyra sa upuan niya.

“Good morning, My dear future scientist.” Panimulang bati niya saamin at inayos ang suot niyang salamin.

“Goodmorning Professor Carstein.” Bati naming lahat.

“It’s good to see you back Ms. Lovei,” tumango lang ako. “But even if some errands have happened you’re still not exempted in reporting your project. Now, are you prepared Ms. Lovei?” tanong sa’kin ni Professor Carstein.

Tumayo ako bago sumagot. “Yes, Prof.”

Naglakad ako papunta sa flat form at sinaksak ang hawak kong flashdrive sa laptop at binuksan ang projector.

“Everyone, here’s my presentation about my discoveries in San Sergio.” Panimula ko at taimtim na nakikinig ang mga kaklase ko sa’kin. They want to know how impressive my presentation will be. Huminga ako nang malalim.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now