Chapter 10

207 24 4
                                    

10: Accusation


Nasa ikatlong palapag ako ng building at nakasilip sa corridor. At gaya nga ng inaasahan ko nagtipon ang mga estudyante sa baba at may inaabangan. Tanaw na tanaw ko ang ‘di magkamayaw nilang paghahampasan at pagtili. Mas lumakas ito ng bumaba sa isang kotseng itim ang isang lalaki na nakasuot ng maputing lab coat at nakabrush up ang buhok, may piercing na diamond sa kabilang tenga at naka-shades. Nilagpasan niya lahat ng mga babaeng naghihintay sakanya at kumakaway. Napairap ako. Ang isang Lerden Kang tinitilian nila? Putulan ko kaya sila ng dila. Tsk.

Bumaba ako patungong second floor at sa kamalas-malasan ay nakasalubong ko ang alagad ni Lucifer. Sinubukan kong tumalikod at maglakad pabalik ng bigla niya akong tinawag. Nakatingin lang din sa'min ang mga estudyante.

"Sugar."

Pinihit ko ang mga paa ko at hinarap siya. Wala parin siyang pinagbago. He's still the same snobbish and punk I know.

"I saw you glaring at me."

Tukoy niya kanina. Pa'no niya nakitang ang layo-layo ko? Nakapamulsa siya at napansin ko ang uniporme niyang makapal at mahal na klase ng tela. Tiningnan ko lang siya ng walang reaksyon.

"So?"

"Aren't you being tired of having that terrible face and expression."

"No."

Lalagpasan ko na sana siya kaso bigla na naman siyang nagsalita. Naikinainis ko.

"It's been a while. Nice talking to you Ms. Sugar Lovei."

"Well, it's not nice talking again with you Mr. Lerden Kang."

Nagsukatan kaming dalawa ng tingin at walang handang magpatalo. We don't talk to each other since then but now we're even having a conversation. And I don't like it. He's another piece of idiots here in B.A. He always made girls heart flutter. And I'm here to let it stop.

"You didn't change after all."

"Still, girls are screaming whenever they see you. Is that how they are fearful with a cockroach?"

Nginisian ko siya at halatang naapektuhan siya sa sinabi ko.

"W-what?"

"Now you're already deaf because of your popularity. I pity you, ninny hammer." umiling-iling pa ako. "And oh before I forget just a stranger reminder, slit their throats when they make noise. It makes you deaf. Can you still hear me? Hello?"

Hindi na siya nakapagsalita at mas lalong naasar sa sinabi ko. You should have never started.

"I hope to not see you around! Bye!" kinawayan ko siya at tuluyang umalis.

Pumasok ako sa classroom at naabutan kong wala pa si Professor Carstein kaya maingay ang buong silid.

Umupo ako sa upuan kong nasa center row. Napatingin sakin si Kyra na halos magkatabi lang ang upuan namin kung wala lang siya sa right row at kung walang espasyo saamin.

"Sugar, how do you know Code?"

Si Code na naman? Kahapon pa nila pinag-uusapan yung specie na 'yon. Hindi ba sila nag sasawa? Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin.

"Tsk."

Akala ko titigilan na niya ako pero ang daldal parin niya. Wala akong pakialam kung anak siya ni Principal Thomas at Presidente siya ng student council dahil handa akong lagyan ng packaging tape yang bibig niya.

"We have a reasearch and paperworks to do that needs a tandem. I think we can work together."

"I prefer to work alone." sagot ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Nakita ko na lamang siya na nakaupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Sugar, try to push your lips like this,"

Sinubukan niyang hilahin ang dalawang dulo ng labi ko pero agad kong tinabig ang mga kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad din naman siyang ngumiti.

"It's okay if we can't work together but there's always a next time right? And I've decided to work alone also."

Sa wakas naisipan na niyang umalis at bumalik sa upuan niya. I don't know why she keeps on bothering me. She's more better than me. She's beautiful, intelligent, president, authority and has the charm to be friendly.

Pumasok na rin si Professor Carstein at nagdiscuss.

"My dear future scientists, don't forget to pass your research and paperworks two days from now. Late submission will receive a deduction. Goodbye class."

Natapos ang kalse at inayos ko na ang gamit para pumunta sa library at doon mag-aral. Kailangan ko na ring tapusin ang pinapa-research ni Professor Carstein at mga paperworks.

Bitbit ang bag ko ay tinungo ko ang library at papunta pa lang ako nang marahas na hinila at tumama ang likod ko sa pader at hawak na ng isang lalaki ang dalawa kong braso. Galit ang mga mata niyang nakatingin saakin. Madilim na rin kaya hindi agad kami mapapansin dito. Sisigaw sana ako ng makilala ang boses niya.

