Chapter 14

165 20 5
                                    

14: Win-Win

     Kinaumagahan ay inaasahan ko na sabay kami ni Code na pupunta sa academy pero magli-limang minuto na ay hindi pa siya lumilitaw. Saan na naman ba nagsususuot ‘yong specie na ‘yon? Bumuga ako ng hangin at agad na lumabas ng bahay at sinara ang pinto. Bahala siyang maiwan---!

“Oh my specie!” napahawak ako sa dibdib ko nang biglang lumitaw sa harapan ko si Code at ang mas nakakagulat ay nakasakay ito ng bike.

“Hiramin ko muna ‘to. Tsaka hindi na ako sasabay sa’yo magtaxi.” Sambit ni Code habang naka rest ang isang paa sa lupa.

“Kinuha mo na naman ba yan sa bodega?” bulyaw ko sakanya. Nakangiti siyang tumango at tiningnan ang sarili.

“Ang cool ko bang tingnan?” napairap ako.

“Hindi.” Napaismid siya sa naging sagot ko.

“Sinungaling. Pero hindi ko alam na may ganito ka palang bike ang ganda ah at mukha ng maayos pa, mukhang hindi pa nagagamit.” bumaba siya ng bike at pinagmasdan ito. Yeah, maayos pa talaga yan dahil never ko yang ginamit dahil bigay yan ng magaling kong ama. Naglakad ako papalapit dito at sinipa ang bike. Nagulat si Code sa ginawa ko pero linagpasan ko lang siya at agad niyang tinayo ang bike at tiningnan.

“Witch!” sigaw niya sa’kin habang lulan siya ng bike at agad na umalis. Pinitik ko ang buhok ko. Ang ganda ko naman ata para maging witch. Sinuot ko ang kamay sa bulsa ng puti kong uniporme. Ano naman kaya naisipan ng specie na ‘yon para gumamit ng bisikleta? Exercise maybe?

Matapos kong makakuha at sumakay ng taxi ay nakatingin lang ako sa bintana nito at nakahinto ito sa harap ng Brainiac Academy. I wonder if I stepped out here I will still go back alive. Huminga ako nang malalim at bumaba. Inayos ko ang uniporme ko at bitbit ang bag ko at naglakad ako papasok ng gate. Wala akong dapat ikatakot at ikahiya dahil alam kong wala akong ginawang masama. Pero hindi ko parin naiwasan ang mga tingin nila saakin. Tsk. Akala ko si Code lang ang tinitingnan nila.


Pumasok ako sa classroom namin at laking gulat ko ng makitang nakaupo na sa harap si Professor Carstein. Napatingin ako sa relo ko. Hindi pa naman time nakakapanibagong mas maaga pa sa’kin si Professor Carstein. Lahat ng mga kaklase ko ay nakaupo ng diretso at nagbabasa ng libro. Pagtungtong ko pa lang saloob ay nagsitinginan na silang lahat saakin kaya napairap na lang ako. Isang nagpaparinig na ubo naman ang pinakawalan ni Professor Carstein.

“Good morning, Professor Carstein.” Bati ko at tinanguan niya lang ako kaya dumiretso na ako sa upuan ko. Isang sulyap din ang binigay ni Kyra bago bumalik sa binabasa niya. Pagtingin ko sa desk ko ay may nakita akong isang note.

“Check the blog?” basa ko dito. Agad kong kinuha ang laptop ko at binuksan. Tinungo ko ang site. At ng Makita ko ang laman nito ay nakagat ko ang aking ibabang labi.

Nakapost ang litrato ko na hawak-hawak sa kwelyo si Dablyn at ang caption ay ‘Sugar is going to kill someone again. Beware’.

“Okay, let’s start the lesson. And reminder again I don’t want to hear again any trouble from this class. You are grown up so don’t give me a hard time maintaining discipline in this room.”

Now I know kung bakit maaga si Professor Carstein. Sigurado akong si Kyra ang nagsabi sakanya. Natapos ang klase at lunch break na. Matamlay na pumunta ako sa cafeteria at kumuha ng pagkain. As expected I have their attention. Mag-isa lang akong nakaupo sa isang malaking mesa. Buti naman. Pasubo na ako ng kanin ng may biglang nagpatong ng tray sa mesa ko.

“Wala ng bakante.” Sambit ni Code at hinawakan ang kubyertos niya.

“Nakakuha ka ng pagkain kahit hindi ka naman student dito? What a shame.” Sumubo na lang ako at siya naman ang sumimangot.

“Okay ka lang ba?” naangat ko ang tingin sa biglaang tanong ni Code sa kalagitnaan ng pagkain namin. Tumango lang ako. “Mukhang hindi.” Dugtong niya.

“Alam mo naman pala ba’t nagtatanong ka pa? Sa tingin mo ba magiging okay ako lalo na’t hindi pa nahuhuli ang culprit at ako ang pinagbibintangan ni---“ bigla akong sinubuan ni Code ng kanin para matigil sa pagsasalita.

