Chapter 12

156 24 5
                                    

12: Evidences points you

"Samson Francisco."

Natigilan ako at 'di nakapagsalita. Malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko na ang kaklase ko ang namatay. Tumalikod na si Inspector Garcia at kinausap ang isa pang kasamahan niya.

"Kilala mo ba s'ya?" biglang tanong ni Code na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy. Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko ay nanlalamig ako na hindi ko maintindihan. Kinunutan ko lang siya ng noo. "Yung matanda at yung patay." pagtutukoy niya. Tango ang naging sagot ko at humugot ng lakas para magsalita.

"Yung matandang lalaki ay si Inspector Garcia. Siya ang nag iimbistiga ng mga krimen dito sa B.A. at yung namatay naman..." huminga ako nang malalim. "Classmate ko siya. Siya yung nang asar at tumawag sa'kin na Ms. Bitter." sandaling nanlaki ang mga mata niya. Nahagip muli ng mga mata ko si Lerden na ngayon ay matalim na ang tingin saakin. I know what he's thinking. It's too obvious. "Idiot." I mouthed. And his jaw clenched.

"Hindi naman siguro ikaw ang pumatay sakanya?" pabirong sambit ni Code pero hindi ko 'yon nagustuhan kaya pwersahan kong hinila ang kamay kong hawak niya ang sleeves. "Biro lang." tangkang hahawakan niya ang balikat ko ng samaan ko siya ng tingin. Aalis na sana ako nang biglang dumating si Professor Carstein at lumapit kay Inspector Garcia. Naglakad ako palapit sakanila.

"Good morning Prof." bati ko.

"There's nothing good with this morning, Ms. Lovei." napatango na lang ako sa naging tugon ni Professor Carstein. Puno ng pangamba ang mukha niya at inayos ang kwelyo bago nagsalita. "I heard that you want to hear something from me." tanong ni Professor Carstein kay Inspector Garcia.

"Yes. Thank you for acknowledging my request. But I will go straight to the point. You are still here in this academy yesterday evening and doing your papers and records of your students that you need to deliver in the Principal's office. My question is do you passed by here around 8 to 10 pm?" dire-diretsong sambit ni Inspector Garcia.

"Yes, I'm still here at that time and all of what you have said is correct. But I didn't pass this way instead I'm standing there at the side of this building and I'm on my way to the Principal's office. And at that range I can still see this library. And when I was going upstairs I saw someone who's rushing to go outside of the library and running to the corridor." paliwanag ni Professor Carstein at nakatingin lang sa binder si Inspector Garcia at nagsusulat.

"Did you know that person?" tanong ni Inspector Garcia.

"Yes." huminto siya, "And she's my student. Ms. Sugar Lovei." tumingin sa'kin si Prof at ganon na lang ang pagkabigla ko. Tumingin rin sakin si Inspector Garcia at nagsulat.

"Sinasabi mo bang ang nakita mo ay si Ms. Lovei na lumabas ng library na nagmamadali?" pag uulit ni Inspector Garcia. Tumango si Professor Carstein. "At sinasabi mo rin bang tumakbo siya sa direksyong ito?" tinuro niya ang daanan sa harapan namin na siyang tinakbuhan ko kahapon. Tumango muli si Professor Carstein. "At kaklase mo pa Ms. Lovei ang biktima." parang natigil ang paghinga ko sa bawat pagbitaw niya ng mga salita. "Ngayon sabihin mo sa'kin Ms. Lovei sa'yo ba ito?" nilabas niya ang isang plastic na may lamang cellphone sa loob at agad akong napatingin sa bag ko at hinalughog at nang makita kong wala ay nakumpirma kong saakin nga ang cellphone.

"O-opo." panong napunta sakanya ang cellphone ko?

"Sa'yo nga ito. At dahil nagmamadali kang lumabas ng library at tumakbo sa direksyong ito marahil ay nabitawan o nahulog mo ang iyong cellphone nang hindi mo namamalayan." napaisip ako sa sinabi ni Inspector Garcia. At bigla kong naalala na nagkalat nga pala ang mga gamit ko kagabi kaya posibleng hindi ko nadampot ang cellphone ko at naibalik sa bag.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now