Chapter 42

30 4 0
                                    

42: New beginning

“Where’s Code? I haven’t seen him for a while.” Tanong ni Lerden habang kumakain kami dito sa cafeteria.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang bumalik si Code sa pamilya niya. Nakakapanibago. Wala masyadong nangungulit, wala akong sinusuway, walang patay gutom sa tabi namin at mag isa na ulit ako sa bahay.

“Sorry for keeping this a secret.” Hindi nila alam na kinupkop ko si Code at sa nangyaring pagkawala ng mga alala niya.

“Bakit? May tinatago ba kayo sa’min?” seryosong tanong ni Lerden.

“Wala ng rason para itago pa ‘to. Code isn’t my neighbor. Isa siyang missing person at napadpad siya dito sa Brainiac Academy at sa kasamaang palad ako ang nakakita sakanya. At kinuwento niya sa’kin kung bakit siya napadpad dito. Walang maalala si Code na kahit ano. Ang naaalala lang niya ay ang aksidenteng nangyari sakanya at may taong nagbabanta sa buhay niya. Never namin binanggit sainyo ang apelyido ni Code hindi ba?”

Nakatitig lang silang dalawa saakin. At ng magsink in na sa mga utak nila ang sinabi ko ay saka lang sila nagkaroon ng reaksyon.

“Y-you mean, you lived with that crazy man in one house?” tumango ako bilang sagot kay Lerden.

“I can’t believe this. May ginawa ba siyang masama sa’yo? Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin? You shouldn’t be living with a strange man in a single house. You should have tell me sa bahay ko na lang sana pinatira yung kumag na ‘yon.” Naiintindihan ko kung bakit ganyan na lang ang naging reaksyon ni Lerden.

“Code never ever did anything bad to me aside from annoying me.” Bumuntong hininga ako.

“Goodness. Okay lang ba siya?” nag aalalang tanong ni Kyra.

“Asan siya ngayon? Bakit hindi na siya pumapasok?” kabadong tanong ni  Lerden.

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

“Nahanap na namin ang pamilya niya at nakabalik na siya sakanila.”

“Ano?!” nagulat kaming dalawa ni Lerden sa biglang pagtayo ni Kyra at pagsigaw muntikan pang tumaob ang mesa namin.
“Oh, I-I’m sorry nagulat lang ako.”

Napailing na lang ako. Minsan talaga nakakagulat si Kyra.

“So, what’s his full name?” interisadong tanong ni Lerden.

“Code Morse. A very unique name.” natatawa kong sabi.

“Lerden Kang. Lerden Kang. Lerden Kang. My name is also unique right?” tumingin siya sa’kin at binaling ang tingin kay Kyra na tulala at walang kibo.

“Kyra, are you okay?” tanong ko sakanya. “Kyra, hey.”  Niyugyog ko siya at saka lang siya bumalik sa ulirat.

“Y-yes?” she looked so clouded with thoughts,

“Are you okay?” ulit kong tanong.

“Of course!” masiglang sagot muli ni Kyra. She can easily switch her mood.

“E ikaw Sugar, ayos ka lang ba?” napatahimik ako sa balik na tanong ni Lerden.

“Oo naman. Masaya ako na nakabalik na si Code Morse sa pamilya niya.” Ngumiti ako. “I’m fine.” A lie.

Tiningnan ako ni Lerden nang may malungkot na mukha.

“Stop looking at me like that. I will go to my class now. Bye!” agad akong tumayo at umalis.

Naglakad ako patungong garden. Naupo ako sa may malaking ugat. Pinakiramdaman ko ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.

Napaangat ang tingin ko sa puno at napabuga ng hangin. I suddenly remember Code. He was always there before. Now he’s gone. Iling iling akong tumayo.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now