“Alam ko. Ang inagay mo.” Sisigawan ko na sana siya ng maalala kong may kutsara nga pala sa bibig ko at patanggal na ko nito ng may isang tray nanaman ang lumapag sa mesa namin. Tiningala ko ito at naialis ko kaagad sa bibig ang kutsara.

“Anong ginagawa mo dito?” si Code na ang nagtanong. Hindi niya pinansin si Code at nakatingin lang sa’kin.

“I’m here to share a table with you and eat.” Naupo siya sa tabi ko at kaharap naman namin si Code. Binaling niya ang tingin kay Code. “Hey, I still don’t know your name. By the way I’m Lerden Kang,” inabot niya ang kamay kay Code.

“Code.” Simpleng tugon ni Code kay Lerden na hindi man lang inaabot ang kamay nito. Alam kong nagpipigil lang si Lerden dahil sa ugali ni Code. I know him very well. Pag-untugin ko kaya sila ni Code parehong nakakabwisit ang ugali nila.

“Well, nandito ako para sabihin sainyo na nag imbistiga ako. And I found this,” nilagay niya sa mesa ang tatlong papel na lukot.

“Death threats. So are you now going to say that I did that?” naibaba ko ang kubyertos ko at tiningnan siya nang mabuti.

“No.” napakunot ang noo ko sa sagot niya. Hindi ba dapat sasabihin niya na ako ang may gawa ng mga Death threats na hawak niya. “That’s not mine. I found these at Samson’s dorm.” Nanatili ang ekspresyon saaking mukha. “And these death threats tell who killed Samson.”

“And you’re going to blame it to me?” inis kong sabi. Konti na lang tutusukin ko na yang lalamunan niya ng tinidor. Pansin ko naman ang seryosong tingin ni Code.

“No. Can you please let me finish first?” irap ang sinukli ko kay Lerden. “ That death threats proves that you’re not the killer.”

Napalunok ako. “How do you say so?”

“Because I know that you don’t even know the dorm of Samson and the handwriting…this is not yours.” Natigilan ako sa sinabi niya. ”And I’m here to catch that killer.”

“Teka kilala mo ba ang killer?” tanong ni Code.

“Hindi. Pero kikilalanin ko siya. At sa tingin ko ako ang next target.” Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Lerden lalo ng ilabas niya ang dalawang papel.

“This one. I thought Sugar sent this to me but after I received this second death threat speculations run into my mind. “

Tiningan namin ang dalawang papel. Ang unang papel ay hawak ni Code at ako naman sa ikalawa.

“Lerden Kang, may I have your heart? What the… Uggh! This gives me goosebumps.” Sambit ko matapos basahin ang nakasulat. Isang alaala ang pumasok sa isipan ko. Bigla kong nabitawan ang sulat matapos maalala ang dalawang incident na nangyari recently at ang mga bangkay ay natagpuan na walang puso. Napatingin ako kay Lerden na nagtatakang nakatingin saakin. Are you really the next? Kinakabahan ako para sakanya. Nakaramdam ako ng pangingilabot sa buong katawan ko at takot sa maaaring mangyari kay Lerden.

“And I will help you catch that person.” Biglang dumating si Kyra at naupo sa katabi ni Code. Masigla siya ng binati ni Code at ngumiti lang nang tipid si Kyra.

“Kanina ka pa ba nakikinig?” tanong ko.

“Nope. Not really. Pero I like the idea of hunting that killer. He’s making my father stressed and that killer is a pain in ass. He gave too much noise in this academy.” Paliwanag niya. “And I agree with Lerden, Sugar is not the killer. The killer is the one who has access to the boy’s dorm.”

Napatango kami sa sinabi niya.

“So, it’s win-win situation. You’ll both help me to clean my name and we’ll both help you Kyra for the sake of the image of this academy. This is just the first time and last time that I will ask help from you. And after this we’re all done.” Atmosphere seems to be so serious in our situation right now.

“Pa’no naman ako?” tinaas ni Code nang bahagya ang kanang kamay niya.

“Win-win Code.” You’ll help me and I’ll help you. Sumimangot lang siya at ngumuso. Inismidan ko nalang siya.

“So…” Kyra mumbled.

“Bring it on!”




It’s already 9:00pm at halos paubos na ang mga estudyante at pabalik sa kani-kanilang dorm. Lumabas ako ng laboratory at may pinasok sa bulsa.

