Chapter 53

31 4 0
                                    

53: Blood

Gabi na ng makauwi kami ni Code. Walang sinuman saamin ang gumagawa ng kahit anong ingay. Hawak-hawak ko parin ang necklace ni Mom.

Malapit na kami ni Code makarating sa bahay ko ng tumawag si Lerden. Si Lerden ang naiwan sa bahay ni Kyra.

“Bakit?” mabibigat ang hiningang binibitawan ni Lerden kaya bigla akong nag alala.

Napatingin naman sa’kin si Code.

“S-sugar. I k-know who the killer is!”

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

“H-how?” kinakahabahan kong tanong.

“We’ve been tricked.”

Huminto si Lerden sa pagsasalita.

“Lerden? Hey, speak!” hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Gustong gusto ko ng malinawan sa lahat ng nangyayari sa’min at mapanagot ang killer.

“The killer is right in front of me…”

Mas lalo akong kinabahan ng marinig ang mga sinabi niya. Sinenyasan ko si Code na kailangan namin bumalik at walang ano anong nag U-turn siya at mabilis na pinaandar ang kotse.

“Who the hell is the killer?!”

“The killer is----“

Malalakas na kalabog at puro ingay ang narinig ko.

“Lerden? Lerden! Hoy sumagot ka! Lerden!”

Pinakiramdaman ko ang linya at naririnig ko pang humahangos si Lerden pero mabagal ito at mabibigat. Parang nahihirapan siya. Ano na bang nangyayari?

Mga yabag ang sunod kong narinig. At bago matapos ang tawag ay nakarinig pa ako ng pagkabasag at naputol ang linya.

“Lerden!”

“Anong nangyayari?” alalang tanong ni Code.

“You have to hurry! Lerden is in danger!”

Tumango si Code at mas pinabilis ang pag andar ng kotse. Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay ni Kyra ay mas lalong tumitindi ang kabang nararamdaman ko.

Nang makarating kami ay kahit hindi pa napapatay ni Code ang makina ay dali dali akong lumabas at kasunod namin ay ang pagdating ng kotse ni Principal Thomas.

Nagkatinginan kami ni Code.

Shit! Silang dalawa lang ang naiwan sa loob.

Agad kaming tumakbo papasok at agad na hinanap si Lerden at Kyra. Napahinto kami sa pagtakbo ng makita si Lerden na nakahandusay sa paanan ng hagdanan.

“Lerden!” agad namin itong nilapitan at ng iharap ito ni Code ay nakita namin ang sobrang daming dugo na kumawala sa noo niya. Tinapik tapik ko ang pisngi niya.

“Lerden, gumising ka. Lerden, please…” pinakiramdaman ko siya at humihinga pa ito. Nanunubig na ang mga mata ko sa takot at panagmba habang ang isa sa mga kaibigan ko ay nasa harapan kong nag aagaw buhay.

Nang may maalala si Code ay agad itong tumakbo pataas ng hagdan at tumungo sa kwarto ni Kyra.

Pilit kong pinipigilan ang pag agos ng dugo sa ulo ni Lerden at pati ang damit ko ay puno narin ng dugo.

“Lerden, please wake up…” halos pabulong ko ng sabi.

Sa gilid ni Lerden ay nakita ko ang cellphone niyang basag basag. Lumabas si Code ng kwarto buhat buhat si Kyra. Agad tumakbo si Principal Thomas sa tabi ni Kyra at nakita namin ang dumudugo niyang mga braso. Napuno ng mga hiwa ang mga braso niya ay puro dugo rin ang bistida nitong puti.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now