Chapter 11

209 23 0
                                    

11: Bunge of Idiots

"Sasama ka na naman?!" bulyaw ko kay Code dahil paglabas ko ng kwarto ay nakaporma ito at suot ang isang lab coat.

Nauna siyang lumabas kaysa sa'kin at pumara ng taxi. Sumunod ako sakanya bago pa siya makasakay. Sa loob ng taxi ay panay lang ang tingin niya sa labas. Tila isang aso na first time makasakay sa isang kotse.

"Wala na sa basurahan yung flyer. So bakit ka pa pupunta sa Brainiac Academy?" tanong ko nang nakahalukipkip.

"Nakakabagot sa bahay mo."

Napaismid na lang ako. Siya na nga lang 'tong nakikitira. Sarap sabunutan. Nanahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng Brainiac Academy. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na kami. Papasok pa lang kami ng gate ay napunta na naman sa'min---kay Code ang malalanding tingin ng mga students.

Naunang naglakad sa'kin si Code at sinadya kong magpaiwan. Nang mapansin niyang hindi ako sumusunod ay lumingon siya at kinunutan ako ng noo.

"Ang bagal mo." lumapit siya sakin at tangkang hahawakan ang kamay ko nang tingnan ko siya nang matalim kaya naibaba niya ang kamay niya. "Fine." ang dulo ng sleeves ko ang hinawakan niya at hinila. "This would be better, right?" hinayaan ko na lang siya na hilahin ako at ng makarating na kami sa tapat ng classroom ko ay binitawan na niya ang sleeves ko.

"Makakaalis kana." papasok na sana ako nang humakbang ako pabalik at tiningnan siya. "'Wag kang magulo dito sa Academy." bilin ko sakanya. Magsasalita sana siya nang makarinig kami ng tawanan malapit sa'min.

"Yes men. Swimming tayo after." napalingon ako sa pinanggalingan ng mga nakakairitang tawa at mga loko-lokong estudyante. Tatlo silang naglalakad at sa gitna nila ay ang seryosong si Lerden na nakatingin sa'kin. Hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya sa'kin. Pero kapwa seryoso ang mga mata namin.

"Andyan pala si Ms. Bitter." turo sa'kin ng isang lalaki sa kanan na parang nang-aasar---si Dave. Tiningnan ko lang siya. "Oooh! Her eyes give me chills." hinimas-himas niya ang magkabila niyang braso.

"Samson nahawaan na ata ni Ms. Bitter si Lerden." at tumawa sila ng kaibigan niya maliban kay Lerden na nakatitig na ngayon kay Code.

"Pero Ms. Bitter---"

"Address me again with that name and I will pull your tongue out of your mouth." banta ko sakanya. Napatakip siya ng bibig at 'di na nagsalita. Iiwan ko na sana sila at papasok na ng pinto nang marinig ko na naman ang boses niya.

"Mag ingat kayo sakanya."

Tuluyan na akong pumasok at hindi na lang siya pinansin.

Sumunod narin sa'kin pumasok ang dalawa niyang kaibigan.

Nag-iingay ang mga kaklase ko na pinangugunahan ng grupo nina Samson. Binuksan ko na lang ang libro ko at nagbasa at 'di inalintana ang ingay nila.

"Iiih! Nasa labas siya!"

"Saan? Saan?"

"Papunta na siya sa garden!"

"I wonder what his name is."

Napaangat ang tingin ko sa dalawang babae na kakapasok palang sa classroom namin at ngiting-ngiti at kinikilig.

Si Code na naman ba ang pinag uusapan nila? I bet si Kyra pa lang nakakaalam ng pangalan niya. He's really famous without a name. Napatingin ako kay Kyra na tahimik na nagbabasa. Naalala ko ang ginawa niya kahapon. Binalik ko na lang muli ang tingin sa librong binabasa.

Dumating na rin si Professor Carstein at nagdiscuss. Natapos ang klase at agad akong dumiretso sa garden. Tinungo ko ang hardin at ginala ang mga mata. Kakaunti lang ang mga tao. Humakbang ako at naabutan kong nakaupo si Code sa ilalim ng isang puno at nakasandal rito. Lumapit ako sakanya at tahimik itong nakapikit. Alas singko na ng hapon at kulay kahel na ang kalangitan.