"Don't ever dare to scream Sugar or else I will slit your throat."

"Anong problema mo Lerden?!"

Nakatingin lang siya sakin ng seryoso. Gumagalaw ako at sinusubukang makaalis sa higpit ng pagkakahawak niya sakin sa braso. Napapangiwi ako dahil sa sakit.

"Tell me."

"Tell you what?"

Naguguluhan na talaga ako sakanya. Pag ako nainis baka makalmot ko yang pinaka iingatan niyang mukha.

"Sugar, are you that angry to me?"

Seryoso ang pananalita niya at ngayon lang ako nakaramdam ng kaba dahil sa mukha niya. Ang lapit ng mukha niya sa’kin at kitang kita ko ang pagkimkim ng panga niya.

"Why are you asking me---aww!" napadaing ako ng diinan niya ang hawak sa braso ko. Mangiyak-ngiyak na ako dahil pakiramdam ko ay madudurog ang mga buto ko.

"Ganyan ka na ba talaga ngayon? Because of hatred you became like that? How are you supposed to do that kind of thing---"

"What are you talking about?!" bulyaw ko sakanya dahil hindi ko siya maintindihan at baka saan pa 'to umabot.

"Why do you keep on giving me letters!"

Napanganga ako sa sinabi niya at nailihis ang tingin saka binalik sakanya at tiningnan sa mga mata.

"Letters?"

Umiling-iling siya.

"No. Death threats."

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang ako ang pinagbibintangan niya.

"What the hell! Death threats? Are you serious? If I'm going to kill you I'd rather give you a threat face to face."

"Pwede ba Sugar. Tell me the truth. And don't you remember our---"

"Stop that. I'm telling you I'm not sending you any threats. And if you keep on doing this I will really give you one."

Tiningnan ko siya ng masama at galit. Kanina ko pa sana siya sinabunutan kung nakakagalaw lang ako sa hawak niya. Nagtama ang mga mata namin at galit na mga mata ang sumalubong sakanya. Mas diniin niya ako sa pader kasabay ng hawak niya kaya napangiwi ako at napakagat labi.

"You really changed a lot---"

"Stop that! Ano bang ginagawa mo sakanya? This is a kind of harassment and a violation to the school rules and a sign of immorality. And as a student council president I order you to let go of her."

Kahit si Kyra ay nahirapan tanggalin ang mga kamay ni Lerden.

Kaya siguro ginamit na niya ang posisyon niya sa paaralang ito. Nang mabitawan na ako ni Lerden ay napakapit ako kay Kyra. Nanghina ang tuhod ko at galit na tiningnan si Lerden. Tumayo ako nang tuwid at inayos ang sarili at hindi pinahalata ang sakit ang panghihinang nararamdaman ko.

"Sino ka?" tanong ni Lerden at tiningnan ng malamig si Kyra.

"I'm the student council President." taas noong sagot sakanya ni Kyra.

"Oh, you are far from what I expected." napasalubong ang kilay ni Kyra.

"Drop your expectations. I'm warning you Mr. Kang. If I caught you again hurting Ms. Lovei or other girls I'm not going to hesitate to report you to the Principal. I feel bad for other girls admiring you when you have this kind of behavior. This is such kind of disappointment." litanya ni Kyra at sinubukang hilahin ako pero hindi ako nagpahila. Tumingin pa siya sakin pero binaling ko ang tingin kay Lerden.

"Next time you accuse me of something that I didn't ever did. I will really thread that lips of yours and staple it."

Tinalikuran ko na siya at hindi ko alam kung ba't ako nagpapadala sa hila ni Kyra.

That Lerden! He became a totally jerk! He just escalated my anger towards him. I hate him since then.

"You should have scream if that Lerden Kang is harassing you." sermon sa’kin ni Kyra na nakapamewang. Sana nga pero sa’kin nanggaling yung 'stranger reminder' na naging banta saakin.

"He's not harassing me. Nagtatanong lang siya."

"Anyways, are you okay?" tanong niya habang chine-check ako.

"Yeah. I will now go." tumalikod na ako at iniwan siya. Napabuntong hininga na lang ako.

I don't want to be friends with someone I know soon will vanish.





Third Person's Point of View

Nakamasid lang ang isang tao na nagtatago sa dilim sa naganap na senaryo. Ngumisi ito at tumalikod.

"Lerden Kang. Noted."

Sambit niya sa kawalan at tuluyan na itong umalis.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now