Chapter 1

582 44 22
                                    

01: Sugar the disaster

"Kung gusto niyo pang mabuhay lumabas na kayo!"

"Takbo!"

"Students get out! Get out!"

Lahat ng mga kaklase ko ay nagkukumahog tumatakbo palabas ng laboratory namin na nababalutan ng makapal at maitim na usok.

Umuubo silang lumabas at maging ang Professor namin ay nasa labas.

Hindi na ako nag abala pang pigilan ang usok dahil hindi na 'to bago sakin.

Nakatingin lang ako sa makapal na usok na bumabalot sa buong laboratoryo. Usok na palagi kong nakikita sa t'wing papasok ako dito.

Isang malakas na tunog ng pagbukas ng fire extinguisher ang narinig ko sa gitna ng makapal na usok at nang unti-unti ng mawala ang makapal na usok ay bagsak-balikat at nakasimangot kong tiningnan ang lalaking may hawak nito.

Ako na lamang ang nag iisang estudyante na natira sa loob ng gulo-gulo at maitim ng lab dahil sa kagagawan ko.

Ano na naman ba 'to?

Napailing-iling ang lalaking may hawak ng fire extinguisher bago lumabas. Napayuko ako. At gaya ng inaasahan ko ay pumasok ang Professor namin.

"Miss Sugar Lovei please proceed to the Principal's Office." maotoridad na sambit niya.

"Prof..." nagmamakaawa kong sambit.

"Now."


Nasa tapat na kami ng Principal's Office at naunang pumasok si Professor Carstein.

Napapikit ako nang mariin at inis na sinabunutan ang sarili.

"Palpak na naman, Sugar!" napapadyak narin ako sa sahig dahil sa inis.

Kinakabahan man ay pumasok na rin ako at naupo sa kaharap na upuan ng Principal at sa kabila naman ay nakaupo si Professor Carstein.

Napatingin ako sa pangalan na nakalagay sa harap ng mesa.

'Principal Thomas Light'

"The same issue Professor Carstein?" dahan-dahang humarap ang upuan ng Principal saamin.

Isa siyang lalaki na may diretsong ekspresyon, may suot na manipis na salamin sa mata at puno ng otoridad ang pananalita niya. Mas mukha pa siyang attorney kaysa Principal.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at napapikit dahil alam ko na ang sunod na mangyayari.

"Yes, Principal Thomas." Sagot ni Prof.

Eto na.

"Ms. Lovei! How many times do I have to tell you to stop bombing our Laboratory?" bulyaw nito sakin at napahawak sa sentido niya.

G*go. Hindi ako terorista!

"I'm s-sorry. Hindi ko po sinasadya." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tapunan niya ako ng matalim na tingin.

"That's a lame excuse Ms. Lovei! You are giving a shame to the name of the Academy. You are totally a disaster. Actually, I can expel you right away from this school."

Bakit hindi mo gawin? Gusto kong barahin siya pero pinigilan ko ang bibig ko at tiningnan na lang siya.

"But I can't do that because I have a respect to your father so might as well respect the school."

Pagkatapos niyang banggitin 'yon bumigat ang paghinga ko at napayukom ako ng kamao. Tumayo ako at yumuko kay Principal Thomas.

"T-thank you Principal Thomas. That will not happen again. I assure you."

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now