"Tama ng kakatitig." nagulat ako ng bigla siyang magsalita. At nagpanggap na hindi nakatingin sakanya. Minulat niya ang mga mata niya at tumayo. "Kakain na ba tayo? Gutom na ako e." hinimas niya pa ang tiyan niya.

"Kumain ka mag isa mo. Tsaka mauna kanang umuwi mamaya. May tatapusin pa ako dito." paalam ko ng walang pinapakitang ekspresyon.

"Pano ako?" nilingon ko siya. Saglit pa akong nag isip, "Hmm. Bahala ka sa sarili mo." nanlaki ang mga mata niya at hinarangan ako.

"Inaabanduna mo na ba ako?"

"Hindi pero malapit na. In this world you need to be independent." pagdidiin ko. Mas madali ang buhay kapag mag-isa.

"How can I be independent if I don't remember anything?"

Nilagpasan ko na siya pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Dumiretso ako sa library.

Sinalubong ako ng malalaking bookshelves at madaming libro. Pinili kong pwesto ang sulok dahil walang makakaistorbo. Binuksan ko ang laptop ko para tapusin ang research na pinapagawa ni Professor Carstein. Matapos ang halos dalawang oras na pagre-research ay sawakas natapos rin ako. Ine-stretch ko ang likod at leeg ko. Mukhang ako na lang ang nag iisang tao dito sa library. It's really silent and empty. Bumalik ulit ako sa pagre-research pero this time iba naman ang hahanapin ko. Sinimulan kong magsearch tungkol sa mga recent na nawawalang tao. Panay lang ang pagbabasa at pagscroll ko. Baka sakaling makita ko ang mukha ni Code. Nakakapagtaka lang dahil hindi ko makita ang mukha ni Code na reported as missing person.

This sucks! Hindi niya naaalala ang apelyido niya, walang information sa hospital na pinanggalingan niya at natapon ko pa ang flyer na pag-asa namin.

Wait, anong oras na ba? Napatingin ako sa wrist watch ko at malapit na palang mag alas nwebe ng gabi. Gabi na pala.

Nagulantang ako at halos malaglag ang puso nang biglang mag ring ang cellphone ko sa gitna ng tahimik na silid na ito. Agad ko itong kinuha at isang unregistered number ang tumatawag. Sinagot ko ito.

"Hoy! Sugar asan kana? Hindi ka pa ba uuwi? Gutom na ako! Pasasabugin ko 'tong bahay mo pag ako nagutom! Umuwi kana!"

Nailayo ko ang phone ko sa tenga ko. Sa hangin niya pa lang kilala ko na kung sino ang tumawag. At saan naman nakakuha ng cellphone ang specie na 'yon. Binaba na ang tawag at dali-dali kong inayos at pinasok sa bag ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng library. Tinungo ko ang hallway at sa pagmamadali ko ay may nabangga ako at nagkalat ang mga gamit ko. Hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino ang nabangga ko at tumingin sa mga nagkalat kong papel.

"Aish." sinimulan kong damputin lahat ng gamit ko at sinilid sa bag. Nilingon ko ang taong nabangga ko at laking pagtataka ko ng hindi ko na ito nakita. Nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo palabas.

Paglabas ko ng gate ay bigla akong napahinto. Nagpipigil ng inis. Dahan-dahan akong humarap at tumambad sa'kin ang nakakalokong ngiti ng isang specie na kinaiinisan ko.

“Hi.”

"Magpaliwanag kana bago pa mandilim ang paningin ko." tiningnan ko siya ng seryoso.

"Ang bilis mo palang tumakbo?" tumawa pa siya nang mahina. "Kung nagtataka ka kung pano kita natawagan nakihiram lang naman ako ng phone. Wala pala akong pera tsaka gutom narin ako."

Pumikit ako at bumuga ng hangin.

"In a count of three simulan mo ng tumakbo."

"Bakit hindi ba tayo sasakay?" takhang tanong niya.

"Isa."

"Wala ka na bang pera?"

"Dalawa."

"Bakit ba kasi ako tatakbo?" napakamot pa siya sa ulo niya.

"Tatlo!"

Kusa na siyang tumakbo nang tinaas ko ang magkabilang dulo ng sleeves ko.

Humanda ka sakin!






Kinaumagahan binuksan ko ang laptop ko. Isang message ang natanggap ko at laman nito ang isang link. Binuksan ko ito at isa pala itong blog. Pinagmasdan ko ang pag loading ng isang litrato at mensahe hanggang sa lumabas ito na nagpagulantang saakin.