“Ah, I think uulan.” Sabi ko sa sarili habang nakatingala sa langit. Madilim at walang mga bituin. Malamig din ang hangin. Inayos ko ang suot kong lab coat at tumungo sa boy’s dorm. Nakita kong naglalakad si Lerden sa may ikalawang palapag. Agad akong tumakbo sa hagdanan pero nahinto ako at napakunot noo ng may makita akong sumusunod sakanya. Hindi ko makita kung sino ito. Huminga ako nang malalim at tumakbo paakyat ng hagdan. Hinanap ng mga mata ko si Lerden at muli kong binagtas ang hagdan. Palinga-linga ako sa pasilyo pero hindi ko na makita si Lerden.

“Asan na ba yung lalaking ‘yon?” ang tahimik ng paligid marahil ay nasa loob na ng mga kwarto nila ang mga students. Dahan-dahan akong naglakad at pinapakiramdaman ang paligid. Napasingahap ako nang makaramdam na parang may kakaiba sa likuran ko. Ilan pang hakbang ang ginawa ko at bigla akong napahinto at lumingon sa likuran. No one was there. Nakahinga ako nang maluwag at pagliko ko ay nakita ko si Lerden na naglalakad.

“Lerden---!” nagulat ako ng may biglang may nagtakip ng bibig ko at humila sa’kin papunta sa madilim na sulok. Todo ang pagpupumiglas kong makaalis.

“Ssshhh! Ako ‘to Sugar.” Pabulong na pagpapatahimik sa’kin ni Code. Napahinto ako sa pagpupumiglas at nakahinga nang maluwag ng tanggalin ni Code ang kamay niya sa bibig ko.

“Bakitmo ba ako hinila dito—“ agad na pinayuko ako ni Code paupo at nakasiksik lang kami sa sulok at masyadong madilim. Parang natuod ako sa posisiyon ko dahil masyado kaming magkadikit ni Code at ramdam ko ang mainit na paghinga niya. At saka ko lang napagtanto na nakayakap sa’kin si Code o ako lang talaga ang nag iisip na yakap ang ginagawa niya. Sinubukan kong kumalas pero mas hinigpitan niya ang yakap saakin.

“’Wag kang gagawa ng anumang ingay kung ayaw mong tayo ang unang mamatay. Stay still.” Malalim niyang sambit. Napalunok ko. “I’ll kiss you if you dare to move.” Banta niya at nanlaki ang mga mata ko. Ni paghinga hindi ko na ginawa ng dumaan ang isang anino na may mabibigat na yabag. At ng tumama ang ilaw sa kamay ng dumaan ay nagreflect saamin ang pagtama ng ilaw sa hawak niyang patalim.

Biglang lumingon sa direksyon namin ang anino at base sa tindig nito ay isa itong lalaki. At dahil sa biglaang pagharap nito ay napasigaw ako sa pagkabigla. Pero hindi pa nakakalabas ang sigaw ko ay biglang isang malambot na labi ang nakipag-isa sa labi ko. Tinangka kong pumalag pero  hindi na ako nakagalaw dahil nakatingin talaga saamin ang lalaking may hawak na kutsilyo. At nang sa tingin ko ay hindi naman niya kami nakita at nagsimula na siyang maglakad ay agad kong tinulak si Code.

Gusto kong sigawan si Code pero tila napipe na ako at walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Napahawak ako sa labi ko at ramdam ko ang pag-init ngpisngi ko. Buti na lang at nasa madilim kami kaya hindi niya makikita ang pamumula ng pisngi ko.

“I already warned you, Sugar.” Sambit niya na tila nag-aasar. “Sa bahay mo na ako sigawan. O baka gusto mong dito na?” pang-aasar pa niya.

“H-hindi.” Halos wala ng boses kong sambit. Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero alam kong ngiting-ngiti siya.

“Nakaalis na siguro yung killer. Tara.” Inabot niya ang kamay ko pero agad ko itong hinila at kusang tumayo. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa kaya inunahan ko na siyang lumabas at maglakad.

“Sugar yung killer!” agad akong napatakbo pabalik kay Code at napahawak sa braso nito. “Biro lang.” halos ibaon ko ang lahat ng kuko ko sa braso niyang hawak ko nang mahigpit dahil sa pang-uuto nito. Iniinda lang niya ang sakit dahil hindi siya pwedeng sumigaw.

“Sundan na natin si Lerden.” Suhestiyon niya. Tinabig niya ang mga kamay ko at napahawak sa braso niya. “Baka ako ang unang mamatay.” Mangiyak-ngiyak pero pabulong niyang sambit.

Naglakad kaming dalawa nang mabilis at sinisikap na walang malikhang tunog ang mga sapatos namin. Naabutan namin ang lalaking may hawak na patalim at nakasuot ng cap.

Patuloy lang din si Lerden sa paglalakad nang nakapamulsa at parang hindi niya alam na ang sumusunod sakanya ay ito na palang papatay sakanya. Halos madapa ako ng biglang hablutin ng lalaki si Lerden at kinulong ang leeg sa braso niya at tinutukan ng patalim. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nakatingin lang kay Lerden at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


“Kamusta…Lerden?”


No…It can’t be.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now