Chapter 34

55 8 1
                                    

34: Downfall

Dahan dahan kong nilibot ang mga mata ko. Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Napabuntong hininga ako. Nandito na naman ako sa hospital nakahiga at may nakatusok na dextrose.

Tiningnan ko kung sinong may hawak sa kamay ko.

Nakahawak si Kyra sa kamay ko at nakayuko. Mukhang nakatulog siya. Nadako ang mata ko sa isang sofa dito sa loob ng hospital. Mukhang pagod na pagod si Lerden dahil tulog din itong nakahiga sa sofa at gulo gulo pa ang buhok. Biglang inangat ni Kyra ang ulo niya.

“Sugar! Gising ka na!” tuwang tuwa niyang sambit at nanunubig na rin ang mga mata niya. Napangiti lang ako sakanya. Halos malaglag naman si Lerden sa sofa ng marinig ang sinabi ni Kyra at lumapit sa’kin.

“Sugar? How are you feeling? Can you recognize me? Uh, wait I will call the doctor.” Aalis na sana si Lerden ng pigilan siya ni Kyra.

“Ako na.” agad na tumakbo si Kyra palabas at narinig ko pa ang pagsingot niya.

Napaka O.A talaga ng babaeng ‘yon. Nagtataka ako kung paano ko ‘yon naging kaibigan.

Nilibot ko ulit ang tingin ko. Bakit parang may kulang?

“Asan si Code?” tanong ko kay Lerden.

Bumuntong hininga siya.

“I don’t know he has a phobia on entering hospitals. He insisted to stay here but his body can’t cooperate that’s why we send him home.” Napaiwas ako ng tingin.

“Ano bang nangyari?” sinubukan kong umupo at agad naman akong inalalayan ni Lerden. Napansin ko ang mga galos ko sa braso at kamay. Nakaramdam din ako ng kirot sa tuhod ko.

Pumasok ang Doctor kasama si Kyra at matapos akong macheck ay lumabas na ito.

“Our service was about to leave but we found out that you are missing. We searched for you. Even Kyra insisted to help. And then I found you and brought you back there.” Naalala ko ang ginawang pagbuhat sa’kin ni Lerden.

“Thank you, Lerden.” Seryso kong saad.

“I told you, I will protect you.” Nakangiti niyang sabi.

“But Sugar, how can you sleep for three days? You made me so worried!” maiiyak na naman si Kyra kaya napatawa ako nang mahina.

“Nakatulog lang naman ako ng tatlong araw---What?! Tulog ako ng tatlong araw?!” gulat kong tanong sakanilang dalawa.

Sabay silang tumango saakin. Napahawak ako sa ulo ko.

“Pa’no na ‘yong project ko? Late na ba ako sa submission?” bababa na sana ako sa higaan ng pigilan ako ni Kyra.

“Professor Carstein, already gave you an extension because of what happened. But how did you get there? You know it was dark and creepy---”

“Si Dablyn? Anong nangyari sakanya?” agad kong tanong.








Papalabas na kaming taltlo sa Hospital dahil pinayagan na ako ng doctor. Nang nasa garden na kami ng hospital ay huminto ako sa paglalakad at hinarap si Lerden at Kyra.

“Salamat talaga sainyong dalawa pero sa tingin ko kaya ko ng umuwi mag isa.”

Nagkatinginan sina Kyra at Lerden.

“Okay, alam na namin na sasabihin mo ‘yan. Una na kami ah. Take care.” Kinawayan na ako ni Kyra at naunang tumakbo papunta sa pedestrian lane.

“Are you sure you can go home alone?” alalang tanong ni Lerden. I gave him a nod of assurance.

“Okay. Ingat Sugar, bye.” Kinawayan na rin ako ni Lerden at patakbong lumapit kay Kyra.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now