Chapter 5

268 29 3
                                    

05: Homo Sapiens

He's definitely annoying.

Dapat nga mag bow siya sa’kin dahil siya ang resulta ng experiment ko. Pero what the heck! Nagwala pa siya at nag sisigaw.

Hinayaan ko muna siya sa sala na nakatumba. Kasalanan niya naman kung bakit nasa gano'n siyang posisyon.

Tinungo ko ang nag-iisang kwarto ng apartment ko. Pumasok ako at naupo sa harap ng study table ko. Agad kong binuksan ang laptop ko at matapos nitong mag-on ay agad akong nag type.

I immediately search for an answer on how to dissolve a specie. And mostly acid at panlalason ang nakikita ko. Ang iba naman patayin.

Hindi ko yun pwedeng gawin. I'm not a killer and not a murderer. I even respect wild grass.

Matapos ang pag re-research at pag hahanap ng sulusyon kung paano maibalik o mawala ang specie na yo'n ay wala akong nahanap na suitable for me.

Hindi ko na naman napigilan na iuntog ang noo ko sa mesa.

"Pano na 'to?" patuloy parin ako sa paguntog sa noo ko.

"Bakit ba kasi napaka palpak at tanga ko?" panlulumo ko.

Tumayo ako at inis na nagpapadyak at sinabunutan ang sarili.

Nahinto ako sa pagsabunot sa sarili ng makarinig ako ng malakas na kalabog.

Agad akong tumakbo papunta sa sala at halos mapasinghap ako ng makitang wasak ang upuan at wala ang tali.

"N-nakawala siya?" luminga-linga ako para hanapin siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Ibig sabihin umalis siya nang nakatali dahil upuan lang ang nandito.

Kailangan ko siyang mahanap.

Tinungo ko agad ang pinto para buksan ito at hanapin siya. Pero pahawak palang ako sa seradura ay nakarinig ako ng bulong sa likuran ko.

"Hey,"

‘Di ko na nagawang lumingon pa ng isang makapal na lubid ang pumulupot sa leeg ko.

Ang higpit ng pagkakatali saakin at para akong binibigti dahil pakiramdam ko ay lalagutan ako ng hininga.

Saka ko lang napagtanto na yo'n ang lubid na pinantali ko sa lalaki.

Kahit pag-ubo ay nahihirapan ako at ang pula-pula na ng mukha ko. Pinipilit kong alisin ang lubid na nakapulupot sa leeg ko pero masyado itong mahigpit.

Hindi ko matanggal ang lubid at bago pa ako mamatay ay sinubukan kong abutin ang g*gong sumasakal sa'kin. Nagtagumpay akong abutin ito at hinila ang buhok niya para sabunutan. Pinili ko ang anit na hilahin para mas masakit at kahit nakatalikod ako ay nilagyan ko ito ng pwersa.

"A-ahk anong p-problema mo?" umuubo kong tanong habang nakahawak parin sa buhok niya.

"If you don't want to die remove your hand and follow my orders." maotoridad na sambit niya. No, nambabantang sabi niya at nakaramdam ako ng kaba sa kabila ng galit.

"Why should I---Ahk." mas hinigpitan niya ang tali kaya parang luluwa na ang lalamunan ko.

Hindi ko na kaya mauubusan na ako ng hininga.

Unti-unti kong niluwagan ang sabunot ko sakanya at binaba ang kamay ko. Nang maramdaman kong unti-unti niya ng niluwagan ang sakal saakin ay agad akong umikot at humarap sakanya.

Nanlaki ang mga mata niya at nagulat sa ginawa ko at binigyan ko siya ng isang ngisi. Magkadikit ang katawan namin at halos ilang distansya na lang ang agwat ng mga mukha namin.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now