"Goodbye my dear womanizer. I love seeing you in despair. Just like what you did to your girls. Now I have your heart. See you in hell. Death to all who love!" basa ko sa naka post. May kasama pa ito na isang litrato ng puso. Puso ng isang tao. Anong ibig sabihin nito? I can't stand looking at the picture kaya sinara ko ang laptop ko. Mukhang hindi para sa’kin ang laman ng mensahe.

"What the hell is this?" bulong ko sa hangin. At sino ang g*gong nagsend sakin ng link na 'to? Ang what's with that heart?

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa’kin ng kalalabas lang ng CR na si Code. Basa pa ang buhok niya at may nakasabit na tuwalya sa leeg niya. Naupo siya sa dulo ng sofa. Hindi ako sigurado sa isasagot pero isa lang ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung saan at kailan. And this is just my theory.

"Someone died again."



Pumunta na kami ng Brainiac Academy and as expected naroon ang mga Inspectors at nag iimbistiga. Tama nga ang hinala ko. Pero ang hindi ko alam ay kung sino ang pinatay.

"Anong nangyayari, Sugar?" interesadong tanong ni Code habang nakatingin sa mga Inspector na patungo sa West wing.

"They are investigating."

"On what?" tiningnan niya ako at tumingin rin ako sakanya.

"Remember the blog?" tumango siya. "This is where it happened." halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"May namatay dito?" tumango ako. "Sino naman ang mangangahas na pumatay sa loob ng paaralang ito?" napaisip din ako sa sinabi niya at 'di kumibo. "Ngayon pa lang ba nangyari ang ganito?" tanong niya na parang may inaalam.

"Actually, this is the second time." sagot ko at bumuntong hininga.

"That means there’s a possibility that this will be a seria murder." napatingin ako sakanya.

Magsasalita sana ako nang walang sabi-sabing hinila niya ako. "Tara." hindi ako nakaangal dahil hila niya ang laylayan ng sleeves ko. Napansin kong sumusunod siya sa mga Inspectors na naglalakad sa hallway. Mukhang alam ko na kung saan ang punta nito. Huminto kami sapat para makita namin ang pinangyarihan. Napalunok ako. May isang yellow plastic na nagsisilbing barrier or off-limits para sa mga unauthorized persons ang nakapalibot sa nakabukas na pinto. Ang library. Nasa loob ang mga Inspectors na hindi ko makita dahil sa mga librong nakaharang. "So, this is the crime scene." tango-tangong sabi ni Code.

"Umalis na tayo dito. Nagsasayang ka lang ng oras." aalis na sana ako ng mahinto dahil hawak niya ang dulo ng sleeves ko. Pinilit ko itong ikalas sa hawak niya pero hindi siya nagpatinag at sa library lang nakatingin. "Ano ba?" inis na sambit ko.

"Mamaya na." sumilip siya at nahila niya ako. "Gusto ko lang malaman kung sino yung namatay." sabi niya pa at napairap na lang ako.

"Ba't ba masyado kang interesado dito? Tsismoso ka ba?" tumingin siya sa'kin. "O baka gusto mo ng sumunod sakanya?" sinamaan niya ako ng tingin.

"Gusto ko lang malaman. Manahimik ka na lang nga." sandali niya lang akong tinapunan ng tingin.

Aangal pa sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang malamig na tingin sa'kin ni Lerden. Nakasandal siya sa pinakadulo ng corridor. At diretsong nakatingin saakin. Iniwasan ko na lang ang tingin niya at 'di pinansin. Nababanas talaga ako sakanya pati sa kasama ko! Pag-untugin ko sila e!

Maya-maya'y biglang lumabas ang isang Inspector na pamilyar saakin ang mukha. Ah! Si Inspector Garcia. Naglakad siya at tinaas ang plastic na barrier para makadaan siya at bitbit niya ang binder niya.

"Kamusta Ms. Lovei?" tanong ni Inspector Garcia na suot ang seryoso niyang mukha.

"O-okay lang po." nauutal kong sagot at napunta kay Code ang tingin niya. Aalis na sana siya ng pigilan ko ito at tinanong. "May I know Inspector who's the dead inside?" 'di ko maitago ang kabang nararamdaman at lakas ng kabog ng dibdib lalo na nung ibuka niya ang bibig niya.


"Samson Francisco."

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now